Tumahimik na lamang si Nimbuz at hindi na sumubok na ipagtanggol ang sarili mula sa pang-aasar ni Nigel. Pati si Cleoh na kanina pa hindi matigil sa katatawa ay ginagatungan ang pinsan.
"I just can't believe it, Nimbuz. Nakipagbasagan ka talaga ng ulo dahil sa babae? Tapos sasabihin mong hindi ka in-love." Cleoh teased him. He's been hearing that statement almost ten times already. Kung pwede lang masuka ang tainga niya.
"Inamin ko na nga, di ba? Awat na!" busangot niyang angil.
Noong araw na nagrambol sila ni Nigel ay nalaman niya mula sa kaibigan na palabas lang ang ipinapakita nitong interes kay Amyhan para mapaamin siya sa totoo niyang nararamdaman sa dalaga. Cleoh orchestrated everything just so he can evaluate his feelings.
Tumunog ang kanyang cellphone. Agad niyang sinilip kung sinong tumatawag. Mildred's caller ID popped up. Binigay niya sa dalagita ang contact details niya para matawagan siya nito kapag may emergency lalo na kung may kinalaman kay Amyhan. Hindi kasi tinanggap ng dalaga ang binigay niyang cellphone.
"I'll just take it." Nagpaalam siya sa magpinsan at nagtungo sa labas. "Mildred?"
"Kuya Nimbuz, nasaan ka?" tanong ng dalagita mula sa kabilang linya.
"Nandito ako sa Compostela. May problema ba?"
"Si Ate Amyhan po kasi walang kasama roon sa bahay nila. Nasa bukid po si auntie at doon daw matutulog kasi harvest ngayon ng gulayan. Hindi po ako pwede ngayon kasi may lagnat si mama, kailangan ko alagaan."
"Don't worry, ako na ang bahala kay Amyhan. Sasamahan ko siya. Thanks for the info, Mildred."
"You're welcome po, kuya. Salamat po, ba-bye."
Ibinaba niya ang cellphone at bahagyang ngumiti. Mukhang kailangan niya ng sipa mamaya para makatulog. Hinulog niya sa bulsa ng pantalon ang cellphone.
"Stop laughing. Walang nakakatawa sa nangyari!" ungol ni Nigel na narinig niya bago pa siya nakapanhik sa loob ng bahay.
"Sayang at hindi ko nakita iyong rambulan ninyo ni Nimbuz," hagikgik ni Cleoh.
Napailing siya. Hindi pa rin tapos ang mga ito sa usaping iyon.
"I doubt if you would like to see that. Seriously, Cleoh. Ngayon lang nakipag-away iyong ex mo dahil sa babae," kantiyaw ni Nigel na ikinahinto ng tangka niyang paghakbang.
Ipinilig niya ang ulo at marahang kinagat ang labi. Right, that was the first time he lost his temper and went extremely mad because of a girl.
"At anong gusto mong palabasin?" sikmat ni Cleoh. Biglang-bigla'y nagbago ang tono ng dalaga.
"He's in love with Amyhan." Nigel spilled the bean.
"So what? Isn't that good? I want him to be happy. That's the reason why I came home."
"Talaga lang ha? Bakit kagabi umiiyak ka na naman?"
Hindi siya nakahuma dahil sa narinig. Saglit na dumaan ang katahimikan na binasag ng mahinang pag-iyak ni Cleoh. Sumandal na lamang siya sa haligi at pumikit.
"I love him so much, Nigel. I didn't know that it would hurt this much even though I made the right choice."
"Mahal ka ni Nimbuz, Cleoh. Alam mo iyan. Kailan pa naging tama ang desisyong ipamigay mo siya sa iba?"
"Hindi mo ako naintindihan. Maybe he loves me. Pero hindi gaya ng pagmamahal niya kay Amyhan. He is willing to break the rules just for that girl. Something he never did during our time together. With me, he's always been composed. Never got jealous with my male friends, even with my suitors."
Nagkuyom siya ng kamao. Cleoh's right. Their relationship was smooth-sailing. Masyadong perpekto. Lahat ng nakakainis na pakiramdam ay naranasan niya lang dahil kay Amyhan. Jealousy. Being possessive. The mess in his brain. The boiling of his blood. The riot within his cells. Extreme lust.
Kay Amyhan lang.
Minahal nga ba niya si Cleoh? Certainly, he loved her for the past five years. He cared for her more than anyone. He valued their time together. Siguro malaking ambag sa naging damdamin niya para rito ang awa noong simula. Pero naniniwala siyang pagmamahal ang kanyang nararamdaman para sa dating girlfriend.
She is kind and sweet. And she is pretty. Kahit kailan hindi niya inisip na magloko. Hindi niya naisip na ibaling sa iba ang kanyang pagtingin.
Ngunit ipinasok nito sa sistema niya si Amyhan. He was in constant denial at the beginning. Defending himself from unreasonable odds. Pero ang pag-ibig ay parang alon. Kapag tumatama sa bato ay naglilikha ng maraming daluyong. Kung lalaban ka ay lalo kang hihigupin papunta sa ilalim.
He has to decide. Sasabay ba siya sa agos at magpapatuloy sa pagkampay hanggang sa dalhin siya ng puso niya sa tamang destinasyon? O magmamatigas at hayaan ang sariling madurog at malunod.
Galing ng airport ay dumaan siya ng dorm at nagbihis bago tumuloy sa bahay ng mga Ludwig. Habang sakay ng taxi ay nag-rehearse na naman siya ng mga linyang panlaban sa kasungitan ni Amyhan.
"Ano na namang ginagawa mo rito?" gigil na dinaluhong siya agad ng dalaga at itinutulak palabas ng pinto.
Kasalukuyan itong gumagawa ng assignment nang dumating siya.
"Sasamahan kita. Hindi makakauwi ngayon si auntie," kalmado niyang pahayag.
Napahawak siya sa batok at bumagsak ang paningin sa maputi at makikinis nitong legs. She's wearing a denim shorts. Biglang nawalan ng laman ang utak niya. Nasaan na ba iyong pambungad niya sanang speech para sa dalaga?
"Hindi ko kailangan ng kasama. Sanay naman akong mag-isa rito. Umalis ka na!" naiirita nitong giit.
Sapilitang ibinalik niya ang mga mata sa galit nitong mukha. "You do realize none of it matters to me, don't you? Stop wasting your energy, Amy." Hinawakan niya ito sa magkabilang braso at itinulak patungo sa couch.
"Ayaw ko nga sa iyo!" bulyaw nito sa mukha niya at nakikipagtulakan pa sa kanya.
"Alam ko. Pero mahal kita."
"Hindi kita mahal!"
"You know, you're bad even at lying," he retorted gently.
Dumilim ng husto ang mukha nito. "Sino ka ba talaga, Nimbuz Vugenvilla? Anong kailangan mo sa akin?"
He blew a deep breath and looked at her intently. Memorizing the soft edges of her lovely face. "I'm sorry if I haven't introduced myself formally to you. Can we start all over again?" He offered his hand to her. "The name is Nimbuz Apollo Vugenvilla. I'm going twenty. I grew up abroad and studied at the Carlsbad International School in Karlovy Vary, west of Prague. I'm the eldest son of Edward Vugenvilla, the former Governor of Cebu Province, and Valerie Lastimosa, former municipal mayor of Alegria. I'm not a celebrity. In fact, there's just a handful of people who knew about me."
Hindi ito umimik habang nakatitig sa mukha niya. Inaarok kung nagsasabi siya ng totoo at halatang tinimbang sa sarili kung paniniwalaan siya o hindi.
"You're probably around eight years old during my parent's political reign. Hindi na muling sumabak ang aking mga magulang sa politika pagkatapos ng kanilang termino. They went abroad and stayed there until now." He continued, wondering if it makes sense because she doesn't seem interested at all.
Unti-unting lumambot ang mukha nito. "Ayaw ko pa rin sa iyo." Bagsak nitong tinalikuran siya. Binalikan ang ginagawang assignment.
Kahit negatibo pa rin ang sagot na iyon at walang dapat ikatuwa ngunit napangiti siyang parang sira. For him, her gesture was an indication of conceding from the arguments.
Naupo siya sa single sofa at tahimik itong pinanonood. Parehas silang napatingin ng dalaga sa pinto nang bulabugin ng sunod-sunod na katok, kasunod ang pagbalya niyon at si Mildred na tumambad sa kanila habang umiiyak.
"Ate Amy! Si auntie...si auntie po...p-patay na..."
BINABASA MO ANG
BEHIND HER EYES ✅
Teen FictionWhen her mother died, Amyhan Ludwig realized that being alone was not a comfort zone for her. Loneliness and the thought that no one was there is terrifying. She was scared but then forced to continue her life in a bombshell situation. Until Nimbuz...