A/N💌: Happy birthday to me...❤❤❤
《Chapter 17 : Kutob》
●●●●●●●●●●
CRISHA'S P.O.V
Sa ngayon isang araw na naman ang nakalipas at sa wakas nakaalis narin kami sa lugar na sobrang nakakatakot lang.
Gabi na at napagisip-isip din naman namin na bukas na kami tutuloy sa paglalakbay, baka kasi ano pang mangyari saamin, gayong napakadilim na.
Kumakain na kami ngayon nang sakto lang na mabubusog kaming lahat, para kapag kailanganin namin nang pagkain sa tuwing gutom na.
Nakakapanibago naman na ni isa saamin wala man lang balak na magsalita. Mga tunog nang mga insekto na lang ang naririnig namin ngayon. Napakatahimik lang kung tutuuusin.
Kahit sina Akiesha, Airone, Kieth, at Dianne, walang imik. Mukhang nagpapakita na nawawalan na nang pag-asa look. Hindi ko yata makakaya na ganito kami ngayon. Wala man lang umiimik saamin. Ni hindi ko alam kung may problema ba o pagod, o ano pa jang rason.
Para mawala na ang ganitong awra na hindi ko alam kung ano ba. Naisip kong basagin ko na lang ang katahimikan.
"Guys...ba't parang tahimik kayo ngayon?" napatingin naman silang lahat saakin. Blangko lang lahat nang mga ekspresyon nang mga taong nakapaligid saakin ngayon.
"Ano na bang nangyayari sa inyo?" takang tanong ko muli rito sa kanila. Mukha kasing hindi nila nadinig ang sinabi ko.
"Sa tingin ko, walang tuulong saatin ngayon, may pinasama ngang teacher's saatin, kaso mukhang wala naman sila at kataka-taka na imbes na makasama natin sila sa lahat nang ito, hindi malaman laman kung nasasaan na sila. Nawawalan na nga ako nang pag-asang makita pa natin sila, at lalong-lalo na wala na akong pag-asa pa na maililigtas natin ang mundong ito." saad ni Dianne saamin. Napabuntong-hininga na lamang ako. Kasi ganoon din naman ang nararamdaman ko.
Sa mga teachers na makakasama sana namin, wala naman kaming nakikita ngayon na mga taong inaasahan naming sasama at tutulong saamin sa misyon na ito.
"Sa tingin ko may masama akong kutob sa nangyayari ngayon." napalingon naman kaming lahat sa nagsalita ngayon. Si Vienna na mismo ang nakadama, at si Dianne. Mukhang ganoon din yata ako.
"Anong ibig mong sabihin?" sabat naman ni Akiesha rito. Nag-aabang sa sagot na ngayon mukhang sabik na sabik na malaman.
"May masama akong kutob na ang mga nangyayati saatin ngayon ay planado nang kung sino man." napakunot-noo na lamang ako sa mga sinabi nito.
"Tama, ganoon din ako. At alam kong ikaw din Dianne. Hindi ba?" pagsang-ayon nito ni Raven na seryosong-seryoso, at dahil sa pagtawag nang pangalan ni Dianne, doon siya napahinto at napayuko ito. Bago ito nagsalita nagpakawala muna ito nang buntong-hininga.
"Ganoon na nga. Simula pa lang nagtataka na ako, kung bakit biglaan ang lahat nang ito, nagtataka rin ako noong pinatawag ako nang Dean at ipinialam na may espiya daw na nagmamasid sa bawat kilos ni Crisha. Nakasuot daw nang black hood. Doon ako mas nagtaka, dahil sa pagkakaalam ko, hindi basta-basta makakapasok nang ganon-ganon lang nang mga kaaway. At noong sinabi din mismo nang Dean na tayo lang daw ang makikipagsapalaran at walang ibang makakasama maliban lang sa mga dalawa o tatlo ba iyon na guro? Basta ang alam ko mag makakasama tayong mga guro na magaling sa pakikipag-laban. At ang sabi din nang Dean saakin na sa gitna na natin makikita sila. Pero laking pagtataka nga nating wala man lang isa na sumalubong saatin. Ano sa tingin niyo?" pagku-kwento nito saamin.
BINABASA MO ANG
Princess Of Lightning [✅]
FantasiaWanna know Crisha Sophia Buenaventura? Simple lang... prinsesa ng kidlat.