Chapter 6

40 3 0
                                    

CHAPTER 6
(KERO’S POV)
Kasalukuyan kaming nasa lamesa nila Genesis at Lola. Hindi ko talaga lubos maisip na nandito to sa ganitong oras. pero pasalamat na rin ako nakita ko na tong kwintas ni mama. Buti nakita nya.

“Genesis nakausap ko na yung mga magulang mo. Sa ngayon apo, dito ka muna matutulog. sobrang lakas pa rin ng  ulan at gabi na” sabi ni Lola at tinap ang ulo ni Genesis. Base pa lang sa muka nya gustong gusto nyang binibaby sya ni Lola. Parang nag aaalaga lang kami ng tuta. sana ganito na lang katahimik to kasama. “Ang bait mo naman, hinanap mo pa talaga yung kwintas ni Kero. Salamat ha?”

“Wala po yun” nakayukong sabi ni Genesis. Nahiya pa? pansin ko naman yung pamumutla nito.

“Wait lang Genesis hwag kang gumalaw” utos ko rito at lumapit sa kanya. Inilapat ko yung kamay ko sa noo at leeg nya. Sinasabi ko na nga ba. Siguro kaya rin to tahimik. “Nilalagnat ka”

kaagad nyang binawi yung ulo nya at gulat pa sa ginawa ko.

“Naniniwala ka talaga sa sumpa ko?” tanong ko rito na pabulong. Sakto lang para marinig naming dalawa. kaagad na kinapa ni Lola yung ulo nito.

“Naku mainit ka nga Genesis. mahiga ka na” utos ni Lola rito at inalalayan si Genesis papunta sa kwarto namin.

Kumuha ako ng maliit na planggana na may tubig at bimpo. Habang si Lola naman iniayos ang higaan para makahiga si Genesis. halata kay Lola na gigil na gigil ito sa mukha ni Genesis. Makiis naman ang muka nya at kung tutuusin sikat din sya sa school dahil maraing nagkakagusto sa kanya.
Di ko alam kung bakit bumabasi na sila ngayon sa muka?


“Ang cute mo talaga Genesis! magpahinga ka na muna si Kero na ang bahala sayo. lulutuan lang kita ng sabaw para makainom ka ng gamot” sabi ni Lola at pumunta na sa kusina.

Inilagay ko ang bimpo sa ulo. Oras na para kausapin ng masinsinan tong mokong na to. mukhang maluwag ang turnilyo nya sa ulo nito. Ilalabas ko na yung  galit ko tutal malayo naman sa lugar namin si Lola.

“Ano ba yang ginawa mo sa sarili mo ha?” tanong ko rito at pinitik ang noo nya. Napahawak ito sa noo nya habang masama ang titig sa akin.

“Aray ko naman” reklamo nito.

“Naghahanap ka talaga ng sakit eh no. Hinanap mo yung kwintas ko hanggang sa mag gabi na partida umuulan pa nyan” sermon ko rito. “Hindi mo ba inisip na nag alala mga tao sa bahay nyo kupal ka”

“Bakit ka nagagalit? atsaka hindi ko naman gagawin to kung hindi ka lang umuwi kaagad. Ang dami mong lesson na naskip. dahil nagcutting ka”

“wala ka ng paki roon, Genesis. Parang dun lang?”

“ tatalunin pa kita! dapat patas lang yung labanan”


“Hindi naman ako nakikipag kompetensya sayo ah”

“Anong hindi!? inaagaw mo nga yung spot ko sa pagiging top 1 eh” reklamo niya


“Ano yan Kero? may problema ba?”  nakangiti na sulyap sa amin ni Lola habang nagluluto sya.

“Wala po La” sagot ko. Humarap muli ako sa nakahigang tuta. “hwag mo lakasan yung boses mo”

“Ikaw nga yung malakas ang boses eh” reklamo ni Genesis. “Nilalagnat na nga yung tao. inaaway mo pa. Halimaw ka talaga”

“at nakuha mo pa mag ganyan” gigil ko sa kanyang sabi at kinurot to sa tagiliran.
Wait lng! umupo ako ng mayos at huminga ng malalim. kalma lang! hwga kang mapikon. Tuta lang yan baka mamurder mo yan.


“Ehhh? nagmamabuti. Ayaw manakit?!” pang asar ni Genesis na gusto ata magulpi habang tinutusok ang tagiliran ko.

Kaagad kong hinawakan ang kamay nya.

“Isa... dalawa... tatl—“ pag bibilang ko at kaagad nyang binawi ang kamay nya. “Ayan kita mo takot ka pa rin”


“Sino bang hindi matatakot kay Sadako na nagbibilang?”


“Kaya ka siguro nagka ganyan kasse lapit ka ng lapit sa akin. Hindi mo ba naisip yun?” tanong ko rito. Seryoso syang tumingin sa akin.


“Ikaw ba naniniwala ka na may sumpa ka?” tanong nito pabalik sa kin. “Hindi mo ba naisip na yung mga taong nagsasabi sayo nyan naiingit lang sayo”

“Anong pinagsasasabi?”


“Sabi mo kapag tinitigan ka sa loong ng 3 seconds may mangyayaring masama?” tanong nito. Tinakpan nya ng bimpo ang mga mata nya habang patuloy pa rin sa pagsassalita. “Hindi mo ba naisip na baka makikita nila ng malapitan na maganda ka?”

Ano ba yung pinagsasabi nya? Hindi na ko nagiging komportable sa usapan namin.

“Sabi mo kapag hinawakan ka ng matagal, mamalasin?” tanong nya bigla nyang hinawakn yung braso ko. Ano bang ginagawa nito? habang ako naman hindi makapaniwala sa mga inagsasasabi nya. Nakita ko naman ang pag ngiti nya kahit nakatakip ang mga mata nya. “Sa tingin mo ba Kero. Muknga ba kong minamaas ngayon?”
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
“Ayos lang kayong dalawa?” pangangamusta ni Lola kaagad kong hinila yung kamay ko at medyo lumayo sa dalawa. “Bumangon ka na muna Genesis. Kumain ka muna ng lugaw oh bago ka uminom ng gamot”


“Maghuhugas lang ako ng plato Lola” paalam ko rito at dumeretso sa lababo.

Ano yun? Kinabahan ako?
natakot ba ako? hindi naman.
Hindi rin naman ako ginulat.
bakit ako kinabahan nun?


(GENESIS’S POV)
Hindi na ako kinausap ni Kero nun. Buti naman... kasi maski ako nahiya sa pinagsasabi ko kanina. Totoo naman yun kaso nung sinabi ko na parang iba na yung dating. Paran naging confession bigla...
PERO HINDI! PINAPAGAAN KO LANG YUNG KALOOBAN NYA YUN LANG!
MABAIT LANG TALAGA AKO!

Nakatulog na si Kero sa sala habang si Lola naman ang nakabantay sa akin. Napapapikit na ako ng mata sa kaantukn. Malalim na rin kasi ang gabi.

“Lola, kayo po san po kayo matutulog?” tanong ko rito habang sya naman ayhinihimas lang ang buhok ko sa ulo para patulugin ako. Bakit parang mas ako pa yung apo?

“mamaya na ko iho. maglalatag na lang ako mamaya sa tabi ni Kero. Matulog ka na! Bukas susunduin ka raw dito ng papa mo” nakangiting sabi ni Lola. Bigla akong ngumuso.

“Ayoko na ngang umalis eh” bulong ko nang bigla itong tumawa.

“hahhaha ikaw talaga iho. Hindi naman pwede yun pero kung gusto mo bumisita rito pwedeng pwee” pag aaya nito. “natutuwa nga ako sa iyo. Ikaw pa lang yung kaklase ni Kero nakapunta rito, hinanap mo pa yung kwintas nya”

Naku hindi ako santo parang sobrang bait yung tingin sa akin ni Lola.

“ah- kasi po ako rin po yung nakapigtas nyan kaya ako na lang din po ang naghanap”


“Ganoon ba iho. still hinanap mo pa rin. Hwag kang maging hard sa sarili mo iho. mabait ka talaga” pagpupuri pa sa akin ni Lola. Isang sabi pa sa akin ng mabait aakyat na talaga ako sa langit mula sa pagkakahiga ko.

“O sige na po haha” pagtawa ko


“ Nakakatuwa nga akala ko walang mga kaibigan si Kero sa bagong school nya. Buti naman kaibigan ka nya” pagkukwento ni Lola. “Tahimik lang yan sa una pero mabait yan. Marami nga lang na natatakot since matured na mag isip si Kero kaysa sa mga kaedaran nya”

“Hindi lang po ako. Tatlo po kaming madalas na nag aaway AH! este magkakasama. Sila Rui at Mei po”

“Hahaha. Sana makapunta rin sila rito” pag aaya pa ni Lola. Tumango tango ako rito. Pupunta talaga kami masarap mag alaga si Lola eh. “Kumusta naman sya sa school?”


“Umm... Matalino po sya Lola. Magaling sa lahat ng subject pati na rin sa sports pero mas magaling po ako” pagmamayabang ko rito. Tumawa muli ito.


“hahahha ikaw talaga iho” sabi nito. “buti naman... hindi naman natulad sa dati nyang school. Binubully kasi sya roon kaya nagdecide akong palipatin sya para maiwas na rin yung gulo. Apo! mas pagkakataon na mamimisinterpret nyo sya pero sa mga panahong yun hwag kayong tumigil na intindihin sya...”


Tumango tango ako bilang pag sang ayon. Sa lalim na rin kasi ng gabi kaya nararamdaman ko na ang antok hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
“Genesis! Genesis!” nagising ako sa pagyugog sa akin ni Kero. Napadilat ako ng mata. “ Nandito na yung papa mo”


“Ayoko pa mga 5 minutes!” sabi ko rito at gumulong para maktulog uli.


“Hindi pwede yun! Umalis ka na! hwag ka na rin bumalik” gigil na sabi ni Kero at pinagulong ako hanggang sa mahulog ako sa kama.

Arraaay! saka lang nagising ang diwa ko. Nang masulyapan mula sa pinto si Papa na nakacross arms


“Ayoko pang umalis! nasan si Lola?” tanong ko kay Kero. Pansin ko rin kase na wala ng tao sa loob ng bahay malban sa amin.


“Maagang umalis.” matipid na sagot nito.

Kainis! babalik na namna ako sa bahay. Tumayo ako at nagpagpag ng damit. Iniabot sa akin ni Kero yung mga basa kong uniform at bag.

“Sige na! pasabi na lang kay Lola salamat at salamat rin sayo” sabi ko rito at derederetsong lumabas ng bahay.

Hindi ko na tiningnan pa si Papa na nakatayo sa labas ng kotse. Kaagad lang ako pumasok sa loob. Hindi talaga maganda ang relasyon namin ni Papa kaya isa rin sa dahilan kung bakit ayaw ko bumalik. Pumasok na ito sa loo at mula sa Mirror tiningnaan nya ako ng masama.


“Any explanation?” strictong tanong nito sa akin. Umiwas na lag ako ng tingin. “Umabot na sa ganito yang ugali mo ha? hindi mo ba naisip na mahalaga ang oras ko at sinundo pa kita sa ganitong lugar”

“Kaya ko naman umuwi” sagot kko rito at napadungaw na lang sa may bintana.

“Tingnan mo tong ginawa mo pinag alala mo lang kami! Gumaya na aman sa pinsan mong si Rui”


“Ba’t hindi na lang kay sya ampunin nyo para hindi nyo ko pinag iinitan?

“Watch you words! Jael Genesis!” galing na sigaw ito.

Naririndi na ako sa boses namin. Ni hindi na umayos yung pag uusap namin laging nauuwi sa init ng ulo. kaya hindi rin naging maganda yung relation namin ni Rui... hindi dahil kay Rui kundi sa pagkukupara ni papa sa aming dalawa.

“Emergency lang yun! may ginawa lang akong mali okay kaya iniayos ko lang. Hindi rin ako nakauwi kagaad dahil sa lakas ng ulan” paiwanag ko rito. “Alam kong alam mo rin naman yun. Kung maitatanong mo lang naman din. Nagkasakit din ako kaya doon na ko nagpalipas ng gabi.

“I don’t really understand you , Jael. Magkakasakit ka talaga sa lugar na yun. Next time make sure na full lag ang phone mo para matatawagan ka ni George” sabi nito at napahawak sa ulo. parang mas stress na stress pa sya. SI George yung Assistant na na madalas kong nakakausap para iinform sa mga bagay bagay.

“Yeah right! Yung maid na si George” bulong ko. Not totaly na maid sya pero parag ganun na rin kasi ito yung laging nagbabantay sa akin.

“Hindi ka na pupunta sa luar na yun! Understand?” panigurado nito.

Hindi na lang ako kumibo. nakakainis. mas tao pa nga kausap yung mga yun kaysa sa bahay parang mga de susi. Huminga na lang ako ng malalim. nakakasoffocate na sobra!



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sumpa ni KeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon