B

743 33 3
                                        

(PART 2 of 4)

"Masakit pa ba?" Tanong sa akin ni Mama.

"Hindi na po," sagot ko naman.

Katatapos lang kasing hilutin ng mangkukulam ang paa ko.

"Pahiran mo lang yan lagi ng langis na binigay ko para mawala agad ang maga," sabi ng mangkukulam.

Binigay naman sa akin ni Mama ang langis na binigay ng mangkukulam.

Ano ba to? Langis ba to o grasa? Bakit kulay itim. Baka lalong mamaga pa ang paa ko dito eh.

"Sige na, aalis na ako. Sundin mo ang mga sinabi ko," sabi pa ng mangkukulam at agad na syang umalis.

"Saan nyo ba nakuha ang mangkukulam na yun?" Tanong ko.

Agad naman akong binatukan ni Mama. Masakit yun ah.

"Hindi mangkukulam yun," pagalit na sabi ni Mama.

"Eh ano sya? Doctora?"

"Manghihilot sya."

"Ahehe...oo nga pala. Manghihilot nga pala ang tawag dun, nakalimutan ko."

Malay ko ba. Feeling ko kasi basta mga matanda na nanggagamot, mangkukulam na eh.

"Dyan ka na muna Alyssa, magluluto na ako sa baba," sabi ni Mama.

"Ma...wag mong sasabihin kay Mavin na napilayan ako ha," banggit ko.

Halos lumuwa naman ang mata ko nang biglang lumitaw si Marvin sa likod ni Mama.

Napailing nalang si Mama at agad nang umalis.

Ang sama ng tingin sa akin ni Marvin.

LAGOT NA!

"Ahehe...Hi Mahal Ko...kamusta?" Banggit ko.

"DIBA SINABI KO NA KASI SAYO NA WAG KA NANG SASAYAW!" Sigaw ni Marvin.

.

.

.

.

"Aray Marvin...dahan dahan," banggit ko.

"Tiisin mo lang," sagot naman nya.

Baka kung ano ang isipin nyo ha. Hinihilot lang ni Marvin ang paa ko.

Bumili pa nga sya ng efficascent oil kasi wala daw syang tiwala dun sa binigay na langis ng mangkukulam este manghihilot.

Matapos hilutin ni Marvin ang paa ko ay umupo sya sa gilid ng kama.

Bumangon ako at umupo sa tabi nya.

Tumingin naman sya sa akin at agad ko syang niyakap.

Pero bigla naman syang tumayo at lumapit sa bintana.

Galit ba sya?

"Anong problema mo?" Inis kong tanong.

Hindi naman sya sumagot at hindi rin ako nilingon. Nakatingin lang sya sa labas ng bintana.

"Hoy Marvin!"

Pero hindi pa rin sya sumasagot.

Kinuha ko ang tsinelas ko at ibinato iyon sa ulo nya.

Agad naman syang lumingon sa akin at tiningnan ako ng masama.

"PWEDE BA PAG KINAKAUSAP KITA, SUMAGOT KA!" Sigaw ko.

"Bakit ikaw pa ang nagagalit? Ako nga ang dapat na nagagalit sayo diba?" Sabi naman nya.

"Hindi ko naman sinasadyang matapilok eh."

OPPOSITES ATTRACT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon