"Jaidah gurl! Ito oh suotin mo to Tiii! Naku po tutulo laway ng mga yun kapag nakita ka. Magkakalablayp ka pa gurl!" Napaawang ang bibig ko ng makita ang isang black tube at isang maiksing shorts, oh scratch that! Di sya mukhang shorts panty na sya, jusko po.
"Ate Cass, reunion pupuntahan ko ha? Hindi club ate ok? Mariang ina, kalokohan mo talaga oo. Maligo kana nga dun baho baho mo na." Pagtaboy ko dito pero andyan na naman yung irap irap nya, hay naku konting konti nalang magiging babaeng irap na sya. Nagmaktol lang to at kinuha yung tuwalya ko at tsaka itinapon sakin. Walang ano-ano'y itinulak ako sa loob ng CR. Ay! Sapilitan pala to ano po? Imbyerna!
"Alam ko iniisip mo Jaidah, wag ka ng magmaktol dyan. Pabor sayo to." Aniya nito mula sa labas, kaya napalingon ako sa pinto. Anong kapabor pabor nito sa akin? Ang aga aga pa oh, hindi ako malelate sa pisting reunion na yun.
"At ano naman ang kapabor pabor dito aber? Mamaya pa ang reunion, ano to? Unang una? Excited ako ganun?" Bulyaw ko dito at rinig ko naman ang bungisngis nya mula sa labas. Tss! Kunin nyo na po sya lord ngayon din.
"Baliw! Alam mong matagal ako maligo at mas lalo na ikaw, pag pinauna mo ko at sumunod ka malelate ka talaga. Plus wala naman akong lakad and plus, mas tatagal pa paliligo mo kase te, day dream na naman tayo diba? Hahahaha. Ligo well Jaids!" Tatawang tugon nito at ramdam ko naman ang pag-alis nito. Sabagay tama sya, laging lumilipad ang isip ko kaya lagi akong napapagalitan at sanhi din to ng pagiging late ko minsan. Speaking off, naalala ko nung high school nalate ako ng tuluyan dahil sa kaka-day dream ko noon, kingina! Naalala ko pa paano akong pagalitan ni Sir Guidance hahahaha leche ..
"Jaidah Luna Ferrer! Anong oras na?! Ano bang ginagawa mo sa CR at ang tagal tagal mong bata ka, quarter to 7 na oh! Maglalakad ka pa, dahil wala ng tricycle ngayon. Bat di ka gumaya kay Nicolie? Ang aga umalis?" Sigaw ni Mama mula sa labas ng CR, dali dali naman akong lumabas at isinuot ang damit na nakalatag sa kama ko. Oh no! Sanofmabetch ka Jaidah, oo naman oo! Late na kooooooo! Tss si Chen kase eh pinuyat ako.
"At sinisi mo pa talaga sya Jaidah?" Nasabi ko nalamang sa sarili at napahawak naman ako sa dibdib ko sa gulat ng biglang pumasok si Mama sa loob ng kwarto.
"At sino naman ang kausap mo? Naku ka Jaidah! Tigil tigilan mo ang pagkausap sa sarili mo ah, baka magaya ka kay Esme at ayan na naman sa labas oh pasayaw sayaw ang loka." Naituro na lamang ni Mama ang ngayon ay nagsasasayaw na Esme sa labas ng bakuran namin. Nakakaawa talaga si aling Esme, matalino pa naman to. Kung hindi lang talaga nabaliw sa pag-ibig to naku po mas matalino pa to kay Einstein, jokes only hehe. Pero mas nakakaawa si Cassy, di sya makapasok minsan dahil kay aling Esme, balita ko nga'y nang dahil sa pag-aalaga nya dito nalate sya ng dalwang taon sa high school dahil kailangan nyang huminto para mas mabantayan ang mama nya, buti nalang at sobrang tatag nya sa kabila ng hirap nagawa nya pang makatuntong ng 4th yr. at buti nalang nagawa nyang hanapin ang Papa nya, ang Papa nyang mayaman pala at ngayo'y pinapadalhan sila ng pera at ng magbabantay sa mama nya, ang kaso hanggang doon lang ang kaya nitong gawin.
"Hoy!" Suway ni mama sa diwa kong napadpad na naman sa kung saan, napasapo nalang ako sa noo kong pinitik nya.
"Abay pumanhik kana kung ayaw mong ako ang kumaladkad sayo papuntang eskwelahan mo?" Bulyaw nito sa pagmumukha ko.
"Mama naman ih! Ang sakit sakit kaya." Pagdadabog ko dito habang sinusukbit ang bag ko. Nakahalukipkip lang akong tinaasan ng kilay ni Mama tsaka itiniboy papalabas ng bahay.
"Daming dada Jaidah, panhik na! Kahit anong gawin mo late kana. Wag kang iiyak iyak sakin pag-uwi mo at sasabihing 'Mama ang itim itim ko na, bilhan mo kong lotion' leche ka! Alis na!" Pagtataboy ni Mama sa akin at tsaka ako pinagdabugan ng pinto, aba! Taas nung attitude ni Mama langit na langit, buset! At dahil alam ko namang malelate ako edi sinulit ko na diba? Hindi ako naglakad ng mabilis, lakad prinsesa lang tayo, namnamin natin ang bitamina ng inang araw. Sarap ng simoy ng hangin, ganito din kaya kasarap ang hangin sa syodad? Sarap na sarap na ako sa pagsinghot ng inang kalikasan ng biglang may humarurot na motor na sanhi para maalikabukan ako. Mariang ina! Naman oo! Sinong mayaman ang may gawa nito? Hayup! Napatigil sa di kalayuaan ang motor at tinakbo ko talaga to para awayin, aba syempre kabastusan yung ginawa nya eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/214079350-288-k81b1dd.jpg)
YOU ARE READING
Way Back 1999
Teen FictionJaidah was this silent girl, mahilig mag day dream, matalino, mabait at higit sa lahat isang invisible sa paningin ng lahat. She thought that her life would be as plain as what she think she looks like but she's wrong, there this transferee na kabal...