CHAPTER THREE

3.1K 59 0
                                    

HINDI ALAM ni Jami kung gaano katagal siyang nakatitig lang at nakatulala sa Tita ni Resy. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala sa nang ipakilala siya ni Resy dito kanina. Humigpit ang hawak niya sa panyo sa kanyang kamay. Ang panyo na ginamit ni Perry sa pag-cold compress sa kanya.

Ang Tita na sinasabi ni Resy ay walang iba kung hindi ang Manager at Team Leader ng grupong One Day. Si Janice Lee. Ito ang babaeng umalalay sa kanya noong mauntog siya.

"Tita, ikaw na ang bahala sa kanya," ani Resy dito.

Ngumiti ito sa kanya. "Yes, leave her to me."

"Miss Janice, hindi ko po alam kung paano ako magpapasalamat sa inyo," naiiyak na wika niya.

"Jami, wala kang dapat ipagpasalamat. Unang kita ko pa lang sa'yo nang gabing iyon alam ko na mabuti kang tao. Mabuti at ako agad ang tinawagan ni Resy, eksakto naman na kailangan ko ng tao ngayon," paliwanag nito.

"Kahit na ano pong trabaho, tatanggapin ko. Ang importante po ay makaipon ako agad," sabi pa niya.

"So, paano? Let's go! Para makapag-umpisa ka na ngayon. Tamang-tama, may alam ka sa Fashion Design, sa tingin ko makakatulong ka rin sa parteng 'yon," sabi pa nito.

"Ay Tita, maaasahan mo si Jami diyan!" pagmamalaki naman ni Resy.

"That's good," anito.

"So, paano? Iwan ko na kayong dalawa at ako ay may pasok pa," paalam ni Resy.

"Sige, thank you Resy!" nakangiting wika niya.

Hindi na rin sila nagtagal sa coffee shop kung saan sila nag-meet dahil agad silang umalis nito at sinama siya sa opisina ng PhilKor Entertainment. Habang sakay ng kotse nito ay panay ang interview nito sa kanya.

"Marunong ka bang mag-drive?" tanong pa nito.

"Opo, may kotse po ako dati," sagot niya.

"May mga pagkakataon kasi na kailangan mong mag-drive ng kotse," sabi pa nito. "And you have to be attentive at all times. Kailangan din mabilis ang kilos mo lalo na kapag may live show at concert. Importante ang Presence of Mind at huwag matataranta. Dahil kapag naunahan ka ng taranta, mas lalo kang hindi makakapagtrabaho ng mabuti," sabi pa nito.

"Tatandaan ko pa 'yan," sagot niya.

Biglang kumabog ang dibdib niya ng matanaw niya mula sa loob ng sasakyan ang PhilKor building. Mahigit isang buwan na halos ang nakakalipas simula ng huli siyang pumunta doon. Iyon ang araw na bumalik siya doon sa Korea at ang gabi kung saan niya nakilala si Perry. Mula sa bulsa ng suot niyang itim na Coat ay hinawakan niya ang panyo.

Dahil sa PhilKor na siya magtatrabaho ngayon, malaki ang posibilidad na magkita ulit sila ni Perry. Maalala pa kaya nito na minsan may isang simpleng babae ito na tinulungan? Hindi niya makakalimutan ang sandaling inalalayan siya nitong tumayo nang mauntog siya sa SUV na sinasakyan nito. Tila sinabi ng scenario na iyon na kahit ilang beses pa siyang madapa at mauntog dahil sa hirap ng buhay, may isang darating at tutulungan siyang tumayo para muling lumaban.

"We're here," sabi pa ni Miss Lee.

Pagkababa nila ng kotse nito ay dumiretso na sila ng pasok sa mismong opisina. Dinala siya nito sa Conference Room. Biglang kumabog ang puso niyang mula doon sa labas ay narinig niya ang masiglang boses ni Perry. Lalong lumakas ang kaba niya ng buksan na ni Miss Lee ang pinto at anyayahan siyang pumasok.

"Come in," anito.

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago pumasok sa loob. Ang kaninang maingay at biglang natahimik pagkakita sa kanya. May kung anong lumukso sa puso niya ng magtama ang paningin nila ni Perry. Nakita niya na ngumiti ito sa kanya, hindi siya sigurado kung natatandaan pa siya nito. Mahigit isang buwan na rin ang nakakalipas at marami itong nakakasalamuha araw-araw.

Seasons of Love Series: Book 2 A Winter's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon