Youngest Freak
Mistulang nakatanga at hindi magkanda-ugaga ang lahat sa isang pigurang papasok ngayon ng malaking establisimento. Ang babaeng head overheels ang pagiging model ang kabuuan, nakasoot ng red velvet tube attire dress, suited black sleeve and 6 inches stiletto white made by Paris. Ang buhok nitong kulay mahogany red na ngayo'y na nakapusod, eyeglasses na binili niya pa from Switzerland dahil sa grado nitong 250-175. Stigmatism kung tawagin. Mapupula nitong labi na pinatungan lamang ng gloss, at perfectly curl na pilik-mata. Sadyang bossy look talaga kung titingnan.
"Good morning, ma'am!" Masiglang wika ng lahat ng empleyado. Ngunit ni tingin ay wala silang nakita mula sa kanilang boss.
"Ang arte niya talaga! Tsk. Hate her to death!"
"Right! Oo maganda siya at mayaman. But that doesn't mean na abusuhin niya!"
"Well, if I know, tatandang dalaga yun!" Chismisan nang tatlong mag-a-apply na kasalukuyang nakaupo sa balkonahe ng clerk's floor.
Napahinto sila sa pagtawa nang biglang may lumapit na babaeng regular ng emplayado rito.
"I'm sorry but who the hell all are you to easily accused and make gossip to the CEO? Kung ngayon pa lang hindi niyo masisikmura siyang pakisamahan, puwes, tumayo na kayo ngayon at maghanap na ng ibang pagtatrabahuan!" Impit na boses ni Jillie, tatlong taon nang director ng F Company.
Tumaas ang kilay nitong huling chumismis sa CEO. "Sino ka ba? Hamak na empleyado ka lang at alam ko namang matagal ka ng nagtitiis doon pero no choice ka kasi mahirap nang humanap ng trabaho nowadays." May punto itong babae. Gusto niyang sang-ayunan pero lingid sa kaalaman nito ay gusto niya nang ngumisi. At iyon nga ang ginawa nito. "Yes, I really have no choice. And you got my point. But to tell you frankly, noong una nagfreak out din ako sa ugali niya pero once na maganda ang performance sa work, 4x sa sahod ang magiging bonus.. monthly!" Sinadya niyang inggitin ang tatlo. But what she was said is really a fact.
Napanganga bigla sa gulat ang tatlo. Para silang sinabugan ng fireworks at gusto nang magtatambling. Quadruple sa kikitain nila dito? Minimum nga dito ay 10 thousand a month. Tapos ita-times pa sa 4? Haru jusko! Kahit sino'y kakagatin talaga iyon. Lalo na sa panahon ngayon!
"At isa pa, ganyan lang yun. Pero kung may ugali kayong likas na totoo at marunong makisama, you all meet the real Trixie Eunice Fontanilla. And I swear, hinding hindi niyo pagsisisihan."
"Ma'am, pinapatawag niyo daw ako?" Magalang na tanong ni Maeli, her 5 years secretary. Dahil bago ito naging sekretarya, sunud-sunod ang pagfa-fire niya sa former secretaries nito. Bukod sa malandi, ubod pa ng pagka-chismosa.
"Kindly call the clerk and let the applicants get in my office, NOW." Tumango agad si Maeli sa utos ng CEO at nagpaalam na.
Trixie is one hella woman's tycoon in history! She's only 23 but her experiences in making a lots of money were definitely like a high drugs that you can precisely praised. Mrs. Agatha Yu-Fontanilla and Mr. Tylex Fontanilla are established a hundred profit investments around the world. Pag mamay-ari din nila ang F Company in all over 50 countries. Hanggang sa nakagraduate sa Ateneo De Manila, Suma Cum Laude ang kanilang bunsong babae, tinugon na agad nila ang hiling nitong maging parte ng business world. While the eldest of Fontanilla, Brix Euji has further at out of town in Korea. Dahil sa pakikipagsundo sa mga kliyenteng katulad rin nilang tycoon. In his 27 of age, halos kapantay niya na ang mind-strive at hardwork ng kanyang magulang.
Habang pumipirma si Trixie, biglang may kumatok. Sunud-sunod ito na nagpasimula ng iritasyon niya. Ayaw niya sa lahat ang asal walang modo!
Pagbukas ng pinto, sakto ang dalawang makapal na steel folder sa tatlong aplikante. Ang masaklap pa, sa mukha nila dumiretso.
BINABASA MO ANG
Don't You Dare
Romansa'Banggain mo na lahat. Huwag lang ang babaeng kaya kang banggain, habang buhay'