Wish 11

1.1K 73 9
                                    


"Cynthia, okay lang ba talaga na nandito kami?" pabulong na tanong niya sa kaibigan nang lapita niya ito sa table ng mga reporter. Naroon sila sa isang open forum sa mismong palasyo ng Malacañang kung saan naroon din ang diplomat na asawa nitong si Lester. Tinatalakay sa mismong pagtitipon na 'yon ang evaluation sa nakaraang Summit na naganap sa mismong Pilipinas.

"Official company owner kayong dalawa ni Stefano kaya nabigyan kayo ng permit sa conference na 'to. Hindi na kailangang gumamit ng koneksiyon ang irog ko. Actually pinagtutuunan ngayon ng pansin ang pag-angat ng ekonomiya sa pamamagitan ng mga produktibong negosyong industriyal at imprastraktura. Turismo ang inilalatag ngayon sa mga investors." Nagtatrabaho naman si Cynthia sa isang malaking pahayagan bilang kolumnista. Parte ito ng ilang press na naroon. "Ang sabi mo gusto niya talagang makita ng personal ang presidente, di ba?" Pasimpleng dumako ang mga mata nito sa binatang iniwan niya pansamantala sa may di kalayuang mesa. Stefano Moran was looked so handsome and dignified with his black and navy blue three-piece suit. Di na nakapagtatakang humahatak ito ng atensiyon sa press at ilan pang naroon.

"Isa 'yon sa mga nakalista sa planner niya," mahinang sagot niya.

"E bakit mukhang nababagot ang itsura niya? Baka naman hindi presidente ng Pilipinas kundi presidente ng Amerika ang ibig niyang sabihin."

"He's a Filipino citizen so why would he want to meet the leader of other country? It doesn't make sense."

Nagkibit ito ng balikat. "Kunsabagay." Pamaya-maya ay nangingiting siniko siya nito sa tagiliran. "Ano nang status niyo?"

Kimberly sighed. "Komplikado."

"Ano 'yan? Facebook?"

"Ang hirap niyang amuin. Pero minsan parang ang dali niya namang kausapin."

Nagsalubong ang mga kilay ni Cynthia. "Ano ba talaga? Hindi kita maintindihan, Kimmy. Para kang math problem. Nakakalito at nakakainis."

She sighed again. "I'm the one who doesn't get it." Tinuptop niya ang sariling noo. "Why did he make that outrageous bucket list?"

"Bakit kailangan mo pang pag-isipan kung pabor naman 'yon sa'yo?"

"Pero kahit na anong gawin ko, mukhang hindi tatalab kay Stefano. Di ba normal na sa una o pangalawang hiling, nakukuntento na ang isang tao? Kahit nga kay Alibaba, hanggang tatlo lang ang wish sa Genie."

"That's why I told you that it's impossible to grant a hundred wishes. Wala pa sa sampu ang naa-accomplish mo, mukhang sumusuko ka na. Ano ba ang mga susunod na nakalista sa planner niya? Pag-apak sa buwan? Pag-akyat sa Mt. Everest? O pagsali sa raffle ng axe para maging unang henerasyon ng mga tao sa Mars?"

Hindi niya napigilang mapahagikgik sa mga kana ng kaibigan. "His wish list aren't that luxurious and capricious."

"Whoa! Hindi ba isang malaking kapritso ang pagnanais na makadaupang-palad ang may pinakamataas na posisyon sa bansang Pilipinas?"

Inismiran niya ito. "Gusto niya lang makita ng personal at hindi makipagdiskusyon hinggil sa climate change o agawan ng teritoryo sa West Philippine sea. Stefano doesn't seem the type that involves himself much in politics. Ilang tauhan ng gobernador ng Bataan ang natiyempuhan kong nakikiusap kay Jules para kausapin ang amo niya sa Azur de Verano pero mukhang ni ayaw niyang harapin. He was obviously an anti-social guy."

Her eyes glinted with doubt. "Pero bakit ikaw na obvious din namang may motibo ay hinayaan niyang pakalat-kalat sa property niya para lang kulitin siyang ibenta ang lupain niya?" Nanunuksong ngumisi ito. "Maybe he likes you, Kimmy that's why he wants you around."

One Hundred Ways to His Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon