Chapter 47

44 7 0
                                    

Ivy's POV

"Happy Valentines Day,Kuya ko!" Nilagyan ko ng makukulay na rosas ang puntod niya kahit late na para sa akin gusto ko pa i-celebrate. Naglagay ako ng cake sa puntod niya at kumain. "Ang sarap kuya." Nakangiti kong sabi habang kumakain. Pinagmasdan ko ang paligid at napaka tahimik dito.

Hanggang sa may napansin akong sasakyan na papunta dito kaya dali-dali akong nagtago sa isang malaking puno. Lumabas ang lalaki at nakita ko siyang may hawak na bulaklak. "Kevin..." Ano bang ginagawa niya dito? Pumunta siya sa puntod ni kuya at nilapag ang mga rosas na dala niya. "Sino bang nag-iwan ng pagkain dito?" Tanong niya at itinapon ito sa basurahan, Kapal ng mukha.

"Hey, King Zheb." Bati niya kay kuya kaya lalo ko pang inilapit ang sarili ko para makinig. "Mag-iilang taon ko na siyang hinahanap pero wala pa din." Hinanap niya ba talaga ako? Sa laki ng bansang yon nagawa niya akong hanapin? "King Zheb, Kahit ilang taon pa ako maghintay di ako mapapagod--"

"Ahh!" May isang gagamba ang bumaba sa puno kaya napatalon ako sa gulat. I'm going to kill that spider! "Miss Kadi?" Nagulat ako nang tawagin niya ang pangalan ko, Shit.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya sa akin kaya nagisip ako ng pwedeng dahilan. "A-ah binisita ko lolo ko." Wala parin siyang pinag bago ganun parin ang dating Kevin.

Kung pwede lang bumalik sa dati babalik na ako pero hindi uso ang Time Machine sa mundong to kailangan mong harapin kung ano talaga ang nakatadhana sayo.

Kahit si kuya lang ang bumalik ako na ata ang pinaka masayang kapatid sa buong mundo. "Ganun ba?" Nakangiti niyang sabi at nagpakita muli sa akin ang mata niya-- Ano ba Ivy! Sinaktan kana niyan.

"Ikaw? Kuya mo?" Turo ko sa puntod ni kuya para hindi ako mahalata. "Ah hindi, Kuya ng mahal ko." Paano niya pa nakakayang sabihin na mahal niya ako? The Fvck, Kevin! Ung puso ko unti-unti na namang nahuhulog pero ayoko na maging tanga.

"Tuwing linggo ko binibisita ung kuya ng mahal ko kasi lagi kong hinihiling na sana magkita na kami ng kapatid niya." Natupad na hinihiling niya nakita niya na ako pero hindi niya na makikita ang dating Ivy. "Bakit ka may kalapati at rosas?" Napansin ko ang rosas at kalapati sa gilid ng puntod ni kuya kaya nagtanong nalang ako.

"Tinatali ko ang rosas sa paanan ng kalapati at pinapalipad ito." Sinimulan niyang itali ang rosas sa paa ng kalapati. "Sabi sa kwento ang kalapati daw ang isa sa mga nakakakita ng pagmamahalan ng dalawang tao kaya ginagamit sila sa kasal." Alam ko ang storyang iyan dahil ako ang may gawa.

A player before is finally a successful author, Pina lipad na ni kevin ang kalapati at pinagmasdan namin ito sa kalangitan "Kung saan dumapo ang kalapati---" naputulan siya nang dumapo sa akin ang kalapati at nginatngat ang nakatali. "B-baka nagkamali lang ang iyong kalapati." Page-explain ko sa kanya at tumango naman siya.

Sana talaga ay hindi siya makahalata.

*Beep*

I opened my cellphone and I received a message at GH. "Gotta go, Sir Anderson." Pagpapaalam ko sa kanya mas mahalaga naman ang GH kesa sa kanya, Tumingin naman ako sa puntod ng kuya ko at nagpaalam narin ng pabulong. "Ihatid na kita?" Kapag pumayag ako mas lalo siyang makakahalata na bakit ko kasama sila Theo at bakit kami magkakagrupo.

simula nang mawala ang Physix hindi na humanap ng ibang grupo ang mga natira. "Have you heard about Jaspher Molisco?" Tanong ko kay Kevin at gulat siyang tumingin sa akin. "I just heard him from my students." Pero ang totoo kaibigan ko siya. "Yeah, He already died because of car accident." Car Accident?

"AAHHH!!" sigaw ng babae habang papasalpok sa isang truck

"Are you ok? Miss Kadi?" Nakahawak parin ako sa ulo ko sa sobrang sakit.

"Punta ka sa birthday ko ah" sabi ng binata sa dalaga.

****

"Dapat di ka nalang pumunta kung hindi mo kaya." Sabi ni Shawn sa akin, nasa meeting room kami ng GH at hinihintay namin ung may-ari. "Buti nalang hinatid ka ni Kevin dito at si Shawn lang ang nakita." Hayy, Buti nga si Shawn lang ang nakita paniguradong magtataka yon kung bakit kami konektado sa isa't isa. "Anong sabi mo Shawn?" Tanong ko kay Shawn. "Pinsan kita." Tinanguan ko nalang siya at sumandal.

ang tagal naman ng kakausap sa amin marami pa akong aasikasuhin sa bahay lalo na sa trabaho ko. "Kamusta na si Fabie?" Tanong ko sa kanila kaya nabigla sila, Bakit ko nga naman tatanungin yung isa sa mga taong sumira sa buhay ko diba? pero tao lang din ako kaya ko pa naman magpatawad pero wag ngalang sa taong pumatay kay kuya at Jaspher.

"Napatawad na ba siya ng puso mo?" Tanong ni Theo, Ng puso ko? Pwede na sigyro mga 50/50 ganon. I'm not very sure kasi una sa lahat sinaktan ako ni Fabie at Kevin at pangalawa binago nila ako.

"Good Afternoon, Physix." Siya parin pala ang nagh-handle ng Gh akala ko patay na. "Hey, Mr. Kleo." samga nasa 58 years old na ata to. "All I want is your group to be back here again." Mukhang mahirap yan ah. "Kung maglalaro ulit kami dito siguro ibang pangalan na ng grupo." mukhang hindi nagustuhan ni Kleo yung sinabi ko. "Paano papasok yung mga manonood kung hindi na nila kayo kilala?" Papasok at papasok ang manonood kung gusto nila, Magaling man o hindi kasi libangan lang naman hindi ko alam kung bakit nagkaroon nalang bugla ng pustahan dito sa GH. "Manonood ba ang gusto mong pumasok o pera?" I sarcastically asked.

"A-ah well, Sir.. Ivy-- Kadi has a good point." See? My Ghad! Sakin din kumampi sila Atticus. "Okay,Okay,Okay." Epal din tong may-ari na to eh 'Okay' nalang sinabi kasi sakin sila sumang ayon, Dzuh!

"Anong group name?" Agad naman may pumasok sa isip ko kaya napangiti nalang din ako. "Noisy Ones." Why I suggested that? Kasi dati narin kaming umingay sa mga manlalaro, pinagusap-usapan at pinagk-kwentuhan.

Naging kilala din ang pangalan namin kaya minsan din kaming umingay.

"March 25,2020 ang unang laban niyo." Sumang-ayon kaming lahat at nagsi ayos na ng mga kanya-kanyang gamit. "Noisy Ones VS Kevin Anderson's Group." Makakalaban ko si Kevin? No Way. 

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon