D

886 53 15
                                        

(PART 4 of 4)

Sabado na!

Makukuha ko na ang premyong Samsung Tablet. Sure ako na ako ang mananalo noh. Ang galing ko kayang sumayaw.

Pero siguradong magagaling din ang mga kalaban ko. Baka di ako manalo.

Hindi pala ako sure, mga nasa 60 percent lang pala.

"ATE!! BILSAN MO NAMAN!" Sigaw ko.

Ang tagal kasi ni ate sa loob ng banyo, mag iisang oras na ata syang naliligo.

Ilang saglit lang ay lumabas na si ate ng banyo.

"Hindi ka ba makapaghintay?" Mataray nyang sabi sa akin.

"Alam mo naman na may lakad ako diba?" Inis ko ring sabi.

"Saan ka naman pupunta?"

"Ngayon kaya ang solo dance contest sa barangay."

"Dance contest? Eh diba ayaw ni Marvin na sasali ka dyan?"

"Wala akong pakialam. Basta sasali ako."

"Isusumbong kita kay Marvin."

"Edi isumbong mo. Haler! Break na kaya kami."

Napakunot noo naman si ate sa sinabi ko.

"Alam mo Alyssa, napaka dami mong arte sa buhay. Pag iniwanan ka nyan ni Marvin, wag kang iiyak iyak ha."

Hindi naman na ako sumagot sa sinabi ni ate.

Hindi ako natatakot. As if naman na kaya akong iwan ni Marvin. Eh baka nga ikamatay nya pag sya ang iniwan ko eh.

-FLASHBACK-

"PAG UMALIS KA, BREAK NA TAYO!"

"Bahala ka sa buhay mo."

-END OF FLASHBACK-

Hala. Kaya ata ni Marvin na iwan ako. Natakot tuloy ako bigla.

Pero tiwala lang. Hindi nya magagawa sa akin yun. Mahal na mahal ako nun eh.

Agad na akong pumasok sa banyo para maligo.

.

.

.

.

RING RING RING

INCOMING CALL: MARVIN

*reject call

RING RING RING

INCOMING CALL: MARVIN

*reject call

Akala ba nya nakalimutan ko na yung ginawa nya.

Nag walk-out sya nung nakaraan, tapos kahapon iniwan nya ako sa school, tapos binlock nya ako kagabi sa facebook.

Nagpatong patong na ang mga kasalanan nya sa akin tapos hindi nya man lang magawang mag sorry sa akin.

Is it hard to say sorry ba talaga? Kanta lang kaya yun.

Ah basta. Hindi ko sya papansinin hanggat hindi sya nagsosorry. Paulit ulit nalang nyang ginagawa eh. Gusto ko lang na ma-realize nya ang kamalian nya.

Pero bakit di na sya tumawag?

Kainis. Hindi ko talaga sya matiis.

*DIAL MARVIN's NUMBER

CALLING MARVIN...

[Hello.]

"Bakit ka tumawag?" Tanong ko.

OPPOSITES ATTRACT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon