Kabanata 8

3.1K 104 3
                                    

Tawag

Yvanno's seat was vacant. Tatlong araw na itong hindi pumapasok at tatlong araw na rin itong hindi nagpapakita sa kanya. Samuelle tried to brush the worry she's feeling but it's worthless. Hindi niya mapigilan ang mag-isip na baka may nangyaring masama rito. Knowing Yvanno, he tends to harm himself whenever he feels depressed and unwanted. At hindi niya alam ang dahilan kung bakit bigla na lamang itong hindi nagpakita sa loob ng tatlong araw.

Not that she misses him, okay sort of, but the last time Yvanno disappeared for three days, he overdosed himself with sleeping pills. Iyon 'yung araw na nanlamig siya rito at nasabay pa ang paulit-ulit na away nito sa pamilya. Hindi malabong mangyari ulit 'yon at aaminin niyang natatakot siya. It scares her how Yvanno can do such thing as if he can really kill himself without having second thoughts.

Natapos ang tatlong oras nilang klase na lutang ang kanyang isip. Ilang beses pa siyang nasiko ni Tamara sa tuwing tatawagin siya ng kanilang propesor. May pa-surprise quiz pa ang naganap at dalangin lang niya na sana pumasa siya dahil talagang lumilipad ang isip niya sa ibang dimensyon.

"Ayos ka lang?" May kunot sa noong tanong ni Alyondra habang nagliligpit ito ng mga gamit. Maging si Tamara ay may pag-aalala sa mga mata na nakatingin sa kanya.

Ngumiti siya sa mga ito na hindi mo aakalaing walang bumabagabag sa isip niya.

"Ayos lang. Pagod lang sa publication, malapit na kasi iyong Literary and Arts Competition." sagot niya sa mga ito.

Hinintay muna nilang makalabas ang mga kaklase nilang nag-uunahan pa sa paglabas ng silid. Maingay ang mga ito na nag-uusap tungkol sa nangyaring pagsusulit kanina. Halos sa mga ito ay nagrereklamo.

"Sa cafeteria na lang tayo kumain. Gahol sa oras kung sa labas pa, pinapatawag kasi kami sa theater mamayang ala-una" Ani Tamara.

Humawak siya sa braso ni Alyondra habang binabagtas nila ang daan patungong cafeteria. Nakikinig lang siya sa pagkukuwento ni Tamara tungkol sa nangyaring theater show nito nitong nakaraan habang masiglang nakikisabay si Alyondra.

Hanggang sa makaupo sila at makakain sa loob ng cafeteria ay hindi tumigil sa pagkukuwento si Tamara. Kung hindi lang lumilipad ang isip niya kung saan ay nasabihan na niya ang kaibigan na tumahimik, but since she's not in the mood, tanging pagtitig lang sa pagkain niya ang nangyari. Ilang minuto na rin ang lumipas ngunit nakakatatlong subo pa lamang yata siya.

"What's with the mood? Sigurado ka bang ayos ka lang?" Pagkuwan ay tanong ni Alyondra na nagpaangat ng kanyang tingin. Hindi man lang lumayo ang tingin nito sa kanya habang umiinom ito ng tubig, as if she's reading and observing her expressions diligently.

Nginitian niya ito at tumango saka napansin na wala na si Tamara sa tabi nito. Did she left already? Kaya pala biglang tumahimik.

"Umalis na si Tam?" Tanong niya ng makasiguro.

"Yep, about ten minutes ago. Bumeso pa siya sa'yo." Umikot ang mga mata ni Alyonda. "Go back to your senses, please."

"Yeah, sorry I spaced out. Madami lang akong iniisip."

Alyondra scantily nodded. "Uhm, kung hindi lang kita kilala iisipin kong broken hearted ka. Daig mo pa ang mukha ng mga pinaasa at iniwan ng syota riyan. Lugmok na lugmok iyang itsura mo."

Pinili nalang niyang ngitian ito at hindi sagutin. She was actually taken aback by Alyondra's reply and the way she fired the words back. Para kasing may kalakip na panunukso siyang nahimigan sa tono nito. Her friend's instinct might be working enthusiastically and you can never go wrong with a woman's instinct.

Madaldal si Alyondra, matanong, but these past few days were surprisingly quite the reverse. Parang may nahihinuha ito sa kanya ngunit pinipili lang manahimik. Hindi niya alam kung dapat ba niyang pasalamatan iyon.

Fire in the CloudsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon