PHILIPPINES
ARIX'S POV
"Arix alam mo bang sa bawat araw na lumipas lalo kang gumaganda at sa bawat minutong lumilipas mas lalong kailangan kita. Kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan susundan parin kita, kung nag-iisa ka sasamahan kita at kung nasa panganib ka ako ang unang haharap sa kamatayan mailigtas ka lang. Kaya Arix kailan mo ba ako sasagutin alam mo namang mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko". sabi nya sakin ito na naman sya sa ka dramahan nya.
"Alam mo rin bang limang taon mo na yang sinasabi sa akin di kapa ba nagsasawa dahil ako sawang-sawa na sa kakapakinig para kang isang kanta buti pa nga yong kanta e hindi nakakasawang pakinggan dahil nababago.. O yan kwets na tayo parehas tayong mahaba ang salita... hayyy dyan ka na nga", sabay alis ko.
"hoy Arix grabi ka naman sa manliligaw mo" sabi ni Ayesha habang sumusunod sakin
"Oo nga... bat ba ayaw mo sa kanya gwapo naman sya mayaman almost perfect guy na te." Sabi naman ni Thea.
"Yuck... perfect guy, yong unggoy na yon? No way! Wala kaya syang abs.. ang gusto ko kasi sa mga lalaki yong hot at yong tipong seryoso".
Napangiti ako ng matapos ko iyong sabihin tsaka kami lumabas ng bumukas na ang sliding door ng mall. Bitbit ang tatlong paper bag sa kaliwang kamay at sling bag sa kanang balikat ay nagtungo ako sa parking lot ng mall. Nang makita ko na ang yellow sports car ko ay binilisan ko na ang paglalakad.
"Ayesha ang susi ng kotse?" sabi ko habang mabilis sa naglalakad. Pero wala akong narinig maliban na lamang sa tunog ng heels ko kaya naman ay huminto ako at lumingon sa likod at walang Ayesha ang bumati sa'kin.
"Ayesha?, Thea?" inilibot ko ang tingin ko pero ni anino nila hindi ko nakita. Mas lalo pa akong nainis nang sa di kalayuan ay nakita ko ang tumatakbong si Sam.
"Arix!" hindi ko na pinansin ang pagtawag nya at tumalikod na pero isang kamay ang pumigil sakin.
"Ano ba Sam, sabi ko diba' ayoko sa'yo kaya please tumigil kana sa kakahabol sa'kin" nakakunot-noo kong hinarap ang hinihingal na Sam at binawi ang kamay ko.
"Arix, sagutin mo na ako, ibibigay ko ang lahat pati na ang buhay ko para sa'yo" napabuntong hininga ako ng marinig ko iyon pero bago pa ako makapagsalita ay isang kotse ang tumigil.
"Huwag kayong kikilos!" may mga nakaitim ang lumabas mula sa itim na van na may mga dalang baril.
Isang kamay naman ang humawak sa braso ko at hinawakan nong kamay ang braso ko nang sobrang higpit, sa sobrang higpit na pa sigaw ako sa sakit.
"Agoooyy...kinsa kamo...hoy ikaw lalaki ka patunayan mo ngayon yang mga sinasabi mo sakin" sigaw ko kay sam na tulalang nakatitig sakin tinutukan sya nang baril ng isa sa mga kasamahan ng lalaki sabay sabing
"If you don't want to die go and run" ang gago tumakbo nga
"bwesit walang kwenta"
"kinsa kamo unsay kinahanglan nyo sa akon" sigaw ko sa kanila tinitigan nila ako nang may pagtataka
...Ay gaga ka talaga Arix nasa manila tayo wala na tayo sa probinsya.. mag sasalita pa sana ako nang bigla nilang ipaamoy sa akin ang isang panyo ang all went black.
#JET
YOU ARE READING
The Variables
HumorShe is the daughter of the Philippines' 2 greatest lawyers. He is the United States of America's most influenced successor of a bussiness empire. The girl is the daughter of a widely known politician in Korea. The boy is Japan's most gifted person...