Kabanata 4

5K 216 19
                                    

Kabanata 4

Pagtyagaan

"YOU'RE with me now. You're safe now. Sleep baby."

Matamis ang ngiting iginawad ni Tempest bago unti-unting pinikit ang mata. Pasado alas dose na at kanina niya pa sinusubukang matulog pero hindi siya magawang dalawin ng antok. But when she tried to listen to her ASMR boyfriend, she felt relaxed hanggang sa bumigat ang talukap ng mata niya.

Naging ganun ang routine niya kada gabi; makikinig sa mga ASMR hanggang sa dalawin siya ng antok. Hindi niya rin namamalayang nagiging adik na siya dito dahil pakiramdam niya'y may maalaga talaga siyang nobyo sa mga naririnig na ASMR.

His husky voice that gave tingling sensation on her body that made her hot all over lalo na kapag pumapapinlang sa earphone niya ang tunog na tila hinahalikan siya nito. At ang malambing na boses na tila hinahalina siya.

How she wish, she really know him-the voice behind the ASMR she was listening everynight.

"Good night, my ASMR boyfriend."

***

MAGANDA ang gising ni Tempest kinabukasan.  Bukod sa nagkaroon siya ng ilang minutong oras sa kanyang ASMR boyfriend ay paniguradong hindi rin siya male-late sa trabaho kahit late na siyang natulog kagabi.

"Maganda pa ako sa umaga, Nay, Tay!" bati niya sa magulang.

"Magandang umaga, anak. Mukhang maganda ang gising mo ngayon, ah?"

Malawak siyang ngumiti sa ama baga pumwesto sa hapag. "Siyempre, sahod namin ngayon. Nga pala nay--" baling niya sa ina. "Jingin ko muna 'yung reseta ng gamot ninyo ni tatay at dadaan akong botika mamaya," aniya.

Totoo namang maganda ang bungad ng umaga sa kanya dahil sahod mamaya pero bukod pa dun ay pakiramdam niya'y inspire na inspire siya.

Excited siyang gumabi ulit at makinig sa ASMR boyfriend niya.

Umiling ang kanyang nanay. "'Wag na anak. Nagpadala pa lang kahapon ang kuya mo. Itabi mo na lang iyang pera mo at kakailanganin mo iyan sa pagbuo mo ng pamilya."

Bukod kay Tempest ay may isa pa siyang kapatid na nagsusustento sa mga magulang niya.  Isa itong engineer sa kuwait kaya medyo may kalakihan din ang sahod. Kahit may asawa't anak na ang kanyang kuya ay hindi pa rin ito nakakalimot sa kanila.

Napangiwi si Tempest. "Bakit Nay? Ako ba ang bubuhay sa mapapangasawa ko?"

Kinilabutan siya nang biglang maisip si Danger. Ano ba naman ito. Sa dami ng pwedeng maisip na lalake, 'yung sigang-barumbado na tambay pa na si Dan.

"Hindi sa ganun. Mas mabuti pa rin iyong may sarili kang pera. 'Wag ka na lang mag-asawa kung ang makakatuluyan mo lang naman pala ay iyong siga at tambay d'yan sa kanto. Iyong mga basagulero.  Mag madre ka na lang kung ganun."

Kahit hindi sabihin ay mukhang pareho sila ng naiisip ng kanyang nanay lalo na't kalat na din sa lugar nila na nanliligaw sa kanya si Danger. Kahit hindi naman totoo.

Kasalanan itong lahat ni Baldo eh! Kung hindi lang ito maypagka-chismoso di sana hindi nadagdagan ang haters niya!

Nakakainis lang kasi sa tuwang lumalabas siya ay wala nang tigil sa bulungan ang mga babaeng may gusto kay Dan.

Ang kakapal ng mga mukha pag-usapan siya! Mga walang magawa sa buhay!

"Don't worry, Nay,Tay--" Tumayo siya at tinapik sa mga balikat ang magulang. "Magiging buhay reyna ako sa piling ng mapapangasawa ko."

MY ASMR BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon