CHAPPY 20
---------------------------
JENNA'S POV
"Hold my hand baby, tutulungan ka ni Daddy tumayo." Nginitian ko lang si Daddy.
"Thanks Dad, I'm fine. Okay lang ako. No injuries." Saka ako tumayo at pinagpag yung pwetan ko. Okay lang naman ako dahil arte lang naman 'yon. Gosh. I need to act very well! Aba.
Aanhin ko pa yun pagsali ko sa mga theater club nung pumunta akong Korea!
"See dad! I'm fine! Perfectly fine!" Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Okay, as you said baby. Dun lang ako sa kwarto ha, puntahan mo lang ako if you need anything." Paalam niya sakin saka siya dumiretso papuntang kwarto niya dito sa bahay ng mga Jung. Mga jungina.
Asan nga kaya si Xhander? I miss him. I badly miss him. I miss his voice. His cuddles. His arms around mine. I miss him. I want him back. Pero naalala ko nanaman yung sinabi ni Tin sakin. I know that I shouldn't be worrying this much, pero natatakot ako.
"We're home!" Pagtingin ko sa pinto nakita ko sila Kuya Isaac at kuya Julian sa pinto ng bahay. Nakauwi na sila.
Nginitian ko naman sila agad saka nagbow as a sign of my respect for them.
"Hello po."
Pero bigla silang sumimangot sa akin nang makita nila ako. Bakit? ano ba nagawa ko at parang ang init ng dugo nitong dalawa sa akin?
"Asan si bunso?" Tanong sakin ni Kuya Julian.
"Nasa taas po, umakyat po sya kanina." Nakangiti kong sagot.
"Ah. Sige." Tss. Tipid naman nito sumagot.
Nauna nang pumunta si Kuya Julian sa taas para siguro puntahan si Tin, pero di pa din naalis si Kuya Isaac. Lumapit sya sa akin and...
Baka may gusto ito sa akin? Wow! Pati ba step brother ko, may gusto sa akin? Ganda ko talaga.
Sorry not sorry pero mas gusto ko si Xhander kahit ba na pogi pa siya! Pero nagulat ako nang bigla siyang magsalita.
"Kung feeling mo may gusto ako sayo, sorry to disappoint you, but no. I don't like you. I don't even like your presence here." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Bukod sa akala ko mind reader siya for a second. Parang ang pangit ko ah?!
Hinding hindi mo malalapitan si Tin! andito kami para sa kanya, sa ugali at itsura mong yan may pinaplano ka. Bakit kasi di mo nalang hayaan si Xhander at Tin? Hindi kana nga mahal, pero pinagsisiksikan mo yang sarili mo! Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? ikaw pa ang naghahabol! Hindi ko alam kung bakit ko to sinasabi, pero sa tingin ko, dahil sa step sister kita at para din to sayo!" Tapos bigla na lang siyang umalis.
"Ugh!" Di ako makapaniwala na kaya niyang sabihin yun sa akin. Ang kapal ng mukha niya! Bwiset!
Pero, para akong nauntog sa mga sinabi niya! Dapat na nga ba akong bumitaw kay Xhander? Pero mahal ko si Xhander. Ano bang dapat kong gawin?!
The heck! Hindi ko pwedeng ipaubaya si Xhander. Kasi akin siya!
"Akin lang siya!" Napasigaw na lang ako sa sobrang frustration at napaupo sa sofa. Nakakainis.
Nagulat ako nang biglang bumaba si Kuya Isaac at sumilip sa lugar ko.
"By the way, aanhin mo pa yang maganda mong itsura kung kasing pangit naman ng basura ang ugali mo?" Tumawa pa siya ng nakakaloko bago umalis.
MGA BWISIT! BWISIT KAYONG MAGKAKAPATID!
XHANDER'S POV
Haaay. Walang magawa dito sa bahay eh. Punta kaya ako kila Jeff? kaso baka may ginagawa yun?
"Haaay." Nagpakawala na lang ulit ako ng malalim na buntong hininga.
"Aha!" Tangina. May naisip ako bigla.
Mag-aaral nalang ako, tutal malapit na ang exam. Atsaka yun sinabi ko kay Tin, dapat ko yung panindigan! Dapat ako ang maging 1st sa ranking.
~~~~~~~~~
Ayan na poh oh .. hehe ! :)) tenk u po sa nagvote at comment :"> pati dun sa nag fan tenchu :***
BINABASA MO ANG
I'm the Nerdy Gangster!
Teen FictionSi Alexandra athena Jung ay isang student na nerd. Lagi siyang top 1 sa school. Pero behind the glass she's wearing, she's a gangster who loves to fight! Pero paano kung Dumating si Xhander Jimwell Santos sa buhay niya? Ang taong makakaalam ng sikre...