Winter's P.O.V.
Nagising ako ng dahil sa may yumuyugyog sakin.. Pero hindi ko minumulat ang aking mata. Ano ba yan si Nay melinda naman eh ...
"Hmmm. Mamaya na po Nay melinda ..." umikot ako at bumaling sa ibang direksyon.
Teka, bat parang ang tigas ng unan ko? Kinapa kapa ko ulit yung unan. Parang hindi 'to akin.
"Ay jusko! Nako kang bata ka! Gumising ka na at kailangan mo pang umuwi!!" Napatayo ako at napadilat ng wala sa oras ng may sumigaw.
"AHHHHHHH!!!!! N-nasan ako?!" Nakita ko yung nurse ng school na nakapamewang sa harapan ko. Nilibot ko yung paningin ko. Ah! Nasa clinic pala ako.
"Iha, Nasa clinic ka" Sabi ng di katandaang nurse. Oo nga po, kakasabi ko lang po hehe
"A-ah, S-sino po nagdala s-sakin d-dito?" Nahihiya't nauutal kong sagot. Nakakahiya talaga dito pa 'ko natulog pangit pa naman ako matulog, baka may laway pa ko dito mygad! Tinignan ko agad kung meron, pero good thing wala.
Sumakit ulo ko ng maalala ko yung nangyari kanina. Pero kahit papaano hindi na masakit ang pisngi ko. Masakit pala manampal yun.
"Ah, yung kaibigan mong babae na maganda, maputi, maikli buhok"
Kaibigan ko? Hindi ah wala naman akong kaibigan eh pero Maganda? Maputi? Maikli buhok? Ah! Si yuukee. Kahit papaano pala may mabuti siyang puso. I should thank her by the way.
Sumilip ako sa bintana, gabi na pala Anong oras ba ako natulog?
"A-ah, A-ate bat po g-gabi na? ano oras na po ba?" Tinignan ko siya. Nataranta siya.
"Ah! Oo nga pala! 9:00 na, kailangan mo ng umuwi baka hinahanap ka na sainyo!"
Ano?! 9:00 na?! Eh kanina pang 7:00 uwian namin! Patay! Ganon ba ako matagal matulog?! Ganon ba kasakit manampal si yuuke?! Next time di ko na sasabihing sampalin niya ko baka kasi sa susunod di na ko magising. Nako natatakot na ko sa babaeng yon ah
"A-ah, S-sige po, S-salamat"
Umalis na ako ng clinic at ng school. Naglakad na ako pauwi. Pagdating ko nakita ko kaagad si nay melinda, ngumiti agad ako naka ready na tenga ko sa kanyang pagsigaw.
"AT SAAN KA GALING?! IKAW TALAGANG BATA KA! LAGI MO AKONG PINAG-AALALA!" Nakapamewang pa niyang sabi. Ang ganda naman ng bungad mo sakin nay
"Sorry po Nay Melinda, Nahimatay po kasi ako kanina kaya po nakatulog ako ng matagal sa clinic, sorry po talaga Nay Melinda sa paga-alala sa akin pero don't worry po okay lang po ako inalagaan naman po ako ng nurse ng school namin" nagbow pa ko ng maraming beses
She's my Nay Melinda, Siya yung yaya at tumatayo kong ina't ama kapag nasa korea sila mom at dad, Kaya sobrang maalalahanin niyan dahil para narin niya akong anak. Actually, mas overprotective pa si Nay Melinda kesa kila mom and dad, wala namang pake sakin ang parents ko eh puro lang naman business ang inuuna nila kesa sa anak nila. Pero kahit na ganun, mahal ko padin sila dahil sila ang nagpalaki sakin kaso mas mahal ko nga lang si nay dahil siya ang nandyan palagi sa tabi ko nung mga panahong kailangan ko ang pagmamahal ng parents ko.
"Hay nako kang bata ka! Hala sige kumain ka na at pagkatapos ay magpahinga ka" Niyakap niya ko ng mahigpit.
"Sigurado ka bang okay ka lang?" Sabi niya ng humiwalay siya sa yakap.
"Ne Ahjumma. Saranghae" ngumiti ako at kiniss siya sa cheeks
"Nado saranghae. Osya kumilos ka na alam kong pagod ka sa maghapon" ngumiti siya at pinaghainan ako ng pagkain
Dali-dali akong kumain at nilagay na sa lababo yung pinagkainan ko, nagpaalam na ako kay nay melinda na aakyat na 'ko papunta sa kwarto. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama ko. Huminga ako ng malalim, hindi padin mawala sa isipan ko yung sinabi ni Yuukee.
"In short ginamit ka lang niya!"
Ginamit niya nga lang ba ako? Si Lance kasi isa siyang model ng bench. Natanggap siya 2 years ago. Aniyo, aniyo, He loves me, hindi niya magagawa sakin yun. Kilala ko si lance, sobrang bait niya at hindi niya ko magagawang lokohin at gamitin. Hindi ko alam kung sinisiraan niya si lance saakin o ano. Pero sana naman hindi, hindi naman siguro ganoong tao si yuukee diba?
Napabuntong hininga ulit ako. Wag ko nalang muna isipin yon. Kinuha ko yung phone ko at tinignan kung may text galing kay lance pero ayaw bumukas, lowbat siguro. Bukas ko na lang titignan, paniguradong nag-aalala na sakin yon. Inaantok na talaga ako lance sorry bukas nalang kita ia-update.
Speaking of lance, OMG ANNIVERSARY NA NGA PALA NAMIN BUKAS PAKERS MUNTIK KO NG MAKALIMUTAN!!!! It's our 3rd anniv! Teka, Wala pa akong regalo. Bibili nalang ako bukas. Gash i'm so excited di ko alam kung anong bibilhin ko kasi lahat ng gusto niya nabili ko na. May iba pa ba siyang gusto? Marami pa ata siyang gusto na hindi ko pa naibibigay hays. Bukas ko na nga lang isipin yon, sa ngayon kailangan ko ng magpahinga para may energy pa ko bukas hihi goodnight! See you in my dreams lancemyloves mwa

BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl Turned Into a Gangster
Fiksi RemajaOne day you'll meet someone who doesn't care about your past because they want to be with you in your future. May mga lalaki talaga na parang barbie, Gwapo pero plastic.