"Hey! Gumising kana dyan baklang Jaidah! Hooooooy! Gisiiiiiiing!" Dinig kong sigaw ni Ate Cassy sa baba habang sinisipa sipa ang higaan ko. Buti nalang at matibay tong double deck na to dahil kung hindi, kanina pa sya natabunan ng higaan kasama ako.
"Ito na ito na, manahimik kana dyan." Bulyaw ko dito at pagkababa ko ay agad akong sinimangutan nito. Ang aga aga busangot agad ang mukha, ano na naman kaya ang problema nito?
"Problema mo te? Meron ka?" Tanong ko dito pero inirapan lang ako ng walang hiya. Wag ako, nananabunot ang bagong gising, wag talaga akong subukan. Naka-cross arm parin sya at nakataas ang kilay, maya't maya pa ay inilahad nya ang kamay nya na animo may kailangan akong ilagay dito agad kung makalahad ng palad nya.
"What?! Ano bang kailangan mo? Pagkain? Wala ko nun, magsasaing pa ko mahal na reyna." Aniya ko dito at yumuko ngunit bago ko pa man din maiangat ang ulo ko ay binatukan na ako nito. Abay oo nga naman oo! Pigilan ako, ililibing ko 'to!
"Aray naman! Problema mo?" Pagmamaktol ko sa harapan nya at inirapan lang ako nito ulit? Ano ba magagawa ng pag iirap irap nya? Malalaman ko ba kailangan nya pag nag-irap irap sya? Jusko po.
"May bunganga ka te, uso mag salita." Pagtataray ko din sa kanya at ayun nga nagsimula na syang magsermon.
"Anak ka ng ina mo Jaidah! Hay Jaidah, Jaidah, asan na ang malambing kong Jaidah? Shuta ka! Yung last chapter at epilogue inday wala ka pang napapasa, anong petsa na oh! Ano to lagpas deadline na naman tayo? Zombie na naman tayo neto? Ano po?" Nakapameywang na usal nito sa pagmumukha ko at taas kilay na tinignan ako. Napasapo ako sa ulo ko at napaupo bigla sa higaan nya. Anak ng! Letse! Letse talaga, matatapos ko na yung ending eh kaso ugh!
"Matapos mong malaman na magkakaroon ng reunion nagkaganyan kana, anong meron sa reunion na yun? Andun ba sya?" Natigilan ako bigla sa ginagawa ko at mas naiyuko pa ang sarili ko. She got me there! Napabuntong hininga nalamang ako ng napakalalim at saka sya tinignan muli, gusto kong magsalita ngunit di ko alam kung san napadpad yung dila ko. Bigla syang tumabi sa akin at tsaka hinimas ang likod ko.
"You don't have to go Jaidah, you don't have to--" I cut her off. Ayoko ng marinig ang susunod nya pang sasabihin, I know that she'll just ask me not to come kung di ko talaga kaya, ang kaso pag di ako pumunta paano ko masasabi sa sarili kong kaya ko na? Ugh I hate this feeling.
"No! I have to." Mutawi ko sa kanya at dirediretso kong tinungo ang laptop ko at nagsimula ng tapusin ang dapat ay kahapon ko pang tinapos na chapter ng isinusulat kong libro. Ramdam ko namang naglakad na sya papunta sa mumunting kusina namin at nagsimula ng magluto. Muli akong napabuntohininga at nagsimula ng magtype, hindi ko mapigilan ang mapaisip, at mas lalong di ko mapigilang maalala yung nakaraan, ganito kaaliwalas nung araw na yun, nung araw na ...
Kring kring kring
"Hala ka late na ako. Kailangan kong bilisan." Habang tinutungo ang daan papunta sa pilahan para sa paparating na flag ceremony ay biglang nagtilapon ang gamit ko dahil may isang babaeng bumangga sa akin.
"Tss! Tatanga tanga kase. Tabe!" Sumbat nito at wala naman akong nagawa kung hindi pulutin ang mga gamit ko. Hay naku mabibilad ako nito sa araw mamaya, jusko po, inaalagaan ko pa naman itong balat ko ito na nga lang maganda sa akin eh. Nag dadramang sabi ko sa sarili ko ng biglang may mga kamay na pumulot sa iilang gamit ko sa malayo. Pagpalain ka babaeng bumangga sa akin, may adonis na tumutulong sa akin ngayon.
"Here! Be careful next time." Aniya nito at nginitian ako, oh puso kumalma ka!
"S-salamat." Pagpapasalamat ko dito tsaka nakisabay maglakad sa kanya, eh bakit hindi diba? Pareho lang naman kami ng pupuntahan, bwahahaha Jaidah, Jaidah ang haba haba ng buhok mo ikaw na ang bagong rapunzel kaso kulot nyahaha.
YOU ARE READING
Way Back 1999
Подростковая литератураJaidah was this silent girl, mahilig mag day dream, matalino, mabait at higit sa lahat isang invisible sa paningin ng lahat. She thought that her life would be as plain as what she think she looks like but she's wrong, there this transferee na kabal...