Chapter One: The Magic

2.2K 63 0
                                    

《The Magic:Chapter One》

Crisha's P.o.v

"Manang DinDi pasok na ho ako." sabay kuha sa bag na nakasabit sa upuan.

Sabay lapit ko dito sa kanya at nagmano, para magpa-alam na dito.

"Sige... sige... mag-iingat ka iha, alam mo naman ang pwedeng mangyari kapag may nakaalam na may kakaiba sayo." sabay duro-duro niya saakin na may taas kilay pa.

Strikto siya saakin dahil sa may kapangyarihan akong dala. Hindi ko naman nagagamit, kasi bawal daw muna ngayon. Ewan ko.

'Kahit sa birthday ko lang sana magamit ko naman kahit papaano ito' *sabay tingin sa mga kamay ko.

Oo kaarawan ko ngayon, pero wala namang pinagbago, marami pa ding bawal.

"Wag kang bubusangot sa harapan ko, sige na maghahanda pa ako para sa pagsapit ng kaarawan mo" *sabay halik nito saaking noo.

Napangiti na langa ko sa inasta niya. Kaya tumango na lang ako bilang sagot. At niyakap ko siya ng ilang segundo, at agad ko naman itong binitaw.

"Sige po, paalam" sabay kaway ko.

/Fast Forward/

'Nakarating din ako sa wakas' tugon ko saaking sarili.

"Haysss.. sa wakas naka-"

*dug...dug...dug...dug...*

Naputol ang sasabihin ko ng biglang kumirot ang puso ko.

"Ito na ba ang sinasabi ni Manang DinDi na isang araw na ako'y magkakaraoon na ng perpektong kapangyarihan?" takang tanong ko, habang nakahawak pa rin ang kanan kong kamay banda sa puso, sa biglaang pagkirot nito.

Nagpakawala na lamang ako ng isang mabigat na buntong-hininga. Sabay pasok sa bahay.

"Happy 18th birthday Crisha Sophia Buenaventura!!!" sabay yakap saakin ni Mang DinDi.

Napangiti na lamang ako sa pagbati niya saakin. Ilang segundo pa lamang ay kumalas na siya sa pagkakayakap.

"Halika na iha, pasok na at magbihis kana, may mga bisita tayong darating ngayong gabi" saad niya.

Nagtaka naman ako sa sinabi nito.

"Tama ho ba ang nadinig ko? May bisita tayo ngayon?" kasabay noon ang paglaki ng aking mga mata.

"Oo, kaya dalian mo't magbihis kana, pangit ang sasalubong sa ating mga bisita kung ganyan ang suot mo" tumingin naman ako sa suot ko, oo nga naman pala. Naka uniporme pa si self.

Heheheh....

Kaya wala na akong nagawa kundi magbihis na lang. Pagkatapos kong magbihis, pumunta na ako sa kung nasaan si Mang DinDi.

At laking gulat ko ng may mga nag-gagandahang mga dilag, as in lahat sila. Mga kasuotan ay para bang mga kidlat na kumikislap sa mga paningin ko.

'Heto na ba? Heto na ba sila? Ang susundo saakin, pabalik sa totoo kong ina?' saad ko sa aking sarili.

Imbis na maging masaya ako, bakit parang may nagsasabi saakin na nangangamba ako. Hayysss... mas mabuti pang wag ko na lang pansinin tutal this is it...

"Hi po... kayo ho ba ang binabanggit sa akin ni Manang DinDi?" sabay tingin sa isa sa kanila.

Pero imbis na umaasa akong bibigyan nila ako ng sagot sa mga tanong ko, ay nagulat na lamang ako ng sabay sabay silang lumuhod...

Wait lang, saakin ba? Omg...

"Woaaahhh... Manang DinDi bakit parang ang..." bulong ko rito. Pero isa din siya, imbis na sagutin ako, ay inuna niya pa ang mga bisita.

"Maupo kayo at mghapunan" Sabay lahad ng kanyang kamay sa may lamesa na punong-puno ng pagkain, at mga upuan na nasa bawat gilid ng lamesa.

Marami-marami din kasi sila, mga nasa 30+ ayttt ewan ko.

Uupo na sana sila kaso may biglang naramdaman kaming isang yanig. Ewan ko kung bakit parang kinakabahan ako. Lumalakas ang bawat pintig ng puso ko.

Parang may mangyayaring di kaaya-aya ngayon. Nanginginig na ako sa takot.

"Hindi maaari, nangyayari na ang nasa propesiya. Magsihanda kayong lahat" sigaw ng isa. At biglang may kulog kaming nadidinig sa kalangitan.

"Manang DinDi anong nangyayari" takot na takot kong saad sa kaniya.

At may yanig na naman kaming naramdaman. "Huwag kang matakot nandito kami para hindi makasagabal ang mga kaaway" saad nito.

Napayakap na lang ako sa kanya.

"Huwag kayong magtitira kahit ni isa man sa kanila. Maliwanag" saad muli nung nangungulo sa kanila.

"Masusunod" natatakot ako na baka may kung anong mangyari sa kanila, mga babae pa naman.

"Sugod......" sabay silang naglabas ng kani-kanilang mga kapangyarihan. May iba't - iba silang, kapangyarihan na gamit.

Hindi ko masabi kung ano ang mga tawag doon. Ang alam ko lang nakapikit na lang ako at yakap-yakap si Manang.

Ilang yanig, lakas ng pagsabog, mga tumitilapon na ibang kagamitan, ang ilan sa nararamdaman ko at nadidinig ko habang ako'y nakapikit.

"Iha, makinig ka, wag na wag mong imumulat ang iyong mga mata. Ngayon damhin mo ang dumadaloy na kuryente sa kaloob-looban mo" yanig na naman.

"Mag-concentrate ka lang" unti-unti kong nararamdaman ang kapangyarihan na dumadaloy saaking katawan.

"Ganyan nga. Ngayon tawagin mo ito at gamitin upang maisalba mo ang iyong buhay" dinig kong saad niya.

Yanig ulit...

'O kalangitan, na inilalabas ang aking kapangyarihan. Sana'y mapagbigyan ang katulad kong nangangailangan. Mapasaakin nawa ang iyong kalakasan, upang gamitin sa mga kaaway.'

****************
Manang's p.o.v

Napamangha ako sa akin nakikita. Nararamdaman ko na ang lakas niya, ang kidlat ay tinatawag mismo ng kaniyang puso.

At hindi man lang nahirapan dito. Ngayon ay naningilabot na ako. Ang lakas na dumadaloy dito, ang siyang nagpapalutang sa kanya. Nakapalibot ang kidlat sa kaniyang mga bisig.

At kasabay noon ang pag-mulat ng kaniyang mga mata, na ngayon ay ibang iba na.

"Inuutusan ko ang kidlat na patayin ang lahat ng aking nakikitang mga kaaway. Ngayon na..." sabay labas ng napakalakas at napakabilis na kidlat ang pumatay sa isang iglap lamang.

At kasabay noon ang kaniyang pagkawala ng malay at pagbagsak niya sa lupa.

********************

To Be Continued...

Princess Of Lightning [✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon