CHAPTER TEN

4.7K 128 14
                                    

ONE YEAR LATER...

"HINDI KO maintindihan kung saan nila nadadampot ang mga balitang 'yan! Nakita lang na magkasamang lumabas ng restaurant nagde-date agad?" naiinis na reklamo ni Perry. Tinatawanan lang siya ng mga ka-grupo niya.

"Parang hindi ka na nasanay, kapag ilang beses kayong nakitang magkasama ang balita kinabukasan may relasyon na kayo," sabi pa ni John Kim.

"Like this?" tanong ni Nick sabay harap ng laptop sa kanya.

Nanlaki ang mata niya ng makita ang balita sa internet. Naroon ang larawan nila ng babaeng kaibigan niya habang naglalakad. Naalala niya ang iyon, ang picture na iyon ay kuha ng aksidente silang magkita nito sa isang department store. Dahil nagkataon na tapos na rin siyang bumili ay sabay na silang lumabas ng mall, bilang lalaki ay tinulungan niya itong magdala ng maraming paper bags na pinamili nito saka ito hinatid sa parking area sa kotse nito. Iyon lang. Pero dahil may pagkamalisyoso ang ibang tao, nagkaroon agad ng ibang kahulugan iyon at isang linggo na mahigit na pinag-uusapan iyon doon sa Korea. Sa mga ganoon pagkakataon, mas gusto niyang lumipad na lang pabalik ng Pilipinas. Kung hindi lang sa mga naka-schedule nilang activities doon, umuwi na siya.

Napapikit siya saka napailing. Minsan nakakapikon na rin ang mga Paparazzi na iyan. Ano na lang ang sasabihin ni Jami kapag nabasa ang balitang iyon? Baka mamaya ay mag-isip ng iba ito at hindi na pumunta sa usapan nila. Malungkot siyang napangiti. It's been a year. He's been waiting for one whole year for her to come back. He miss her so much. Gusto na niya itong makita at mayakap ulit. Gusto na niyang sabihin dito na kahit kailan ay hindi niya nakalimutan ang pangako nito. Na pinanghahawakan niya ang pangako nitong pagbabalik at hanggang sa mga sandaling iyon ay mahal na mahal pa rin niya ito. Araw-araw ay inaabangan niya sa news kung kailan ang first snow fall. Ayaw niyang mapalagpas ang pagkakataon na muli niyang makita si Jami. He can't lose her again.

"May balita ka na ba?" tanong ni Jason sa kanya

Tiningnan niya ito. Alam niya ang tinutukoy nito, si Jami. Natatandaan pa niya noong araw na nagtalo sila, sinabi nito na susundan nito ang huli sa Paris. Natakot siya sa sinabi nito dahil alam niya kung gaano nito kagusto si Jami, and later did he knew that his just bluffing him. Ginawa daw nito iyon para matauhan siya.

"Wala pa," malungkot niyang sagot.

"Don't worry, she will come back," sabi pa nito.

"Winter is coming again," sabi naman ni John Lee.

"Oo nga eh, would you believe it? Ang bilis ng panahon, isang taon agad ang lumipas. Parang noong nakaraan lang winter din," sang-ayon naman ni Jason.

Tama. It's another winter season and one year has already passed. Last year's winter brought Jami to him, and now his expecting that this year's winter it will bring her back.

"Are you wearing thick clothes today? It says, first snow fall might happen today," sabi pa ni Tyrone.

Bigla siyang napaunat ng upo sa sinabi ni Tyrone. Paano niya napalagpas ang iyon? Hindi pa nga pala siya nakakapag-check ng weather forecast ngayon araw. Agad na dumaloy sa isip niya ang nakaraan. Ang araw kung saan pareho nilang natunghayan ang unang pagbagsak ng snow. The most memorable snow fall in his life. Napalingon silang lahat ng biglang pumasok doon sa opisina ng Manager nila ang isang lalaking staff ng PhilKor. May dala itong malaking parihabang box.

"Ano 'yan?" tanong ni Nick gamit ang wikang Koreano.

"Sir, delivery po para kay Sir Perry," sagot naman nito.

Seasons of Love Series: Book 2 A Winter's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon