Buhos si Amyhan sa pagkopya ng mga karagdagang requirements mula sa display board sa labas ng opisina ng school registrar. Mabuti na lang at maaga siyang nagtungo rito sa pamantasan. Wala pa gaanong estudyante kanina nang i-settle niya ang kanyang mga papel. Ngayon ay siksikan na at ang haba ng pila lalo na doon sa window ng finance.
Next week ay simula na naman ng pasukan. Kailangan na lang niyang ayusin ang kanyang schedule. Natigil sa pagsusulat ang dalaga nang madama niya ang kamay ni Nimbuz sa kanyang baywang. Napabuntong-hininga siya sa pamilyar na kiliti ng kuryenteng kumalat sa kanyang laman.
Bahagya niyang sinilip ang binata na tiningnan ang notes na kanyang hawak. "Did you get your study load?" Tanong nito.
Tumango siya at saglit na nilingon ang mga estudyanteng babaeng mabilis pa sa langgam kung dumami sa gawing likuran nila. Mukhang hindi naman ang nakapaskil sa pisara ang ipinunta ng mga ito kundi ang lalaking nakapulupot sa kanya.
"Would you like to see the College of Agriculture?" He suggested after checking his wristwatch.
"Sige, tatapusin ko lang ito." Itinuloy niya ang pagkokopya.
"Let's have our lunch at your house, hm?" Napag-usapan nilang tumuloy doon sa bahay galing dito sa pamantasan.
Tumango siya. Niyakap siya ng binata mula sa likod at hinagkan ang kanyang ulo. Alam niyang hindi iyon normal na tanawin para sa iilan lalo na at nasa loob sila ng pamantasan. Pero wala din namang magbabago sa opinyon ng ibang tao kahit paiiralin pa niya ang lumang kaugalian at mag-inarte.
Nimbuz is a physical guy. Gusto nito laging nakahawak at nakadikit. He was raised in a different culture after all. Wala itong pakialam sa nakikita at sinasabi ng mga nasa paligid nito. As long as he didn't violate the rules of human nature. Ironically, he amazes her with his twisted but sweet attacks. Mabilis siyang nasanay sa mga galawan nitong laging nakakapanindig balahibo.
Nakaakbay sa kanya ang lalaki habang tinatawid nila ang malawak na ground mula sa admin building patungo sa gusali ng College of Agriculture. Natanaw agad niya ang kanyang magiging classroom pagsampa nila sa tuktok ng hagdan sa third floor.
Room 302- 1BS Agriculture. May umpukan ng mga estudyanteng lalaki sa corridor malapit roon na mukhang tumitingin din sa silid-aralan. Magiging kaklase niya kaya ang mga iyon?
"My class is over there. The fourth one on the third floor." Nimbuz pointed out the adjacent building on the opposite side. It was the College of Law. Nandoon ang PolSci department at Legal Base Management courses.
Lumapit sila sa railing ng corridor. Nimbuz stood behind her, caging her in between his sturdy arms. Nakatuon ang mga kamay nito sa pasamano habang pinagmamasdan nila mula roon ang mga estudyanteng nasa ground na papunta sa iba't-ibang destinasyon.
The soccer field is busy because of a practice match. Ganoon din ang korte ng lawn tennis at badminton. Sa kabilang mga palaruan naman ay may Sipak-Takraw.
"Nimbuz?" An excited voice of a girl interrupted them.
Awtomatiko siyang napalingon sa pinagmulan ng malamyos na boses. It's the school queen. Katrice. She's wearing the cheering squad official jersey of the university. Agad napawi ang ngiti nito nang bumaba papunta sa kanya ang paningin.
"I haven't seen you for a while. I thought sa ibang university ka pumasok. Iyon ang narinig kong usap-usapan." Saglit lamang na nagtagal sa kanya ang mga mata nito at muling bumaling sa binata.
"It was just an advance module from San Carlos. I'll have my regular syllabus here." Sagot ni Nimbuz.
Tumango ang dalaga. Sumulyap sa kanya. "Girlfriend mo?" Tanong nito.
BINABASA MO ANG
BEHIND HER EYES ✅
Teen FictionWhen her mother died, Amyhan Ludwig realized that being alone was not a comfort zone for her. Loneliness and the thought that no one was there is terrifying. She was scared but then forced to continue her life in a bombshell situation. Until Nimbuz...