X

292 3 6
                                    

“ Celine.” Lumapit si Kuya Ren sa akin. Inihilig niya ang ulo ko sa balikat niya. Kaibang kaiba sa lamig ng tubig kung saan nakababad ang aming mga paa.

Nasa likod bahay kami ngayon may sapa kasi rito. Sariwa ang hangin at magaan sa pakiramdam. Nakakaluwag sa chakra ang ganitong kapaligiran. Napangiti na lang ako. Masaya ako at kasama ko si Kuya Ren ditto.

“Kuya Ren.” Sagot ko sakanya. Niyakap ko ang braso niya. Kumuha siya ng maliit na bato at iniitsa ito sa sapa.

Lumundag ito ng tatlong beses.

“Perfect!” sigaw ni Kuya Ren sabay tingin sa akin. Ngumiti siya ng hanggang sa tenga. Napangiti din ako sakanya.

“ Alam mo naman ang ibig sabihin ng tatlong skip na iyon diba??”

“Oo Kuya. I.LOVE.YOU.”

“Tama!” ginulo niya yung buhok ko. Napakasaya ni Kuya ng sandaling iyon. Pero bakit parang di ako mapakali? Di ko mabitiwan si Kuya. Feeling ko may mali.

“Ihh! Kuya naman eh.” Napatawa na lang din ako. Agad niyang hinablot ang kamay ko atsaka hiniwakan ng mahigpit. Nagkaharapan na kami.

“Celine..” sumeryoso ang mukha ni Kuya.

“Ano iyon?” @_@

“ Laging mong gagawin kung ano ang tama diba?” tanong niya sa akin.

THE DEVIL MEETS THE WITCH.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon