Chapter 2

124 9 3
                                    

"Thank you Mr. Duncil."- pasasalamat ng dalaga kay Frankie matapos ang pagtu-tutor niya dito.

"Your welcome! Tomorrow ulit ah same time."- malaking ngiti nito sa istudyante.

"Yes po, sige po mauna na po ako."- ngumiti nalang ito at tsaka sinundan ng tingin palabas.

"Very good!"- Frankie rolled his eyes, ng marinig na niya ang boses ng kaibigan niyang si Bruce.

"Bilib na talaga ako sayo Mr. Franciso Kiel Duncil."- at lumapit ito sa kaniya at nag-bow ba na kinatawa niya naman.

"Tsk, manahimik ka nga."

"You know.. i don't understand kung bakit nagpapaka-pagod ka pang i-tutor yung mga istudyante sa school natin eh dito palang sa shop mo ubos na oras mo lalo na ngayon weekends at magdamagan tayong bukas."- sambit nito sa kaniya matapos silang umupo.

"Alam mo naman na kelangan ko rin mag extra, hindi ko naman pwede i-asa dito sa cafe natin."- sagot niya.

"Cafe mo."- pagdidiin nito habang turo-turo siya gamit ang daliri ng kaibigan niya.

"Kelangan kong bayaran yung utang ko sayo, kaya nage-extra ako sa pagtu-tutor. Sayang din naman yung talino ng utak ko diba."- paliwanag naman niya.

"Hays, ilang beses ko ng sinabe na wala kang utang sakin at kusa kong binigay yan sayo, pang-patayo nitong dream shop mo."- napangiti naman siya sa sagot ng matalik na kaibigan.

Bruce Quizon, he's one and only bestfriend pagka-panganak pa lang sa kanila ng mag-bestfriend din na mga magulang nila ay magkasama na agad sila hanggang ngayong malalaki na sila.

"Thank you bestfriend, but you knew naman na need ko talaga yung ginagawa ko ngayon dahil sakin lang umaasa ang nanay ko at bata pa ang bunsong kapatid ko."- sagot naman niya at naintindihan naman iyon ni Bruce.

"Yeah, yeah if you say so. Hindi mo rin naman tatangapin yung ibibigay kong pera sayo at puro ka tanggi pagdating sakin, lalo na pag pera ang usapan, hays pinapagod mo lang sarili mo."

Iniiwas niya na lang ang paningin dito at iginala niya ang kanyang mata sa labas at may nakita siyang kakilala niya.

"Oh it's Eva."- ng marinig iyon ni Bruce ay bumusangot ang pagmumuka nito.

He can't stand the girl because according to him Eva is annoying.

Nakita nilang kakababa lang nito ng sasakyan at sunod nito ay bumaba din sa sasakyan ang may edad ng lalake.

"Oh look at that she's with her sugar daddy. Can't stand that girl."- tumingin naman si Frankie dito.

"Hahaha bakit na naman?"

"3 Reasons."

"One, she's such a slut using an old man , para sa mga wants niya. Two, she likes, and whenever she sees me, kinukulit ako at kung makahawak sa mga balikat ko parang ahas."- natawa naman siya sa mga dahilan ng kaibigan.

"At ang pangatlo?"

"Three... she is fake like a fake nail, sarap niyang tirisi—-"- hindi niya na natuloy ang boses niya ng pumasok na ang babae sa shop nila.

"Hi Sweetie! Welcome to Duncil's Cafe."- napailing nalang si Frankie sa inakto ng kaibigan.

Fake pala ah...

...

Frankie's POV

"Hi Kuya Frankie!"

"Goodmorning Mr. Duncil!"

"Hi po!!!"

Ngiti, kaway at bati ang ginagawa ko sa mga istudyanteng bumabati sakin yung iba ay nagpa-tutor sakin at yung iba naman uhm, some girls likes me you know? hehe...

"Naks.. lakas talaga ng appeal ng bestfriend ko! Pahiram nga ng ganyang mukha."- biro sakin ni Bruce ng makita niya ako, kakababa lang din niya ng kotse niya at eto kami'y papasok na dahil lunes na naman.

"Goodmorning bro."- bumati ako dito at nakipag-high five pa.

"It's 9 in the morning, 10 pa start ng class! Tara let's have some breakfast."- yaya niya at sabay na kaming naglakad sa daanan habang may mga ilan-ilan pa rin bumabati sakin.

Habang naglalakad ay natigilan kami pareho ng may motor na pumaandar ng mabilis samin at muntik pa ako masagi buti nalang ay nahila ako palayo ni Bruce.

Medyo na-out of control naman ako at napasandal sa kaniya na gulat naman.

"Lokong yun ah! Hoy!"- inayos muna ako ng tayo nito at nilapitan yung taong naka-motor, pipigilan ko sanang lumapit si Bruce dito pero nahuli na ako. Tinignan ko naman kung sino yung nag-drive at naka-leather jacket pa ito.

Hays... bat naka sivilian to? Hindi ba niya alam ang rules dito sa St. Therese University?

Judging by his looks, mukang isa siya sa mga istudyanteng pasaway at take note, mukang collage na.

"What."- walang ganang sagot nito kay Bruce ng malapitan niya.

"Anong what? What-whatin ko kayo mukha mo! Are you blind? Can't you see muntik mo na mabangga yung kaibigan ko?!"- sigaw niya dito habang tinuturo ako.

"So?"- nagdikit ang kilay ko sa sagot nito.

"What the—? Hindi ka man lang hihingi ng sorry sa kaibigan ko?"

"Why would i do that?"- at tumingin naman sakin ito, at duon ko nakita ang mukha niya, May itsura, kaso antipatiko.

Napaiwas ako ng tingin ng ngumisi ito at muling ibalik ang paningin nito sa naiirita ng si Bruce.

"Next time, gumilid-gilid kayo, baka sa susunod sagasaan kona kayo."- at hindi na nakasagot si Bruce ng mabilis na paandarin nito ang kanyang motor.

"Aba! Gago!"- nilapitan kona si Bruce at pinakalma dahil halatang galit na siya.

"Siraulo yun ah! Hindi man lang nagsorry? Ge sa susunod ako mismo sasagasa sa kanya ng madurog naman yung katawan niya."

"Calm down bro, look at me! Wala naman akong galos sa katawan, i'm totally fine. Let's go have some breakfast!"

Insane SoulWhere stories live. Discover now