>>>>>>>>PART 2<<<<<<<<<<

31 1 0
                                    

< Fleur's POV >

Hello guys malamang hindi pa ko naipapakilala sa inyo ni Prince tamad un eh , by the way I'm Crystal Fleur Tiu ang nag iisang anak ng may ari ng Tiu Group of Companies. Sosyalerang cute at hindi maitatanggi na isa akong Casanova Princess .

Confident na ko na ako ang mananalong princess sa ganda at cute kong ito ^_^

" So pano guys anong plano naten para sa cafe na gagawin? " paniningit ni clyde sa moment ko - . - 

" Si Fleur nalang ang bahala sa pagluluto dahil masarap siyang magluto " sabi naman nung classmate namin na si Kyle

" Ayoko nuh sayang naman ung ka cute-tan ko kung itatago nyo lang ako sa kitchen " ako paglulutuin nila? pano nalang ung mga fans ko na naghahanap saken di nila ko makikita hohoho ^__^

" Oo nga malamang maraming boys na customer ang pupunta sa cafe para makita si Fleur na naka Maid outfit " - Troy

At napag-usapan namin ang kaniya kaniyang role para sa booth na gagawin siguradong successful nanaman tong booth namen dahil nandito ako chos ^__^

" Prince's POV " 

Sama sama kaming nag mall para makapamili na ng mga kakailanganin para sa booth namen. Bigla nalang akong napatigil sa isang women's store cauz a girl caught my attention.

" She's Simple "

" She's Gorgeous "

" She's Elegant " 

" She's Perfect "

" OH tol may problema ba? wag mong sabihin na trip mo ng magsuot ng mga blouse ngayon? " Pang-aasar ni Troy

" Sira! may tinignan lang ako saglit " pagde-deffend ko , ako magsusuot ng blouse N-E-V-E-R 

Pag tingin ko ulit sa loob ng store wala na ung girl. Sino kaya ung girl na un? Di ko man lang siya natitigan ng matagal panira kase tong si Troy eh isipin ba namang gusto ko magsuot ng mga damit pambabae. Sa gwapo kong ito maraming manghihinayang pag naging bakla ako. Pero ano kaya itsura ko noh? Maganda kaya ako? ay putek Erase! erase! erase! kung ano-ano na tuloy tong naiisip ko. makikita po kaya si mysterious girl?

Nagikot-ikot lang kami sa mall habang bumibili ng mga kakailanganin , nagbabakasakali parin akong makita siya ulit but instead of that mysterious girl an annoying brat came out from nowhere :3

" Hi Prince , Hello Guys " - Joanne

" Tss, Please don't ruin my day " Pagsusungit ko pero pabulong lang baka umiyak pa to dito sa mall nakakahiya

" Ha ano un ulet? "

" Ah-eh wala wala hehe " Sagot ko pero di paren ako tumitingin sa direction niya maiirita lang ako although cute siya pero ayoko talaga sa mga brat

" Guys I want you to meet my Cousin Amy " 

" Hello I'm Amy Evergreen nice to meet you guys "

" Yow, I'm Troy "

" Hello, I'm Fleur nice to meet you "

Nagpakilala na silang lahat maliban saken, di ko parin kase sila tinitignan.

" Ikaw Prince hindi ka ba magpapakilala? " - Fleur

" Wag ka namang snobbers Prince mukhang mabait naman tong si Amy eh " - Clyde

" Oo na sige na sige na , I'm Prince " sabay abot ko ng kamay para makipagshake hands but still not looking at her

" Nice to meet you " 

< AMY's POV >

" Oo na sige na sige na I'm Prince " abot niya ng kamay pero sa iba nakatingin, sus ang sungit naman ng isang to kala mo kung sinong gwapo  mabuti pa ung iba ang babait .

" Hmm, Nice to meet you " nag shake hands nalang kame plastican pala ahh..

Kung hindi ako nagkakamali siya ung kini-kwento ni Pinsan. Siya ung boy na crush niya , Itong lalaking to nagustuhan ng pinsan ko eh nako ang sama sama naman ng ugali. Kahit may pagka brat tong pinsan ko di ako papayag na sa isang tulad lang niya mapupunta si pinsan. 

" Tara na guys marami pa tayong gagawin "  sabay walk out nung Arl , sungit talaga

Sumunod na rin ung mga kasama niya. Shopping na ulit yehheeeyyyy ^_________^

Pero bago matapos tong POV ko magpapakilala muna ako, I'm Amy Evergreen cousin ko si Joanne and I'm half Canadian. Mabait ako promise :) . Kakabalik ko lang dito sa philippines and according to my dad I'm staying here for good. I'm already in 4th yr. Highschool since mas matanda ako kay Joanne di ko siya magiging classmate 3rd yr. palang kasi siya and dun din ako papasok sa school niya.

< Prince's POV >

Haaayyy thank God its Friday matatapos na rin ang isang nakakapagod na week pero kailangan pa pala naming paghandaan ung booth na gagawin namin, matutulog muna ako puyat ako kagabi kakalaro ng dota eh.

" Class I want you to meet your new classmate, please introduce yourself "

" Good Morning! My name is Amy Evergreen I'll be your new classmate so please be good to me "

" Is there anymore available seats? Oh there sit beside Mr. Mizuki "

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa seatmate ko, teka wala naman akong seatmate maliban kay Troy na nasa right side ko, sino ba tong maingay na to sabay angat ko ng ulo mula sa desk.

" Can you please lower your voice? nakakaistorbo kayo eh " Inis na inis kong pagkakasabi

" Oh Prince sorry , classmate na kasi natin tong si Amy eh ung pinsan ni Joanne " - Troy

Teka sinong Amy? may bago kaming classmate? Pinsan ni Joanne ung sa mall?

" Sorry if we disturbed you " Napalingon naman ako sa left side ko 

Te-teka siya? siya si mysterious girl sa mall ah, anong ginagawa niya dito? Siya ba yung bagong classmate namin ? Tska pinsan niya si Joanne? siya ung girl na di ko man lang pinansin dun sa mall nasungitan ko pa.

* Snap * Snap *

" Hey, are you alright? " tanong ni Amy habang nag iisnap snap siya ng fingers niya , nakatulala kasi ako 

" Ah-eh o-oo , sige tuloy nyo na pag-uusap niyo but please lower your voice i need to get some sleep "

She's so adorable lalo na sa malapitan pe-pero di naman ako nagkakaganito sa ibang girls ah. Di pwede tong ganito, wala sa vocabulary ko ang mabighani wow lalim ng tagalog na un aa XD 

" Amy sabay ka na samin mag lunch later ha " naririnig kong pagyayaya sakanya ni Fleur

" sige sige " sagot naman ni Amy

Sabay sabay na kaming nag lunch after ng class syempre kasama si Amy at si Joanne sa labas na kami ng school kumain wala kasing masarap dun sa canteen. Sa isang japanese restaurant namin napagkasunduan kumain.

" So you came from Canada Amy? Tanong sakanya ni Fleur habang hinihiwa ung sushi

" Ahm oo last week lang ako dumating dito sa Philippines "

" How come that you're good in speaking tagalog? " - Clyde

" Before kami nag migrate sa Canada dito ako nag aral sa philippines hanggang grade 6 then dun na ko nag highschool sa Canada , gusto lang ni Mom na dito ako magtapos ng Highschool "

" Ahh , pero ang cute mo magtagalog medyo slang " - Fleur

" Hindi yun Slang Fleur Kaartihan tawag dun " pang aasar ko  

" Ha? Hindi naman ako maarte ahh " sagot ni Amy sabay tinaasan ako ng kilay

" Hep! Hep! tama na yan baka san pa mapunta yan " pag aawat ni Joanne

Cowardly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon