Chapter 6

4 0 0
                                    

Sabrina POV

Henry? Si Henry ba itong nasa harapan ko? Kumurap-kurap naman ako at mas pinakatitigan ko siya para makasigurado ako na siya talaga iyon. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makasigurado kong si Henry nga ang nasa harapan ko. Nakatingin rin naman siya sa akin at napansin niya yata na nakatitig lang ako sa kanya kaya kumunot ang noo niya.

"Your not getting up?" Tanong nito sa akin. Inilahad naman nito sa akin ang kamay niya. Tinignan ko muna ito bago ko kinuha ang kamay niya at tumayo na.

"Salamat." Nahihiya kong sabi sa kanya at binitawan na ang kamay niya ng makatayo na ako. Tumango lang siya sa akin bilang sagot. Tumalikod naman siya sa akin at nag umpisa ng maglakad. Ganun lang yun? Pansin ko lang na kapag ako ang kaharap niya ay magsasalita lang siya ng saglit at tatalikod na. Nagmumukha tuloy siyang masungit katulad ni Axel, bigla nalang akong napairap ng maisip ko ang pangalan na iyon.

Pagkalingon ko kay Henry ay binibuksan na nito ang pintuan ng kanyang sasakyan. Siya pala yung bumusin. Anong trip kaya neto? Hindi ko nalang pinansin iyon at lumakad narin ako papalayo sa kanya. Pero hindi pa ako nakakalayo ay may narinig na naman akong may busina. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Nang tignan ko kung sino iyon ay ang sasakyan ni Henry ang nakita ko at nakababa ang bintana ng kotche niya habang nakatingin siya sa akin.

"Hop in. Hatid na kita, pagabi na." Nagtatakang tinignan ko naman siya. Diba dapat kanina niya pa sinabi sa akin yun? O may balak talaga siyang isabay ako pauwi simula ng bumusina siya? Napailing iling nalang ako sa mga tanong na nabubuo sa isip ko.

Hindi na ako nagdalawang isip pa lalo na at natatakot ako na mag-isa lang umuwi. Agad naman akong pumunta at sumakay sa sasakyan niya. Habang kinakabit ko ang seatbelt ko ay nahagip ko ang bahagya niyang pagtawa. Pero ng tignan ko siya ay nakangisi na siya habang inuumpisahan niyang patakbuhin ang sasakyan. Tahimik lang kaming dalawa habang tinuturo ko sa kanya kung saan ang daan papunta sa amin.

Nang nasa tapat na ako ng bahay ay agad kong inalis ang seatbelt ko at humarap sa kanya. Magpapasalamat sana ako ng inunahan niya akong magsalita.

"Henry." Tipid na sabi niya at liningon niya ako. "My name." Pahabol niya. Bahagya naman akong nagulat dahil sa nagpakilala siya. Nagpanggap nalang ako na hindi ko alam ang panggalan niya.

"Sabrina you can call me Sab. Thank you nga pala sa paghatid." Ngumiti naman ako sa kanya at kita ko pa ang bahagya niyang pagngiti rin sa akin.

Tuluyan na akong lumabas sa kanyang saksakyan. Bago pa ako makapasok sa bahay namin ay sinulyapan ko pa ito at kakaway sana ako ng mapansin ko na wala na siya. Napairap nalang ako, ang bilis nga naman niyang mawala.

~~~~

'Iniiwasan mo ba ako Sab?'

Hindi ko naman nireplyan ang message na natanggap ko simula pa kanina. Binabasa ko lang ang mga ito.  Tamad kong pinatay ang cellphone ko. Bahala siya. Tsk. Maya-maya lang ay nagvibrate na naman ito. Tigas nga naman ng ulo at ayaw pa tumigil.

'Reply to me, SABRINA GAIL VALDEZ.'

Awtomatikong napairap naman ako at base sa nababasa ko sa cellphone ko ay malapit na siyang mainis. Siya pa talaga ang may ganang mainis. Sa pagkakatanda ko ay siya ang may kasalanan sa aming dalawa. Ni hindi manlang marunong magreply sa mga text at tawag ko kahapon. Gumaganti lang ako. Kainis talaga siya. Isisinop ko na sana ang cellphone ko ng bigla nalang lumitaw ang pangalan ni Axel sa screen ng cellphone ko. And now he's calling me. I just ignore it and turn off my phone.

Always With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon