Kabanata 2
Maniningil
ANG ganda-ganda mo talaga.
Hindi maiwasang mapahagikhik ni Tempest nang mabasa ang chat ng kausap niyang si Dash.
You're really good in tagalog huh.
Tipa naman niya ng reply. Natutuwa siya't mahigit isang linggo na silang nag-uusap ng binatang ka-chat pero ni minsan ay hindi pa siya nito binabastos. Well paminsan-minsan, nagiging naughty din.
Tama nga si Chona na makakahanap din siya ng matino sa mga dating sites.
Nakagaanan niya rin ito ng loob dahil marunong din itong magtagalog. Ani Dash sa kanya ay nag-stay din ito ng halos dalawang taon sa bansa dahil sa nobyang pinay pero nauwi lang din sa hiwalayan.
Si Dash ay may lahing briton kaya naman agad itong natipuhan ni Tempest lalo na nang mag-video call silang dalawa dahil sa accent nito. Sa una'y nahihiya siya pero dahil funny guy ito, agad na niya itong nakalagayan ng loob.
I really want to see you already in person, Beautiful.
Hindi na niya napigilan at tuluyan na siyang napatili. Nagpagulong-gulong siya sa katre kaya ang resulta ay nahulog siya mula dito.
"A-aray," daing niya.
Sakto namang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at sumilip ang nanay niya. "Anong nangyari sa 'yo?"
"K-kinilig ho kay Dash, Nay- kaya ang resulta--nahulog sa katre."
Hindi naman lingid sa Nanay niya ang tungkol sa binata. Wala naman talaga siyang planong paalamin sa una ang tungkol kay Dash kaya lang ay nangulit na naman ito kung kaylan siya mag-aasawa kaya naging no choice siya at nasabi na dito ang tungkol sa huli.
Sa una'y hindi sangayon ang nanay niya sa mga ibang lahi dahil baka bastusin daw siya nito. Pero sinabihan niyang magtiwala lang sa kanya at hindi naman siya inaano ni Dash kaya napanatag na rin ito.
Napailing ang kanyang nanay. "Saka ka na kiligin d'yan kapag pinuntahan ka na n'yan dito. Basta 'yung sinasabi ko sa 'yo ha? Mag-asawa ka na. Aba'y malapit ka nang mawala sa kalendaryo."
Ngumiwi siya. Oo na. Di na dapat pang ipaalala na hindi na siya bumabata pa.
"Relax lang kayo d'yan, Nay. Dadating din tayo d'yan." Hinawakan niya ang kanyang balakang dahil iyon talaga ang mas napuruhan.
"Oo na. Sumunod ka na sa 'kin sa hapag at nang makakain ka na. Ikaw ba'y walang pasok?"
"Anong oras na ba--" Nanlaki ang mata niya nang makitang alas syete na. Shit! Paniguradong late na naman siya nito sa trabaho!
Kay dali lang ng oras at hindi niya ito napansin. Kaning five am sila nag-umpisang mag-usap ni Dash, pero heto't male-late na naman siya.
Isa siyang sales account executive sa kompanyang pinapasukan niya. Hindi naman kalayuan ang opisina. Ang totoo nga n'yan ay kalahating oras lang ang byahe, panigurado nandun na siya. Pero dahil baka ma-stuck siya sa traffic, baka abutin na siya ng halos isang oras nito. T'yak na sermon na naman ang aabutin niya sa kanyang senior manager lalo na't malapit nang mag end of the month. 'Yung mga qouta, dapat maihabol ang deadline nun. Kaya minsan, stress din siya sa trabaho at may mga kliyenteng super demanding ang tema.
Minadali niya ang pagsubo ng pagkain at baka sobrang haba na ng pila sa FX.
"Alam mo naman kasing hindi na mawawala ang traffic dito sa Maynila, inuna mo pa iyang pakikipag-chat mo. Pwede namang mamaya."
BINABASA MO ANG
MY ASMR BOYFRIEND
General FictionSinunod lang naman ni Tempest Magalona ang payo ng kaibigan na makipag-chat sa mga online dating sites dahil sa paulit-ulit na tanong ng kanyang magulang kung kaylan siya mag-aasawa. One of her chatmate asked kung anong klaseng halik ba ang alam ni...