Sinusundan niya ng hungkag na tingin ang bawat patak ng ulan na iniluluha ng langit, habang yakap ang larawan ng kanyang namayapang ina. Nakadama siya ng pakikiramay buhat doon kahit binabalot niyon ng lamig ang buong paligid na kumakagat sa kanyang balat patungo sa kanyang mga buto.
Napakislot siya nang umihip ang hangin at lalong manuot ang lamig sa kanya. Saglit niyang binawi ang paningin at sinuyod ang buong paligid. Sa tahanang iyon ang kanyang ina ang naging pundasyon niya at lakas laban sa malupit na lipunan. Iniwan sila ng kanyang ama para sa ibang pamilya at mula nang umalis ang lalaki ay hindi na siya nagkaroon pa ng balita.
Minsan naiisip niya kung anong layunin ng Diyos sa lahat ng trahedyang nangyari sa kanyang buhay. May mga taong dumarating pero hindi naman nagtatagal. Kadalasan ay umaalis na nag-iiwan ng mga sugat sa alaala niya. Sugat na kahit ang panahon ay pagod nang gamutin.
Hindi siya takot mag-isa. Nagawa niyang masanay umpisa nang siya'y magkasakit ng malubha at nabulag ang kaliwang mata. She was quarantined and became a subject for studies and experiments. She had to be a sacrifice. A deterrent to kill the virus.
Kumalat iyon sa komunidad ngunit hindi bayani ang tingin ng mga tao sa kanya kundi isang karamdamang nakahahawa. Iniiwasan at pinangingilagan.
Wala siyang naging kaibigan.
Ngunit pinagkait man ang bagay na iyon sa kanya, hindi iyon naging kakulangan dahil sapat na ang pagmamahal ng kanyang ina. Pero ngayon ay wala na rin ito at iniwan siya.
"Mama," hinagkan niya ang larawan kasabay ang mabilis na pagtulo ng mga luha.
Madalas nitong sabihin na magtiwala siya at huwag mawalan ng pag-asa. Na pwede siyang magreklamo kung masama ang kanyang loob. Pero sinong makikinig sa kanya? May darating ba para sumaklolo kung sasabihin niyang natatakot siya?
Oo, natatakot siya ngayong nawala ang kaisa-isang tao na naging sandalan niya sa loob ng labing-pitong taon ng kanyang buhay. Nasisindak siya ngayon kahit sa mga kaluskos na likha ng mga bubuwit sa sulok. Sa mga ipis na gumagapang sa dingding. Sa mga butiki na nagbubulungan sa bubong.
Takot siya sa dilim.
Takot siya kahit sa katahimikan na dati ay takbuhan niya at kanlungan.
Nagtungo siya sa lumang sofa na gawa sa kawayan at naupo roon. Nilapag niya sa kanyang tabi ang larawan at niyakap ang mga tuhod. Gusto na niyang baliin ang pinangako sa kanyang ina na hindi susubukang tawirin ang kamatayan para sundan ito sa hukay.
May punto pa ba para mabuhay? May halaga pa ba siya?
Lumipas ang magdamag at sinalubong niya ang bukas na wala namang pinagkaiba sa gabing dumaan. Matamlay siyang nag-ayos ng sarili. Kumakalam ang sikmura niya at mabigat ang kanyang mga mata.
May pasok nga pala siya ngayon sa school. Ano kaya kung titigil na lang muna siya sa pag-aaral? Magtatrabaho siya at mag-iipon. Paubos na ang perang iniwan ng kanyang ina at hindi rin sapat ang halaga ng mga alahas niya para tustusan ang mga pangangailangan niya sa mga susunod na araw.
Pagkatapos niyang kumain ng biscuits at uminom ng gatas ay naglinis siya ng bahay. Pinagod niya sa kung anu-anong gawain ang sarili sa buong maghapon hanggang sa nakatulog siya.
Ngunit ginising siya ng marahang haplos sa kanyang pisngi. Iminulat niya ang mga matang namamaga at kumikirot. Napatitig siya sa lalaking nakatuon sa kanya.
"Kumain ka na?" he asked gently.
Bumangon siya. Lumikot ang mga mata. Gabi na pala. Damang-dama niya pa rin ang pagod. Masakit ang mga kasu-kasuan niya.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya pabalik habang humihikab. Muntik na siyang mabahing nang manuot sa ilong niya ang amoy ng pabango. Kinamot niya ang ilong.
"Nag-alala ako. Hindi ka kasi pumasok kanina."
"Kaninong pabango iyon?" usisa niyang suminga.
Inamoy nito ang sarili at napailing. "Kay Katrice." Binalingan nito ang paper bags na nasa mesita. Binitbit at naglakad patungong kusina. "I bought dinner for you."
Kiniskis niya ang mga palad sa isa't-isa at tila lasing na tumayo. Kumulo ang sikmura niya nang maamoy ang mabangong aroma ng pagkain. Sumunod siya sa loob ng kusina at pinanood ang lalaking naghahain sa hapag.
"Uuwi ka ba agad?" tanong niya rito.
Tumingin ito sa kanya at matagal siyang tinitigan. Inaarok ang mensahe sa likod ng tanong.
"No," umiling ito. "I'll sleep here tonight."
Mahigpit niyang pinisil ang mga kamay at marahang tumango. Humila siya ng isang upuan.
"May inaayos lang ako roon sa dorm. Next week siguro pwede na kitang isama roon." Nagsalita ito at nilagyan ng pagkain ang kanyang pinggan.
"Hindi ba bawal doon ang girls?" tanong niyang kumuha ng isang pirasong fried chicken at kinagat.
"Kaya nga inasikaso ko ang tungkol doon. Iyong ibang mga occupants ay nag-uuwi naman ng mga syota nila." Binuksan nito ang can ng softdrink at lumagok.
"Hindi mo naman ako girlfriend at kahit magsinungaling ka pa walang maniniwala sa iyo," sabi niya.
"You are being harsh on yourself, Amy. Your mother won't be happy with it," pakli nito.
"Nagsasabi lang ako ng totoo." Umismid siya.
"Importante ba kung may maniniwala sa akin o wala?" Tumitig ito sa kanya ng matiim. "If you can only borrow my eyes, you can see the beauty that I'm seeing right now in front of me."
She smiled sarcastically. Marahas niyang nilunok ang bara sa lalamunan kahit wala nang laman ang kanyang bibig. Ang sarap pakinggan. Pero hirap siyang maniwala. Hindi niya kayang maniwala sa bagay na alam niyang walang katotohanan.
She can dream. But she can't change the reality after she wakes up and the dream will fade. Mas pipiliin niyang harapin ang masakit na reyalidad kaysa magpakalunod sa magandang ilusyong likha ng mapanlinlang niyang utak.
Pagkatapos kumain ay nagligpit siya at nilinis ang kusina. She went back to the living room with him afterward. He showed her the lesson for tomorrow's class. After doing the assignment in Math, she prepared the bed in the guest room for him.
Bitbit ang kanyang unan at ang malaking teddy bear pumasok siya sa kwarto. Nakahiga na ang binata. Pero gising pa ito at malalim ang iniisip habang nakatitig sa kisame.
Tumingin ito sa kanya. "Hindi ka makatulog?" tanong nitong bumangon.
Tumango siya. Pinaglaruan ang seradora.
Sumenyas ito. Isinara niya ang pinto at lumapit sa kama. Sumampa siya. She put teddy between them and fixed her pillow.
"Baka madaganan ko siya," babala nito.
"Subukan mo. Sisipain ka niyan." Banta niyang sinamaan ito ng tingin at nahiga. Niyakap si teddy.
"Sige, ikaw na lang ang dadaganan ko." Ngumisi ito.
"Bukas putok na iyang mga bola mo," sikmat niya at pumikit.
BINABASA MO ANG
BEHIND HER EYES ✅
Teen FictionWhen her mother died, Amyhan Ludwig realized that being alone was not a comfort zone for her. Loneliness and the thought that no one was there is terrifying. She was scared but then forced to continue her life in a bombshell situation. Until Nimbuz...