MGS: Visitors?!

27 2 0
                                    

Tanya's POV

Okay.

Maayos naman ang pagmo-move on ko.

Hindi din naman na siya nagpapakita kaya mas naging effective.

"Tanya may pupuntahan tayo" sabi sa akin ni Sai.

Lately, laging wala si Sairel sa bahay. At wala akong alam kung saan siya nagpupunta.

"Huh? Ayoko. Nitatamad ako" sabi ko habang nanonood. Tamang-tama at sila kuya na yung magpe-perform.

Hindi naman na siya nag-salita kaya akala ko umalis na siya.

Ang galing talaga ni Kuya.

Isa ito sa dahilan kung bakit nasa Korea kami ngayon eh. Nami-miss ko kasi si Kuya. Hindi naman pwedeng umuwi siya sa Pilipinas dahil busy sila.

Kasama kasi siya sa BTS kaya ayun. Minsan na lang kami nagkakasama. At nung nakasama ko pa siya eh may asungot.

*ding dong*

Hinayaan ko na lang na buksan ni Sai yung pintuan.

Bat parang umingay at ang tagal isinarado yung pintuan?

Ay. Nevermind.

Maya-maya ay may tumabi sa akin. Akala ko naman si Sai lang yun.

"Ang pogi talaga ni Kookie"

Nagtaka naman ako kasi parang may tumikhim tapos may parang nagpipigil ng tawa.

Nang lingunin ko ay ...

.

.

.

.

.

Wrong Move!

Si Chanyeol pala yung katabi ko kaya halos isang metro na lang yung pagitan ng mukha namin.

Nakatingin lang siya sa akin at nakatingin lang din ako sa kanya.

Bat parang galit o inis siya?


"Ehem!"



Bigla naman akong natauhan at lumayo nang magsalita si Kai.

At nang ilibot ko yung paningin ko ay may labing-dalawa na mga gwapo ang nasa living room namin.

Wag mong sabihin na ...

"Balita ko ayaw mo daw sumama kay Sairel ah?" sabi nung higante sa tabi ko.

"So?"

Tama yan Tanya!

Sungitan mo para lumayo-layo na sa iyo.

Nag-smirk naman siya na dahilan para kabahan ako.

"Kaya kami na lang ang pumunta dito. And you know what? Dito muna kami ng tatlong araw"

Yun lang pala eh.

Makikitira lang pala ng tatlong araw eh.

.

.

.

.

.

Ay lintek!

ANO?!!

MAKIKITIRA?!!

TATLONG ARAW?!!

Paanong????

Author's Note:

Hi/Hello sa inyo. I'm planning to make a story. Sa EXO pa rin pero kay Chen naman. So sana suportahan ninyo. Comment, Vote, and Follow me guys. Salamat.

- Jyunn101

EXO: My Giant StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon