A/N ; Bakit parang wala man yatang nag babasa ng story koT.T *Tears* magparamdam naman kayo oh
-----------------
*Demi's POV
Pagka open ko. May notification ako. May nag add saakin at pagtingin ko...
Si Crush *o* mag eexpect paba kayo kung sino?
Teka, kanina gusto nya akong isabay umuwe, tapos ngayon inadd nya ako. Baka may gusto na talaga cya saakin! OMO
*Accept*
Syempre agad kong in-accept. Pumunta ako sa timeline nya at tinignan ang mga picture nya.
Naks! May nakita akong picture nya na topless! And guess what? Ang hot nya! With six packs abs!
Hindi ko na ni-like kasi baka mahalata ako na tinitignan ko yung mga pictures nya^.^v .Mahirap na,baka akala nya may paglihim ako sakanya(Kahit meron^.^)
Tinignan ko pa ang iba nyang mga picture pero ito talaga ang nagpaka titig saakin. Picture nya at may kasama syang babae O_____O
Marami tuloy na tanong sa isip ko tulad ng...
Sino siya?
Girlfriend nya kaya?
Oh baka naman kapatid lang.
Yan ng mga tanong sa utak ko. Maganda naman yung babae kumpara saakin. Makinis ang muka,straight ang buhok at maputi. Kung mag syota nga sila bagay sila.
Pero paano na ako?
"Hay! Ano ba yan demi! Hindi ka panaman sigurado kung sino sya sa buhay nya. Saka! Hindi naman kayo close noh. Assumera" sabi ko habang inaalog ang ulo ko.
Nag log out na ako dahil wala naman akong maka chat. Tapos narin akong kumain kaya bumaba ako para pumunta sa kusina.Uminom na ako ng tubig at nag toothbrush.
Sino kaya yun? Hindi kaya girlfriend nya? Hay demi! Eh ano naman kung girlfriend nya yun? Di hamak na mas maganda siya sayo noh. Hanggang crush ka lng demi! Hanggang crush lang!
Umakyat na ako ng kwarto at humiga sa kama.
Hindi ako makatulog ano ba yan! Bakit ba kasi iniisip ko pa kung sino yung babae na yun?? Ganito ba talaga pag inlove?? Ih! Ang landi ko na! Choss xD
Sa sobrang kakaisip ko hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
--
Nasa school ako ngayon papuntang class room. Bakit ganun? Silang lahat nakatingin saakin,nagbubulungan
Pumunta muna ako ng cr para tignan kung may dumi ako sa mukha pero nang pagkatingin ko..
"Waaahh! Siopao!!!" *o*
Bakit ang ganda ko na?? wala na akong pimples,maganda na ang buhok ko at ang ganda ko nang tignan kumpara nung dati,pero yun nga lang may salamin padin ako.
Ah! Bahala na! Ienjoy ko nalang to.
Taas noo akong lumabas ng cr at naglakad uli pero ...
"Miss pinapabigay oh" lalaki na hindi ko kilala. Nag abot sya saakin ng rosas at inaccept ko naman syempre
"Sinong nagpapabigay?" tanong ko
"Basta po." sabi nya at naglakad
Kanino naman kaya ito galing?
May nag abot nang nagabot saakin ng mga rosas habang papunta ako ng classroom.Kanino kaya galing?
Pagkapasok ko ng room bakit walang tao?? Umupo ako sa upuan ko pero napansin ko na...
"Demi Ayesa Jeung. Will you be my girlfriend?"
Yan ang naka sulat sa board. May pumasok na lalaking may hawak na chocolates. At patingin ko kung sino??
Si Emmanuel! So sya na ba ang nag plano nito?
"Demi? Ano na? Sasagutin mo na ba ako?" sabi nya then he gave me the chocolates
"Ye--"
*Kring Kring Kring Kring Kring!!!*
Pinatay ko na ang alarm clock ko at umupo sa kama.. Napaisip ako sandali at..
"Waaah!! So panaginip lang lahat yun!? Akala ko magiging kami na!! Waaah!! Waaaahhh!" sigaw ko ng pagka lakas lakas!
Akala ko panaman totoo na!
Tumayo ako at pumunta sa may salamin ng kwarto ko.
"Waaaahhh!!" sigaw ko nanaman kasi pangit nanaman ako! Akala ko totoo na gumanda na ako eh!
"Miss Demi?! Ano pong nangyari bakit sumisigaw po kayo??!" isa sa mga maid namin. Hindi ko alam ang pangalan eh
"Wala manang.ok lang ako."
"Ahh. Ganun po ba? Maligo na po kayo at nakahanda na po ang almusal nyo sa baba"
"Cge. Bababa nalang ako:)"
At tuluyan na nyang sinarado ang pinto. Habang naliligo ako hindi ko maiwasang hindi maisip ang panaginip ko. Sana totoo nalang yun.
Tapos na akong maligo at bumaba na para kumaen.
Nang matapos na akong kumaen nag pahatid na ako sa school sa driver namin.
-----------
A/N; Bibitinin ko muna kayo. Mashakit na yung mga daliri ko eh T.T sa mga nag babasa po pala nito,salamat po sa pagsubaybay! Mwah:*
~Nhen