c h a p t e r 3.

144 5 0
                                    

chapter 3.

Pietho's POV

"So kasasabi mo lang kanina, ilang daang taon ka na samin. How old are you now?" Takang tanong ni Sed habang titig na titig sakin. Mga bata talaga. Gustong gustong balikan ang mga nakaraan.

"Trust me, darling. Mas matanda pa ko sa lolo ng tatay ng tatay mo. Inabutan ko ang pagkalat ng henerasyon niyo." Umikot naman ang mata niya dahil sa sinabi ko. Halos hindi ko na rin matandaan kung kailan ba ang kaarawan ko. It's been a decade since Zeus throw me here. I can't even imagine na naabutan ko pa ang mga lolo nitong taong to.

"I've witnessed how Del Von spread. Naabutan ko ang unang unang batang Del Von." Agad agad siyang napa tingin saakin dahil sa sinabi ko. Halatang mas excited siya. Ganda ng kinang ng mata eh.

"H-how?" Takang saad nito sakin. I smiled and start the conversation. Better be na kilala niya ang ninuno niya. Ako ang nag palaki sa lola nila.

"Ako ang nag paanak sa lolo niyo. I was a doctor back then, ng mailabas ko ang bata, agad siyang pinangalangang Alexander Sidariò Daños Del Von, ang unang lolo mo. I've witnessed how Alexander grow. Magpahanggang magkagusto siya sa babae. Hiningi niya ang kamay ng anak kong si Sandra Cecilia. Don't you ever think na nag karoon talaga ako ng anak, batang Del Von. Inampon ko ang batang iyon, ang lola niyo. Inampon siya dahil walang mag papalaki sa kanya. Tsaka hindi ako pwedeng manganak ng mortal. Ikamamatay ko iyon.  Lumaki siyang malusog, mabait at maganda, of course. I'm a goddess, binigyan ko ng angking kagandahan ang lola niyo. Days past, months goes, years greets me. Inanunsyo ni Alexander ang kasal nila ni Sandra. Of course ako ang nag hatid sa anak ko sa altar. Lumipas ang ilang taon, nabalitaan kong manganganak na si Sandra ng lalaki. And I'm the only one who help your grandmother to gave birth to your dad's lolo. Alexander Sandy Devon Del Von. Siya ang dahilan kung bakit mayaman kayo ng kambal mo. Kilala siya bilang walang puso sa negosyo." Huminto ako ng saglit para tignan ang ekpresyon ni Sed. Seryoso lang siyang nakikinig sakin na para bang binabasahan ko siya ng bed time story. Nakaka aliw din ito eh.

"Kilala ka pa rin ba ng lolo ni dad?" Tumango ako bilang pag sangayon. Natatandaan ko pa kung paano matakot saakin ang lolo nila.

"I still can reminiscing how your lolo scared of me. Takot siya sakin, and I don't know why. Maybe because napansin niyang hindi ako tumatanda at mukhang magka edad lang kaming dalawa o baka kasi mas mukha pa akong bata kesa sa kanya. Nahihiya nga siya sakin dahil hindi niya din ako matawag tawag na lola sa harap ng maraming tao. Ang alam nila ay mag nobyo kami ng lolo mo. Hindi niya ako masagot ng pabalang, para bang mistula siyang bumalik sa pagka bata tuwing nakikita niya ako. Lagi siyang napipipi tuwing kausap ako. Until there's this day na nag request saakin ang anak kong si Sandra na gusto niya na daw magka apo, dahil may nararamdaman na daw siya. I insisted to cure her and let her live long with you, but she don't want it. So ang ginawa ko ay gumawa ako ng batang babae. Nananalaytay sa dugo ng batang iyon ang dugo ko, ngunit hindi kasama ang pagiging goddess. Mortal parin iyon. Mayroon siyang gandang walang maka hihigit sino man. At nakuha niya ang madamot na mata ng lolo niyo. He fell so hard sa nilikha ko. Ang ipinag kaiba nga lang ay hindi marunong maka ramdam ng emosyon ang likha ko. But she can gave birth to a human. At iyon ang nangyari.

Pietho's Last Mission "Goddess Of Seduction" (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon