J. Rizal's POV
Kasabay ng pag-agos ng dugong nagmumula sa akin ang pagbalik ng mga ala-alang pilit kong hinagilap nang matagal na panahon.
Nakakapanlumo mang kung kailan huli na ang lahat ay saka ko nakamit ang tagumpay sa misyong ginugol ko ang aking buong buhay upang mapagtagumpayan, lubos pa rin ang kagalakang hindi ko maikakaila...
Dahil masasabi ko na rin sa wakas, na sa wakas ay nabawi ko na ang memorya kung saa'y kasama kita.
Nararamdaman ko nang ilang saglit na lang ay malalagot na ang aking hininga, ngunit masaya akong mamamaalam dahil matagumpay kong naisalba ang pag-asa sa bayang magiging tahanan mo.
Sa wakas...
Ako lang sa ating dalawa ang nakaalala, ngunit mabuti na 'to kaysa magdusa ka sa masalimuot na wakas ng ating kuwento.
Sa wakas...
Dumating na ang wakas...
Wakas ng matagal kong pananabik na makita kahit sa imahinasyon man lang ang imahe mo.
Sa wakas...
Ang wakas ay hindi kailanman wawakasan ang pag-ibig ko sa'yo.
Mabigyan man muli ako ng pagkakataong mabuhay muli, ikaw at ikaw pa rin ang hahanapin ko nasaang lugar o panahon ka man naroroon.
Sa wakas...
Mayroon nang pinanghahawakang pangalan at lugar na paghahanapan, ngunit wala nang sapat na oras para hanapin ka, wala nang sapat na oras para pagtagpuin ang ating landas.
Sa wakas...
Kaya pala...
Josephine...
Rivera...
Kaya pala...
Sa wakas...
Adr---
This book is a work of fiction. Any references to historical events, real people, or real places are used fictitiously. Other names, characters, places and events are products of the author’s imagination, and any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental.
mitzerellacheese © 2019. All Rights Reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author except for the use of brief quotations in a book review. Any infringement of copyright is punishable by law.
BINABASA MO ANG
Oath
Historical FictionMay isang babaeng nagngangalang Adrienne Delacroix ang nag-aaral sa isang unibersidad sa Maynila. Kilala siya sa kanilang paaralan sa kaniyang kahusayang ipinapamalas sa halos lahat ng mga aktibidad at asignatura. Ngunit kapansin-pansin ang kawalan...