Chapter 5.2

24 3 0
                                    

CHAPTER 5.2

(GENESIS’s POV)
Naghintay lang ako saglit kung babalik si Kero pero hindi. Mukhang umuwi sya. Bakit naman sya ganun para sa kwintas lang? Lumapit si Rui sa akin at ipinatong ang towel sa ulo ko, habang hawak ang isa.

“Nasan si Kero?” nagtatakang tingin nya sa akin.

“Nagalit sya sa akin dahil sa kwintas nyang nawala. Pwede ko namang palitan yun Rui eh” paiwanag ko rito at pinunasan ko ng towel ang mukha ko. Lagi na lang ako pinapaiyak ni Kero sa mga walang kwentang bagay. Ba’t ba ako umiiyak?

“Baka mahalaga sa kanya yun, Gen” paliwanag sa akin ni Rui habang naglalakad kami papunta sa locker room para makapagpalit ako.


(MEI’S POV)
Ang tagal naman ng tatlong yun. Kanina pa nag uumpisa yung klase namin wala pa rin sila. Npasulyap ako sa bintana na walang humpay ang pagbagsak ng ulan. Buti dala ko yung payong ko.


“Psst! Mei” tawag sa akin ni Cassie. Katabi ko ito sa upuan. “Bakit nyo kinakausap yung weirdo na si Kero? Di ba ayo natatakot?”


“huh? Hindi naman nakakatakot si Kero. Ang cute kaya nya!” pagtatanggol ko rito. Ang OA lang nila mag isip. “Mas nakakatakot pa nga yung magpaquiz si Ma’am ngayon”

“Totoo pero dapat hindi nyo na nilalapitan yun baka ano pa mangyare sa inyo” babala ni Cssie habang nagkukunwaring nakikinig sa sinasabi ni Ma’am sa harap. “Balita ko malas daw yun. Kapag nadikit ka sa kanya mamalasin ka. Kwento lang sa akin nung kaibigan ko galling sa dating school nya bago napunta rito”

“hey! Kailan ka ba pinanganak? Di na uso ang ganyan hahah” tawa ko rito. Though seryoso lang sya. What? Talaga papaniwalaan nila yung rumors na ganun.


“Mei basta hwag mo kong sisisihin kapag minalas ka kakahalubilo mo kay Kero. I warned you already pero hindi ka nakikinig”


“Well! Nakikinig ako sa’yo More on hindi lang ako naniniwala” sabi ko rito sabay ngiti at inayos na lang ang upo.

No way na mamalasin ka kapag nadikit ka sa isang tao?
Ang cute kaya ni Kero! Gusto ko syang ayusan tapos pagandahin. O kaya pwede na rin ampunin. Buti na nga lagi akong kasama nila Rui at Genesis kaya nakakausap ko si Kero pero sana  kahit ako na lang makclose nya ahhaha
Hwag na yung dalawa! Lalo na si Genesis nang aaway lang naman lagi yun eh. Naiinggit kay Kero.
Mamaya maya lang ay bumungad na sa pinto sila Rui at Genesis. Where’s Kero?


“Ma’am sorry. We’re late. Natagalan lang po ng pagbihis” paalam ni Rui at ngumiti. Naku ayan na naman ang pamatay na ngiti ni Rui dyan mahina si Ma’am eh haha. Kala mo naman si ma’am, nasilayan na nga ang first born child nya habang tinitingnan si Rui.

“It’s okay Next time bilisan nyo na lang para di kayo mahuli” sabi ni Ma’am at pinapasok na silang dalawa. Sana naman magawa rin ni Rui iexcuse ang klase sa quiz mamaya.

Hinintay ko lang silang makaupo sa upuan nila. Sabay lipat ko ng upuan sa bakateng upuan ni Kero.

“Nasan sya?” tanong ko sa dalawa. “Nandito pa yung bag nya oh?”

“Hindi ko alam Mei” sagot ni Rui. Habang inilalabas yung mga notes at pen nya para sana magtake down. “kanina pa namin hinihintay kung babalik pero mukang hindi na ilagay na lang natin yung bag nya sa locker mamaya”

“Ah okay” sagot ako sabay lingon ng matulin kay Genesis “Gen ano na naman kademonyohan yung ginawa mo ha?”

Hindi lang ito kumibo. Pero halata sa kanya pag galit sya pramis. Expression pa lang ng muka nya, yung pagiging tahimik nya, at hindi pamamansin. Hay? Ano na naman kaya ang nangyare!


(GENESIS’S POV)
Natapos ang klase na wala akong kinikibo sa kahit sino sa  mga kaklase ko. Iniayos ko ang mga gamit ko at ipinasok sa bag. Tiningnan ko ang bintana ng mapansin ko na tuloy tuloy pa rin ang buhos ng ulan

“Tara na!” aya ni Rui. “Ilagay na lang natin itong bag ni Kero sa locker bago tayo umalis”

“Mauna na muna kayo! Hwag nyo na akong hintayin” paalam ko sa dalawa sabay pasan ng bag ko. “Kakausapin pa ako ni Ma’am about sa ginawa ko noong nakaraan”

“Sigurado ka?” tanong uli ni Rui.

“Ayan sinisingil na sya ng mga ginawa nya!” pambabantay ni Mei.

“parang ganun na nag siguro” sagot ko at napakamot ng ulo.

“Waaah! Ikaw ba yan Genesis! Hahaha! Parang hindi eh” pagtawa ni Mei sabay tap ng balikat ko ganun din yung ginawa ni Rui. Dinadamayan ba nila ako?

“Hihintayin kita sa inyo Genesis! Dun muna ako” paalam ni Rui. “Kung gusto mo ng kausap”

“wala talaga akong kaide-ideya sa nangyayare pero Yeah’ nandito lang din ako kung gusto nyong ikwento sa akin hanu!? Kase sumusobra na kayo kala nyo kayo lang magkakaibigan. Beong naman ako di ba?” komento ni Mei na gigil na gigil sa amin. Hinawakan ko lang ito sa ulo.

“O sige na! atsaka ba’t ko naman iisipin pa yun? Di ko naman talaga kasalan. Kakausapin ko g matindi yang si Kero kala nya” sabi ko. “Amina nga yung bag nya ako na magadaan sa locker room bago ako umuwi!”


“Ayan bumalik na sya sa dati hahah!Hwag mong lagyn ng bomba yan ah. Sige una na kame. Kwento mo na lang kug anong parusa mo kay Ma’am” paalam ni Mei at kumaway sa akin habang nag lalakad na sila palayo ni Rui. Mas naging maingay at komportable na sa amin si Mei.

Tumayo lang ako sandali hanggang sa mawala na yung dalawa sa paningin ko. Kaagad akong naglakad papuntang faculty ng adviser namin

“Ma’am?” tawag ko rito. Kaagad itong lumingon at pinapasok ako sa loob.

“Yes? Jael Genesis. May kailangan ka?”

“Ma’am pwede ko bang malaman yung address ni Raphaella Kerophin?”


“Why?”


“Iaabot ko lang po yung bag nya” sabi ko rito at nakangiting itinaas ng bahagya yung bag ni Kero.


(KERO’S POV)
“Kero uminom ka muna ng chocolate” aya ni Lola at iniabot ang isang baso ng mainit na chocolate habang nakaupo ako sa upuan at nakabalot sa kumot. “Ilang oras ka ng umiiyak dyan, nakatulog ka na at pagkagising umiiyak pa rin”

“hindi na po! Okay na po ako” sabi ko rito sabay higop ng chocolate.


Alas nuebe na ng gabi at kasalukuyan kaming nakakandila lang ang gamit. Ngkabrown out kasi sa sobrang lakas ng ulan. Hanggang ngayon din naman malakas pa rin ang ulan buti na lang mlamig ngayon ayos lang liwanag lang nag problem namin.

Yung kaninang nangyare yung iniiyak ko hanggang ngayon. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na mawawala lang yun kwintas na iyon, dati ko pa iniingat ingatan yun. Galing pa sa mama ko iyon bago sya mawala. Iyon na nga lang yung naiwan sa akin at maiwawala ko pa. Unti unti ko na naman nararamdaman yung luha sa pisngi ko.

“Kero” pagtahan sa akin ni Lola. Lumapit ito sa akin at tumabi. “Ano bang nangyari?”

“L-Lola. Naiwala kop o yung kwintas ni mama” sabi ko rito at niyakap sya. Nagpatuloy uli ako sa pag iyak.

“Hwag ka na umiyak Kero. Tutulungan kitang hanapin yung kwintas bukas. Hwag kang mag alala makikita natin yun” nakangiting sabi sa akin nito.

“Opo… opo” pagtango ko rito at pinunasan ang luha ko. Uminom uli ako ng mainit na chocolate habang humihikbi.

Maliban dun sa kwintas. Naalala ko rin na nasigawan ko pa si Genesis. Hindi naman nya sinasadya yun e. Tinulungan pa nga nya akong maghanap.
Magagalit din kaya sa akin sila Mei at Rui?

*Dug Dug Dug!
*dugdugdug!

Nakarinig kami na may kumakatok sa may pinto. Sino kaya yun? Lumingon si Lola sa akin senyasan na buksan ko na raw ang pinto. Tumango lang ako.
Sino ba yun? Yung bill ba namin ng kurente dumating na?
Pwede namang bukas na lang nya iabot yung bill lakas ng ulan eh no!
Binuksan ko ng dahan dahan yung pinto at sumilip.



Sinasabi ko na nga ba eh.


“Hello po! Ito na po yung bill nyo Miss” sabi ni Manong habang nakapayong sobrang lakas kasi ng ulan. Iniabot nito ang bill. “Aayos na rin po mamaya maya lang yung sa kuryente”


“Ah sige sige” sagot ko rito. Dahan dahan kong isinara yung pinto. “Lola yung bill ng kuryente nandito na. Ipapatong ko na lang sa table”

*Dug Dug Dug!
*dugdugdug!

Hindi pa ako nakakalis sa may pintuan bigla na namang may kumatok, Ano na naman kayang bill yun. Binuksan ko na ng malakas ang pinto at isinahod ang kamay ko.

“Amina yung bill ng tu---“ paniningil ko rito. napatigil ako ng mapansin yung isang maliit na batang nangangatog sa harap ng pintuan. Maliit siya. Hindi ko makita yung mukha nya sa sobrang dilim. Yung liwanag  kasi namin nasa may table lang at kusina.

“O-Oh! n-nakita ko na” sabi nito at inilagay sa palad ko ang isang kwintas. Kwintas? ito yung kwintas ni mama.

Lumapit si Lola sa amin daladala ang isang kandila kaya lumiwanag ang paligid. S-Si Genesis nandito.

“Bakit ka nandito? pano ka nakarating?” tanong ko rito.

“hala iho! gabi na ah. Basang basa ka pa” pag alala ni Lola. umalis ito para kumuha ng towel.

Hindi ito kumibo. nangangatog ito habang nakatayo sa labas. Dalawang bag ang dala nito. Kaya kagad kong kinuha yung dala dala nya. nahihiwagaan pa rin ako kung ano pumasok sa isip nyang ginawa nya to.

“Gabing gabi na. Naka uniform ka pa tapos dala mo yung bag ko. Wala ka bang payong?” tanong ko rito at hinila sya papalapi sa silong. Nababasa kasi ito ng ulan. patuloy pa rin sya sa pangangatog. “...dapat hindi mo na hinanap yung kwintas sobrang lakas pa ng ulan. Bukas na lang sana natin hinanap”


“h-hindi kasalanan ko kaya n-nawala” sagot nga habang nangangatog. Bumabait ata to habang tumatagal?

Dumating na si Lola. kaya pala ito natagalan dahil naghanap pa sya ng t-shirt at short para may maisuot ito. Si Lola na ang tumulong sa kanya para magpatuyo at makapag patlit ng damit.

sana naman hindi dumating sa punton aampunin pa namin sya.

(GENESIS’S POV)
“Iho! naku! baka nag aalala na mga magulang mo. dapat umuwi ka na lang sa bahay nyo ngayon. ANg lakas pa naman ng ulan dito ka pa dumeretso” pag alala ng Lola ni Kero. habang kinukuskos nya ng tuwalya ang ulo ko. Nakapagpalit na ko ng damit.

“Hindi po yan!” sagot ko rito at inilibot ng tingin sa paligid.

Maliit lang ang bahay nila. Umikot ka lang sa gitna makikita mo na yung pinto ng CR, Kusina bed, at  yung sala. Wala ring kuryente rito pero sakto na yung dalawnag kandila para ilawan yung buong bahay.

“Meron ka bang contact number ng mga magulang mo?” tanong sa akin ni Lola. Halata sa mukha nya na malaki ang pag aalala nito. Kinuha ko sa bag yung emegency contact nila at iniabot kay Lola. Yung cellphone ko kasi lowbat na di ko pa dala yung charger. “Sige Iho umupo ka muna sa table kasama si Kero habang asikasohin ko lang to”

Tumango ako at naglakad papuntang table at doon umupo. Kahit maliit yung bahay nila Kero, hindi mo maiisip na pinabayaan dahil sobrang linis dito.

“Pasyenys na maliit lang yung bahay namin” sabi ni Kero at inabutan ako ng hot chocolate “gawa ni Lola yan”

“Yung Lola mo napakabait” sabi ko rito. Tumango tango naman ito habang sinasabayan akong uminom ng chocolate.

Tahimik lang dito pero hindi yung tipo ng katahimikan na nakakalungkot. Tiningnan ko si kero. Medyo maga pa ang mata nito siguro dahil sa kakaiyak. Kasalukuyan na nyang suot yung kwintas nya. mahalaga siguro yun.

“salamat nga pala” biglang sabi ni Kero. Napatigil ako sa pag inom at napatingin sa kanya habang sya deretso naman ang tingin sa akin “Kay mama galing to, kaya nasigawan kita kanina”


“Nasan ba yung mama mo?”


“Wala na sya rito”


“Anong oras babalik? baka magulat yun nandito ako” pangamba ko. baka mas nakakatakot pa kay Kero yung mamaya. Baka sumulpot yung sa illim ng lamesa. Bigla ko na alg sinilip yung ilalim namin. nang biglang sumulpot ang muka ni Kero na nakatingin sa akin mula sa ilalim. “AHH! Sadako!”

“Wala na sya rito! I mean patay na sya”


“Ah sorry” sabi ko. kala ko si sadako talaga. So ganun pala hindi na ko magtatanong aboutt sa pamilya nya. Sa nakikita ko si Lola na lang talaga ang nag aalaga sa kanya.
Ms. Little Miserable

Sumpa ni KeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon