A

1.9K 47 3
                                    

(PART 1 of 4)

♪♬Bang bang into the room (I know you want it) Bang bang all over you (I'll let you have it)♪♬

Kasabay ng tugtog, ay indak ng aking katawan.

Lambot ng katawan, sipa ng paa, talon then bend the knees.

♪♬Wait a minute let me take you there (ah) Wait a minute 'til ya (ah) Bang bang there goes your heart (I know you want it)♪♬

Balik ulit sa step number 1. Paulit ulit lang naman to. Pero kailangang gandahan ang pag execute ng mga steps. Para mas maganda ang dating.

Ako pala si Alyssa..not Alyssa Valdez but Alyssa Monteclaro. 2nd year student ng Far Eastern University. Nagpa-practice kasi ako ng sayaw ngayon. May sasalihan kasi akong dance contest sa aming Barangay. Samsung tablet kasi ang premyo eh kaya sumali ako. Ang tagal ko nang gustong magkaroon nun.

Kaya talagang pag-iigihan ko ang pagpa-practice para ako ang manalo.

♪♬Back, back seat of my car (I'll let you have it) Wait a minute let me take you there (ah) Wait a min-♪♬

Napahinto naman ako sa pagsasayaw nang biglang huminto ang tugtog.

"Tama na yan," inis nyang sabi.

Tiningnan ko naman sya ng masama.

"Ano na naman bang problema mo?" Pagalit kong tanong.

"Kanina ka pa sayaw ng sayaw dyan eh. Wala ka bang balak magpahinga?"

Napabuntong hininga na lamang ako.

Lumapit ako sa DVD Player para muling patugtugin ang sinasayaw ko.

"Subukan mong patugtugin yan, babasagin ko talaga yang DVD Player na yan," banta nya sa akin.

"Arrrggg!!!"

Lumapit ako sa kanya at hinablot ang isang bimpo na pampunas ko ng aking pawis.

Sya naman si Marvin, boyfriend ko. Ang pinaka killjoy kong boyfriend. Ayaw kasi nyang nagsasayaw ako. Ewan ko ba naman sa kanya kung bakit.

Dati pa nga akong kasali sa isang dance group eh kaya lang gusto ni Marvin na umalis ako sa grupo.

Lagi naming pinag-aawayan yun kaya umalis nalang ako sa grupo ko. Kaysa naman maging dahilan pa yun ng paghihiwalay namin. Kahit ganyan yang boyfriend ko, mahal ko pa din sya noh. Actually dalawang taon na kami ni Marvin, pero until now hindi pa rin nya maintindihan na mahal ko talaga ang pagsasayaw.

Rakista sya tapos dancer naman ako. O diba perfect combination?

Lumapit sa akin si Marvin at pinunasan ang pawis ko sa noo.

Tiningnan ko naman sya ng masama. Nakakainis kasi eh, lagi nalang nya akong pinipigilan sa gusto kong gawin.

"Tumigil ka na ha, bukas ka na ulit mag-practice," seryoso nyang sabi.

Tinabig ko naman ang kamay nya na nakahawak sa pisngi ko para iparamdam sa kanya na galit ako.

"Bakit galit ka?" Tanong nya.

"Tsk...Marvin naman! Alam mo naman na sa Sabado na ang dance contest," inis kong sabi.

"Pumayag na ba ako na sumali ka dyan sa Dance Contest na yan?"

"Arrrgg!!! Nakakainis ka naman eh. Bakit mo ba pinipigilan ang pagsali ko?"

"Wala ka namang mapapala dyan eh."

"GUSTO KO NGA SABI MAKUHA YUNG SAMSUNG TABLET!" Sigaw ko.

Nagkamot ulo lang sya at agad na umupo sa isang tabi. Hinawakan nya ang kanyang gitara at pinatugtog ito.

OPPOSITES ATTRACT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon