Wish 14

1K 74 9
                                    


"My Mom was a prodigy of a ballet school in England. Siya ang kauna-unahang Filipina na nakapag-perform sa harap ng mga royal blood," pagkukuwento ni Kimberly kay Stefano sa living area ng ancestral house nito. "When she got married to my father, she retired at the theater and build a school of her own in here. Pangarap niyang ibahagi ang lahat ng natutunan niya sa iba lalung-lalo na sa mga kababayan niya. Of course, isa ako sa mga naging estudyante niya." Napangiti siya sa mga ala-alang 'yon.

Nang sulyapan niya si Stefano ay tahimik na nakatutok lang ito sa kanya. Kahit hindi ito magsalita ay alam niyang inuudyukan siya nito upang magpatuloy.

"My mother was my greatest mentor ever. Ni sa hinagap, wala akong kamalay-malay na lilisya ako ng daan palayo sa pagsasayaw sa entablado. My world revolved around ballet since I was three. I didn't know how to sing the music back then. I only knew how to dance with it. Hanggang sa mangyari nga ang aksidente noong pitong taon ako at isang grade three student sa isang private school. May musical play kami noon at isa 'ko sa mga gaganap na back-up dancer. Tumawag si Mama sa akin para sabihing male-late siya ng dating sa school play dahil naipit siya sa traffic." Napasibi siya at muling nagtubig ang mga mata. "I threw a tantrum at her. Umiyak ako at nagreklamo dahil gusto ko talagang mapanood niya 'ko. Sinong mag-aakala na ang munting pag-ungot na 'yon ang magiging dahilan ng kamatayan niya? God knows how much I blamed myself for that!" Umiling-iling siya at muling nagsipatak ang kanyang mga luha. "Hindi ako dapat nagmaktol. Dapat inintindi ko siya. Dapat mas naging maunawain ako."

"You're only seven years old back then, Kim. At isa pa, hindi mo ginusto ang aksidenteng 'yon. Walang may gusto sa nangyari." Ginagap ni Stefano ang kamay niya at pinisil. "Wala kang kasalanan. Hindi ka puwedeng sisihin ng pamilya mo sa isang bagay na wala kang kontrol."

"But if I didn't—"

"Don't word the use if for something that already happened." Stefano sighed and tried to reach her face. Dama niya ang ginawang paghagod ng likod ng palad nito sa kanyang pisngi. "Huwag mo nang balikan ang nakaraan kung magsisisi ka lang. At sa parte mo Kim, napakabata mo pa no'n para akuin ang isang kasalanang ni wala kang pananagutan. Sa tingin mo anong iisipin ng Mama mo sa kabilang-buhay kung sinisisi mo ang sarili mo sa pagkakaaksidente niya?"

She paused for a moment. "Malulungkot siya at sisisihin niya rin ang sarili niya."

"That's right. Walang inang gustong maging miserable ang anak. Let go of the past as you let go of your mother."

Nagsalubong ang mga mata nila ng lalaki. Stefano's eyes were oddly giving comfort. "W-why are you being so nice all of a sudden?" di niya maiwasang itanong.

Kumurap-kurap ito na waring noon lang napagtanto kung ano ang iniaakto. Bigla nitong binitiwan ang kamay niya at umusog paatras sa sofa ng bahagya mula sa pagkakalapit nilang dalawa. Nag-alis ito ng bara sa lalamunan. "S-stupid. It'not kindness. It's just sympathy." Akmang pipitikin nito ang noo niya pero nauna na niyang takpan 'yon ng mga kamay.

"Masakit kaya," reklamo niya.

"It's just a flick. Ang arte mo."

"Sige, ikaw ang pitikin ko." Hindi niya pa natatapos ang mga kataga ay ginawa niya na.

"Aw!" hiyaw nito tuptop ang noo.

"Kitam?" pag-irap niya dito.

"You intentionally hit me harder," naniningkit ang mga matang akusa nito. Iniiwas niya ang mukha. Sinadya niya ngang pitikin ito ng malakas. Bigla kasi siyang nailang nang mapagmasdan niya ng maigi ang mukha nito. Guwapo talaga ang ungas. Walang itulak-kabigin ang dating. Kimberly suddenly got curious on Stefano's past relationships. Muling pumihit ang leeg niya para tingnan ito. Totoo kaya ang tsismis sa kanya ni Terrence na nagpunta sa Amerika ang binata kasama ang nobya nito para magpakasal? Kung ganoon, bakit nag-iisa itong bumalik? Had he truly dump by a girl? There was no way in hell, right? Tama ang kaibigan niyang si Cynthia. Sinong tangang babae ang mang-iiwan sa lalaking tulad nito? Di ito ang tipong nakakatanggap ng rejection. Mas mukhang ito ang nangre-reject. Pero ano bang alam niya sa buhay nito? Wala, dahil isa lang ang pakay niya dito—ang Azur de Verano. "Why are you staring at me so intently?" tanong nito na ikinagulat niya.

One Hundred Ways to His Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon