XIII

264 6 2
                                    

CELINE POV

Ilang daang taon silang nagdudusa. Nagpapatayan dahil sa ipinagkait na pag-iibigan nila. Siguro nga mali ang naramdaman nila sa isa’t-isa. Siguro ay hindi sila ang karapat dapat sa isa’t-isa. Isang pag-ibig na dapat umpisa pa lang ay hindi na ipinagpatuloy. Sa maling pagkakataon sa maling lugar sa maling tao.

“Ipikit mo ang mga mata mo at ipanatag ang iyong isipan..”  bulong niya sa akin. Idinala niya ako sa isang kagubatan. Sariwa ang hangin rito ay payapa ang kapaligiran.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Naramdaman ko ang pagpihit ng hangin sa hibla ng aking mga buhok. Nilanghap ko ang dalisay ng hangin at niramdam ang ginhawa nito.

“Ituon mo ang lahat ng iyong kapangyarihan sa iyong puso.” Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay at ipinatag niya ito sa aking puso. “Idaloy mo sa buo mong katawan ang enerhiya,” napangshinghap siyang bahagya. “Nararamdaman mo ba Celine?”

Naririnig ko ang malakas na pintig ng aking puso. At ang init ng katawan niya sa aking likod. Napakagat ako sa aking labi.

“Huwag mong pigilin…” muling bulong niya. Naramdaman ko ang pagkairita niya. At doo’y binitiwan na niya ang aking kamay at lumayo sa akin.

“Ano bang problema mo?!” napakunot ang kilay niya. “Ilang ulit na ba nating tong ginagawa?! Hindi ka ba nagsasawa?! Bakit hindi mo makuha kuha!”

“Psh…” napairap na lamang ako. Paano ko maitutuon ang aking atensyon sa kanyang pinapagawa kung siya mismo ang gumugulo sa akin?

“Ulitin natin!!” lumapit na siya muli sa akin.

“Ayoko na! Pagod na ako.” Umiling ako at umupo sa berdeng damuhan. Punong puno ang isipan ko ng katanungan. Tungkol sakanya at kay Ramices. Ang kanilang nakaraan. Ang pagkamatay ni Kuya ang kinalaman ko sa lahat ng kaguluhang ito.

THE DEVIL MEETS THE WITCH.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon