Prolouge

9 1 0
                                    


Fierce's POV

"W-WHAT?"

Ang makita ang mga mata nyang maluha luha ay masakit para sa akin. Parang pinipilipit ang puso ko.

I'm so sorry...

Malamig ko syang tinignan habang nakangiti. Walang bahid ng emosyon ang aking mukha kahit nadudurog na ang puso ko.

"Sabi ko, Break na tayo." Nakangiti kong saad. "Di ko na kayang makasama ka pa."

Bumagsak ang mga balikat nya saka mugto ang matang tumingin sakin.

"M-may ginawa ba akong mali?"

Parang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ako nakasagot.

"Ano? May nagawa ba akong mali?" Tanong nya at mukhang onting unti nalang, maiiyak na sya.

"Hmm..." Kunwari akong napaisip. "Wala naman. I think." Tumingin ako ng deretso sa mga mata nya. "Pero kasi bored na ako eh. Wala na ding thrill tong relasyon natin."

I lied.

"Hindi na rin kita mahal."

I lied again.

"Sa tingin ko nga hindi naman kita minahal eh. Hindi ko alam kung bakit pinatulan pa kita sa dinami- rami ng nireto sakin ni Mom. Hahahahaha... Siguro dahil matalino ka? I mean, you always do my homework. Maybe that's why."

I lied, please let this be the last.

"Nakakairita ka na rin kase."

"Lov-"

"Just stop it." Pigil ko sa kanya. "Just. Fucking. Stop it." Mariin kong saad ma kinatahimik nya. Tumingin sya sa sahig. Kitang kitang kita ko ang sunod sunod na pagtulo ng mga luha nya.

'God knows how much I want to take that all back. I'm sorry..'

I'm doing what I think is right. This guy deserves someone better. He deserve someone in his own level in society. Someone who can love him and fight for him. Someone who can actually take care of him. Unlike me... I'm nothing but a spoiled rich brat, even his own parents think I'll be his downfall.

Totoo naman kasi yon. Wala pa akong kayang patunayan dahil kakagraduate palang namin ng highschool. Wala pa kaming kayang patunayan.

Pumihit ako at naglakad palayo habang naiwan syang kakatayo lang don. Tulala sa kawalan at walang ingay na umiiyak.

Nagmamadaling tumakbo papunta sa loob ng kotse ko at doon pumalahaw ng iyak.

Wala akong mabuting maidudulot sa kanya. Masyadong magulo ang pamilya ko, marami akong problema at paniguradong madadamay lang sya kung magpapatuloy pa kami.

'Marami akong kailangang gawin, may responsiblidad din sya. Ayoko namng dumagdag pa.'

Maraming tao ang may ayaw na magkasama kami. Lahat ng classmates nya, may ayaw sakin, malibang nalang sa mga malapit nyang kaibigan.

Malungkot akong ngumiti. "Akala ko ay kakayanin kitang ipaglaban. Yun pala ay hindi. Sorry ha, pwede bang unahin ko muna ang pamilya ko bago ko isunod ang kaligayahan ko?"

'I'll come back to you. I promise that Love.'

How To Be SelflessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon