Chapter 4

20 1 0
                                    

Sabrina POV

Kasalukuyan namang nakahilig ang ulo ko sa balikat ni Axel. Nakapikit akong nakasandal sa kanya dahil sa pagod kanina sa kakatakbo. Habang ang mga ibang ka-teammates ni Axel ay nagpapahinga rin at ang iba ay umuwi na. Tinigil na ni Coach Kyle ang pag-eensayo nila at nakatikim pa sila ng kaunting sermon. Dahil sa pinagpapahinga niya ang mga ito at ang ginawa naman nila ay tumakbo na parang mga bata. Para nga silang mga batang nakawala sa mga bahay nila dahil sa ang kukulit nila at halos ilang oras rin kaming naghahabulan. Nauna akong tumigil sa kanila dahil hindi ko na talaga kakayanin dahil sa pagod habang sila ay sigi parin sa paghahabulan.

Ramdam ko naman ang malalim na paghinga ni Axel. Im tired. I want to go home and have some sleep. Makakatulog na sana ako ng tawagin ako ni Axel kaya umalis ako sa pagkakasandal sa kanya at pagod siyang tinignan.

"Why?" Tanong ko habang naghihikab. Kinuha niya naman ang bag niya at kumuha doon ng pamunas ng pawis.

"Talikod ka." Utos nito sa akin at sumunod naman ako.

Inumpisahan niya namang punasan ang likod ko. Napangiti naman ako sa ginagawa niya. Nakaugalian na niya kasing punasan ang likuran ko kapag sobrang pawis ko at galing ako sa kakalaro. Madali kasi akong tamaan ng ubo kapag natuyo ang pawis sa likod ko. Nang matapos niya akong punasan sa likod ay linagay niya nalang sa likod ko ang towel.

"Thank you." Pasasalamat ko sa kanya. Tumango nalang siya bilang tugon sa akin at tumayo naman siya.

"I'll just take a shower and after that we will go home. If you want to take a shower too I have an extra jersey on my locker. You can wear it." Isinakbit niya naman sa balikat niya ang bag niya at umalis na. Tumayo naman ako at pumunta sa locker room. Gusto ko rin namang maligo dahil sa parang ang langkit langkit ko na.

~~~

Tumingin naman ako sa salamin habang nag-aayos. Itinaas ko naman ang kamay ko. Ang haba talaga ng jersey ni Axel umaabot ito hanggang sa tuhod ko habang ang jersey short naman ay lagpas sa tuhod ko. Tinack-in ko naman ito dahil parang lulubog ako sa jersey ni Axel. Pagkalabas ko ay nadatnan ko naman si Axel na hinihintay ako. Napatingin naman ito sa akin at napangiti o sabihin na nating pinipigilan niyang matawa. Lumapit naman ako sa kanya at hinampas siya.

"Aray! Ang bigat ng kamay mo ah." Reklamo nito habang habang hawak braso niyang hinampas ko.

"Nang-iinis ka na naman kasi." Napipikon na sabi ko sa kanya. Hanggang may pagkakataon talaga siya na mang inis ay hindi niya iyon pinapalampas.

"I did not say anything." Pagtatanggi niya. Iniripan ko nalang ito. Napahikab naman ako. Gusto ko na talagang umuwi at matulog. Matagal-tagal narin kasi na hindi ako tumatakbo. Kaya siguro sobrang pagod ko.

Napansin naman ni Axel ang paghikab ko. Lumapit naman siya sa akin at kinuha ang bag na bitbit ko. Itinaas ko naman ang kamay ko. Nagtatakang tumingin naman siya sa akin.

"Buhatin mo rin ako." Sabi ko at itinaas pa ang kamay ko. Napairap naman siya.

"Masyado kang mabigat, tama na itong bag mo." Pagrereklamo niya. Napasimangot naman ako.

"Ang sabi mo magaan lang ako. Dali na, buhatin muna ako." Pagpupumilit ko habang winawagayway ang nakataas na kamay ko.

"Nagjo-joke lang nun ako, totoo niyan mabigat ka talaga kahit na maliit ka." Sinamaan ko naman siya ng tingin. Nanglait pa eh nagpapabuhat lang naman ako.

Always With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon