XII

258 6 3
                                    

CELINE’S POV

Naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang mga labi sa labi ko. Hindi ko maintindihan ang ginagawa niya kaya agad ko siyang tinulak palayo.

“Napapano ka ba?!” nakita ko ang pagkunot ng noo niya at muling paghagod ng kanyang mga daliri sa kanyang buhok.

“Aish! Kahit kailan talaga!! Nakakainis ang mga babaylan!” Tumayo na siya at may kung anong kinuha sa may gilid. Isa iyong puting damit. Isinuot niya ito at umupo sa gilid ng kama.

“Magbihis kana.” Matabang niyang muling iniabot sa akin ang aking mga kasuotan at sinout ko naman ito agad. Nakakalag na ako ngayon sa mga kadenang inilagay nila sa akin.

“Paalisin mo na ako ditto. Palayain niyo na ako..” pagpupumilit ko sakanya habang hinahawakan ang mga braso. Napakahigpit kasi ng pagkakagapos nila sa akin.

“Ano bang dinadrama mo dyan?!” tinaasan niya ako ng boses. Nakita ko muli ang pagkunot ng kanyang noo. “Hindi ka aalis hanggang sa mapatay natin si Ramices.”

“Oo. Gusto ko siyang patayin. Pinatay niya ang Kuya ko! Pero..wala akong balak makipagsabwatan sainyo!” matigas na sabi ko sakanya.

Napaharap siya sa akin at nakita ko ang paglambitin ng isang ngiti sakanyang mga labi.

THE DEVIL MEETS THE WITCH.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon