MGS: Weird

29 2 0
                                    

Chanyeol's POV

Agad akong pumasok nung sinabi iyon ni Jin. Si Jungkook?! May gusto kay Yanna?!

Halos makapatay naman ako nang makita sila.

"Kookie ~ ang kalat kumain ah" sabi niya habang pinupunasan yung mukha nung loko. At pucha! Tuwang-tuwa pa ang loko.

Agad akong pumunta sa harapan nila at tumayo naman si Jungkook.

"Hi Chanyeol!" masiglang bati niya sa akin. Bakit parang ang harot nang pagkakabigkas niya?

Itinulak ko siya palayo kaya napaupo siya sa sahig.

"Hala Kookie!" sabi ni Yanna. So she cares to that guys?! Agad ko siyang hinila paalis doon at sinakay sa van ng EXO. Tumabi ako sa kanya at hinayaan ko nang i-drive nung driver namin yung van.

Malayo na kami sa bahay nila Yanna nang maalala kong may photoshoot pala kami ngayon at nasa akin ang van ngayon.

Yaan na sila. Mag-commute na lang sila.

Tanya's POV

Buong byahe ay tahimik lang siya. Nung tinignan ko siya ay malalim ang iniisip niya.

Ano bang iniisip mo Chanyeol?

Diniretso ko na lang yung tingin ko.

"Wala ka bang nararamdaman?" biglang tanong niya sa akin. Nararamdaman?

"Nararamdam?" takang tanong ko sa kanya.

"Wala. Nevermind" sabi niya saka sumandal sa balikat ko. Nanigas naman ako.

Akala ko ba okay na ako? Akala ko ba naka-move on na ako? Pero bakit tuwing kasama ko siya, lagi na lang may weird feelings?

Eto ba yung sinasabi mo Chanyeol?

Meanwhile ~

EXO's POV

"Gramps wala yung van sa labas!" tarantang sinabi ni Baekhyun. Paalis na kasi sila papunta sa photoshoot nila nang hindi kasama si Chanyeol. Si Baekhyun ang sinabihan na ipahanda na sa driver yung van.

Napatingin naman ang ibang lalaki sa kanilang narinig.

"Jongina namang Chanyeol yan oh!" inis na sinabi ni Tao. Alam niya kasi ang mangyayari sa kanila ngayon.

"Oh commute na lang ba tayo?" sabi ni Chen habang nakangiti ng nakakaloko. Napasimangot naman yung iba sa sinabi niya.

Nung huli nila kasing commute ay halos hubad na silang nakapunta sa pinuntahan nila. Nakilala kasi sila ng mga fans nila at pinagkaguluhan sila.

Napabuntong-hininga sila at dinoble na lang ang mga suot nila. Mabuti nang handa bago sumugod sa gera.

BTS' POV

"Waaaaah!!! It hurts!!" ngawa nila Jungkook habang hawak-hawak ang likod niya.

"Wag ka nga maknae! Ang arte nito!" sabi ni V habang inaayos ang buhok nito.

"Ikaw kaya ang itulak ng isang fafa?! May pasa na ata ako huhuhu" muling ngawa niya. Hindi naman talaga masakit pero dahil 'ehem' siya, parang binugbog siya sa inaarte niya.

"Parang hindi ka lalaki ah! Umayos ka nga Jeon Jung Guk!" pang-asar sa kanya ng hyung niyang si Jin.

Napasimangot talaga si Jungkook sa narinig niya.

"Babae ako!!! Babaeeee!" sigaw niya sa mga hyung niya. Tinawanan na lang siya ng mga ito habang nagwawala siya.

Author's Note,

Sabog ang chapter na itu HAHAHA. Special cameo sa BTS at sa pinakamamahal kong si Jungkook. Keep supporting guys! Vote and Comment is a must.

- Jyunn101

EXO: My Giant StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon