He was dumbfounded.
She was shocked.
He can't look away from the striking sight.
She looked like being caught in an ambush.
Tangena! Nimbuz galaw! Gumalaw ka! He swallowed hard when he can't find his tongue back to break the silence. He was expecting Amyhan to scream like that in the movies.
But she remained awfully quiet. Turning deep red. Crushing him with too much guilt. Umabot hanggang sa dibdib nito ang pamumula. Pero mahinahon nitong pinulot ang tuwalya at ibinalot sa katawan kahit pa huli na para roon.
"Anong ginagawa mo rito, Nimbuz? Gabi na." Malamig nitong tanong at naglakad patungo sa closet.
Tumikhim siya. Still, can't take his eyes off her. What is happening? He's nineteen for Pete's sake. He's not innocent anymore. Seeing a naked girl is not new.
But whoever says this girl is plain should have their eyes checked. She's not the beauty queen type but she definitely isn't plain-looking.
Amyhan Ludwig has her own physical rendition. Artless yet refreshing. Hindi manipis ang mga kilay nito kaya hindi na kailangan ng eyebrows. Hindi rin malalantik ang pilik-mata pero makapal at mahahaba. She has the eyes of cats. Round with meek slits. Her nose is small but upturned. And thin red lips with cute little dimples on both corners.
She is not slim. She's sensually voluptuous. She is not tall either but she covers more ground the way she carries herself confidently than those girls taller than her.
"Hindi ka ba lalabas?" muli nitong baling sa kanya matapos kumuha ng pajamas na isusuot. "Pati sa pagbibihis ko gusto mong manood?" atake nito sa malditang tono.
"Sorry, I'll wait for you outside." Napahawak siya sa batok at agad tumalikod palabas ng kwarto.
Pagdating sa labas ay kagat-labing humarap siya sa dingding at i-uuntog na sana ang ulo roon nang marinig niya ang kalabog mula sa loob ng silid. Mabilis siyang napasilip.
Nakasalampak sa sahig si Amyhan habang nakasubsob sa mga palad. Umaangat-baba ang balikat nito sa malalim na paghinga na malamang ay kanina pa nito pinipigilan kasi naroon siya. Is she crying? Naalarma siya.
Gusto niya ulit pumasok pero tumayo na ito. Kinuyom niya ang mga kamao at nagtagis ng bagang. Humakbang siya palayo sa pintuan at bumalik sa sala.
This is not good. His body is convulsing. Kailangan niya yatang magbuhos ng isang baldeng tubig para mapahupa ang apoy na isinasabog ng kanyang laman.
Dinampot niya ang orange juice na kanina ay hindi niya pinansin at inisang lagok lang. Hindi man lang nakanti ng lamig ang delubyong nangyayari sa loob ng katawan niya.
Tangena, Nimbuz! Umayos ka!
This is pretty normal though. Pangongonsola niya sa sarili. He hadn't had a laid on a couple of months now. Nag-aalalang pinukol niya ng tingin ang kwarto ni Amyhan. Bumukas ang pintuan at lumabas ang dalaga. Balot na balot pero ang nakikita pa rin niya ay ang hitsura nito kanina. Anak ng talong. Ganito na ba siya karupok?
"Anong kailangan mo?" kaswal na usisa nito.
Kahit may kakaiba siyang nahimigan sa tono nito ngunit nanaig pa rin ang libog sa utak niya. Kailangan niya muna magpakalma. Sumenyas siyang iinom lang ng tubig at humarurot patungong kusina.
Pinili niya ang nagyeyelong bote ng mineral water sa loob ng refrigerator at inubos ang laman. Bwesit. Sasabog na yata ang pundilyo niya sa higpit.
He stayed there for a few minutes to cool down. Binalikan niya ang dalaga nang matiyak niyang kontrolado niya na ulit ang sarili.
"I came to ask for an apology. I got screwed this morning. I'm sorry, I should've asked you first about that guy." Huminga siya ng malalim.
"Nigel Tuadlez?" Umismid ito kasabay ang pagdilim ng mukha. "He told me you're friends. Bakit umaakto kang hindi mo siya kilala?"
"May sinabi pa ba siya bukod doon?" Talagang babaklasan niya ng mga buto sa katawan ang ulol na iyon.
"Marami. Sino si Cleoh?" Walang ligoy nitong tanong na unti-unting dumilim ang mukha.
Napamura na siya ng mahina. Para siyang minartilyo sa ulo.
"Maghiwalay na tayo, Nimbuz." Kasunod nitong pahayag at umiwas ng tingin sa kanya.
"You won't let me explain my side?" pagalit niyang angil. "Naniniwala ka agad sa lalaking iyon?"
"Cleoh is your ex-girlfriend. Mahal mo pa rin siya hanggang ngayon. Kaya ka umuwi rito para palipasin ang sakit. Alin doon ang hindi totoo, Vugenvilla?" matigas ang mukhang asik nito. "Hindi ako doctor para mapagaling ang sugat sa puso mo. Hindi rin ako libro na palipasan mo ng oras. Lalong hindi ako lapis na gagamitin mo lang kung hindi ka sigurado sa sagot."
"Amyhan-"
"Umalis ka na." Taboy nitong itinulak siya patungo sa pintuan.
"Kung si Nigel pinakinggan mo bakit ako hindi mo mabigyan ng pagkakataong depensahan ang aking sarili?" apila niyang hinawakan ang mga kamay nito.
Ngunit mabilis nitong hinablot ang mga iyon mula sa kanya. "Dahil mahal kita, Nimbuz. Kung makikinig ako sa iyo siguradong maniniwala na naman ako. Palalayain kita para mabalikan mo si Cleoh. May sakit siya hindi ba? Kailangan ka niya." Nang matantong hindi siya nito mapipilit umalis ay tinalikuran na lamang siya ng dalaga at tumakbo ito papuntang silid nito.
"Amyhan!"
This is supposed to be fine. He is supposed to be okay with it. Tiyak hindi na ipipilit ni Cleoh ang gusto nitong mangyari. Pero hindi iyon ang nararamdaman niya. He's upset. Frustrated more than he could ever imagine he's capable of. Ngayon lang siya nagagalit ng ganito sa buong buhay niya.
Sinundan niya si Amyhan sa kwarto nito ngunit pinahinto siya ng iyak na naririnig mula sa loob. Right, she didn't want him to see her crying that's why she tried her best to maintain a straight face while talking to him. Malamang ayaw nitong kaawaan niya.
Kinapa niya ang pinto. "Amyhan." Hirap ang loob niyang bulong.
He went out of the house but he didn't leave. He waited for Alwina while fixing some stupid thoughts in his brain. Ang sama-sama ng pakiramdam niya. Gusto niyang manakit. Magbasag ng panga at bungo ng tao.
Like the other night, he was a run-down. He couldn't sleep with Amyhan's crying ringing in his ears. The remorse was too much to bear, leading him to storm down the whole school the next morning searching for Nigel. Pero hindi niya mahanap ang gagong kaibigan. Nagpunta siya ng La Consolacion ngunit wala rin ito roon.
Si Amyhan ay hindi rin pumasok. Sabi ni Mildred na naghatid ng excuse letter ay nilagnat raw ang dalaga. Gusto niyang sumugod sa bahay nito pero nangamba siya na baka lalong lumala ang sakit nito kapag nakita siya.
BINABASA MO ANG
BEHIND HER EYES ✅
Teen FictionWhen her mother died, Amyhan Ludwig realized that being alone was not a comfort zone for her. Loneliness and the thought that no one was there is terrifying. She was scared but then forced to continue her life in a bombshell situation. Until Nimbuz...