I'm In Love With A Heartbroken Stranger

2 0 0
                                    


Pag-ibig?


Naramdaman ko na yan.


Kaso ngalang, sa maling tao ko pa ibinigay.


Pero its okay!

Past is past.

By the way nandito nga pala kami sa van ng kaibigan kong si Angelica.


Papunta kami ngayon sa Batangas para magbakasyon doon.


Total Christmas break na namin.

Napagdesisyonan kasi naming magbabarkada na mag out of town muna para iwas stress sa project na iniwan ng bakulaw na baklang teacher namin sa Physics.

Kayo kaya!

Bigyan kayo ng project na nakakagago.

Project na pinangalanan niyang 'In Love At First Sight'.

PSH. =__=

Lakas tama nang bakla na yon.

"Hey Nadz!" agad akong nabalik sa realidad ng tapikin ni Gelay (Angelica) ang braso ko.

"A-ah..may sinasabi ka Gel?" I asked then give her my sweetest smile.

"Natulala ka kasi eh. Iniisip mo parin ang gago mong ex?" Tanong niya.

Umayos muna ako ng upo tsaka tumingin sa labas ng van.

"No." I said then give a heavy sigh.

"Okay! Mabuti na 'yong sigurado." sabi niya.

Hindi na ako lumingon pa sa kanya. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko.

______

"Nadz! Nadz!" naalimpungatan ako ng may yumuyogyog sa akin.

Ibinuka ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Samuel na nakabungisngis.

Nanlalaki ang mata kong tinulak siya at bumaba ng van.

"Woah! Chill lang Bernadette!" nakangising wika niya.

"Psh." agad ko siyang tinalikuran at naglakad na papasok ng bahay pero bago ako makapasok ng pinto nahagip ng mata ko yung isang lalaki na naka upo malapit sa poste na malapit sa bahay namin.

Huminto muna ako saglit at tinitigan siya.

Naramdaman kong mayroong umakbay sa akin kaya tinignan ko ang pangahas na tao na'yon.

"Tara! pasok na tayo." saad ni Sander kaya naglakad na ako papasok.

******

"Tara Nadz! Gala tayo!" narinig kong sigaw ni Gelay tsaka hinablot ang kumot ko.

"Bangon na sleepy head!" rinig ko namang sabi ni Samuel tsaka nito ginulo ang buhok ko.

"Oo na!" walang ganang sagot ko bago bumangon na nakabusangot.

Naglakad ako papunta sa cr matapos kong kunin ang tuwalya.

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now