Wish 26

1.2K 74 4
                                    


"Wow... maganda pala talaga dito sa Azur de Verano."

Napangiti si Kimberly sa tinuran ng kaibigang si Cynthia. "Buti naman at nagkaroon ng oras itong si Lester."

"Siyempre, mahal na mahal yata ako ng Fil-am diplomat na 'to." Umangkla ito sa braso ng asawa. "Mas di hamak na mahal niya 'ko sa mga subordinates at bodyguards niya." Tumawa lang ang lalaki at ginulo ang buhok ng asawa.

"It's what she said."

"Dapat pala bumuo tayo ng Commander Wives Club," natatawang sabi ni Hermie habang abala silang dalawa sa pag-iihaw ng tilapiya, pusit, at tahong.

"Sinusunod talaga ni Gio lahat ng gusto mo?" balik-tanong dito ni Cynthia. Hindi pa nakakasagot ang babae ay ipinagtulakan na nito ang asawa. "Sige na, honey. Puntahan mo na 'yong dalawa doon," pagnguso nito sa fishing site kung saan naroon at namimingwit sina Stefano at Gio. "Alam 'kong atat ka nang subukan ang bagong sonar gear mo."

Naiwan silang tatlong babae malapit sa kubol kung saan may dalawang malaking parasol upang maliliman sila.

"Kayo ni Stefano? Wala ba kayong balak na gawing opisyal ang relasyon niyo?" ungkat ni Hermie.

"Opisyal naman ang relasyon namin, ah!" katuwiran niya.

"Tangek! Ang ibig sabihin ni Hermie, kung may balak ba kayong magpakasal?" singit ni Cynthia na halos magkandapaso sa pagpapak sa mga naluluto nila.

Tinigilan niya ang pagpaypay sa ihawan at wala sa loob na tinanaw ang tatlong kalalakihang humahalakhak di kalayuan. Mukhang kinakantiyawan nina Stefano at Lester si Gio dahil halos pandirihan nito ang pain sa pamingwit. Hermie revealed that his husband was afraid of wiggling worms. Kahit si Stefano ay nabanggit na ayaw na ayaw ni Gio sa mga insekto.

Her eyes concentrated on Stefano. May kislap sa mga mata ng binata habang nangingiti. May purong galak sa pagtawa nito.

"You know, isang beses sinabi niya sa'kin noong buo pa ang kasunduan namin na ang pag-iwas 'ko ang huling bagay na gugustuhin niya. I think having me here is enough for him. Anyway, a wedding ceremony seems surreal for us. Ayaw niya 'kong itali sa isang pangakong panghabambuhay na nakaambang mapako."

"Di 'yan ang punto. Ikaw Kimmy? Ano bang gusto mo? Iyon ang isyu dito." Seryosong tiningnan siya ni Hermie.

Napayuko siya. Bakas ang pait sa mga mata. "Siyempre gusto 'ko. Gustung-gusto ko. But it's not up to me."

"You're wrong." Nagulat siya sa pagsabat ni Cynthia. "Ikaw ang gagawa ng desisyong 'yon, Kimmy. Hindi ba't iniisip ni Stefano na wala siyang karapatang makasama ka man lang? Paano pa kaya ang pakasalan ka? I see where he's coming from. Sa inyong dalawa, sa tingin ko, siya ang punung-puno ng agam-agam at insekyuridad. Hindi ko siya masisisi. There was nothing he could offer to you even a simple promise. Ikaw lang ang tanging makakahawi sa ulap na bumabagabag sa kanya. If you really love him, you would ought to love him without fear and regrets. That's what being unconditional means."

Di sila nakakibong pareho ni Hermie. Minsan lang maging senti si Cynthia subalit kapag nagsalita naman ito ng gano'n ay laging sapul sa punto.

Kalahating oras ang lumipas ay magkakasalo na silang anim sa hapag sa loob mismo ng kubol. Maganang pagkain, kuwentuhan, tuksuhan, at tawanan ang namayani sa gitna ng tanghalian. Pasado alos dos ay naroon sila sa gazebo. Naglibot sina Cynthia, Hermie, at Lester upang tingnan ang mga ancestral house. Naiwan sila nina Stefano at Gio dahil kasulukuyang magkatunggali ang magkaibigan.

One Hundred Ways to His Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon