Narration
"O syems mag sisimula na pala ang laro" Sabi ni Astrid sa Kanyang kaibigang si Haizel habang sila ay nagmamadaling naglalakad patungo sa Bleachers
Pinagmasdan ni Astrid Si xiaojun na super hot right now, pede nang ulamin sa hapunan
So ayun Cheer lang ng cheer si Astrid at Si haizel para sa way v
Ng matapos ang laro dali daling bumaba ng bleachers si Astrid para abutan ng Tubig si Xiaojun na pawisan pero napatigil sya ng makitang naunahan sya ni Jane haliparot este Jane Huang at inabutan ng tubig si Xiaojun
Habang si Astrid naman nanatili sa pwesto nya at malungkot na pinagmamasdan Si xiaojun at Jane
Tatalikod na sana sya kaso may tumawag sa pangalan nya
"Astrid" NAkangiting lumingon si Astrid pero napawi rin kasi si Hendery pala iyong tumawag sakanya at hindi si bb Xiaojun nya
Napansin nyang pawisan si Hendery kaya pinunasan nya ang Pawis ni Hendery sa bandang ibaba choss
Syempre sa noo
"Grabeng pawis zer, nga pala congrats" Sabi ni Astrid habang pinupunasan ang pawis ni Hendery
"Xiexie Astrid" Sabi ni Hendery at ngumiti
Pupunasan na sana ni Asteid ang bandang leeg ni Hendery kaso biglang dumaan sa gitna nila si Xiaojun at dinanggi si Astrid ng malakas
"Aray naman" Reklamo ni Astrid at nilingon si Xiaojun na diretsong naglalakad paalis
"Ah sige eto Hendery panyo at tubig byeee" Nagmamadaling sabi ni Astrid at dali daling hinabol si Xiaojun
Sumabay sya sa paglalakad ni Xiaojun
"Ni hao " Nakangiting bati ni Astrid
Hindi sya pinansin ni Xiaojun at naglakad lang ng seryoso
"Anong problema mo? Bat dimo ako pinapansin.. Ay oo nga pala hindi mo pala talaga ako pinapansin hahaha" Sabi ni Astrid
Mayamaya biglang natapilok si Astrid at bigla naman syang inalalayan ni Xiaojun
"Tsk di tumitingin sa dinadaanan" Masungit na ani Xiaojun at inalalayan si Astrid na tumayo
"Sorry naman po, sayo lang kasi ako nakatingin" Saad naman ni Astrid
Umiwas nalang ng tingin si Xiaojun
Tinatahak nila ang daan patungo sa Labas ng School na ginanapan ng laro
"Hoy ate!" Pagtawag ni Yangyang kay Astrid
Napalingon naman si Astrid at nakita ang kanyang kapatid
"Tara na! Oy ano yan Xiaojun Hyung?!"
"Wala" Sagot ni Xiaojun at nauna nang maglakad
"Hephep atee ako dapat ang sabayan mo kasi ako ang kapatid mo" Pagpigil ni Yangyang kay Astrid kasi susundan sana ni Astrid si Xiaojun
Napasimangot nalang si Astrid at sinabayan ang kapatid sa pag uwi
Nagtataka din sya kung bakit parang bad mood si Xiaojun kanina..
BINABASA MO ANG
Hoy Sungit
Fanfiction❝ 𝐀𝐥𝐚𝐦 𝐦𝐨 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐭 𝐦𝐚𝐬𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐤𝐚, 𝐜𝐫𝐮𝐬𝐡 𝐩𝐚𝐫𝐢𝐧 𝐤𝐢𝐭𝐚 ❞ Xiao dejun WAYV SERIES#1 01.29.20-03.19.20