Kabanata 1

8.2K 290 13
                                    

Kabanata 1

Warning

"KAMUSTA naman ang mga nakaka-chat mo? May natitipuhan ka na?"

Ipiniga ni Tempest ang damit na sinasampay bago nilingon ang kaibigang si Chona na abala din sa kanyang telepono na malamang ay ka-chat ang boyfriend na nakilala din sa mga dating sites. Kung saan, nagsisimula na din siyang makipag-chat dahil sa kagustuhan ng kanyang magulang na mag-asawa na siya.

Eh anong magagawa niya? Walang nakakapasang mga manliligaw sa standards niya!

"Itinigil ko kagabi. Ang babastos! Puro dibdib ko agad ang gustong makita. Mga walanghiya!" ngiwi niya.

May mga chances pa nga na bubungad sa kanya ay lalakeng nagsasarili. Eww lang ha!

Tumawa si Chona. "Anu ka ba, friend! May mga ganyan talaga. Sanayan lang. Saka malay mo naman, d'yan mo na talaga mahahanap ang type mo. Ang daming gwapo kayo doon. Tyagaan lang."

Hindi niya mapigilang umirap. Ano pa nga ba? Eh no choice na siya. Alangan naman ay patulan niya si Makmak. Hindi niya rin 'yon type.

"Ay anu ba 'yan!" reklamo niya dahil kung kaylan kumot na lang ang sasampayin, saka pa nabasa ang puting T-shirt niya. Bakat na bakat tuloy ang kulay pula niyang bra.

"Sino na nga iyon manliligaw mo na walang ipin sa unahan? Bakit hindi na lang 'yon ang asawahin mo? Mukhang matino naman ah."

Sinamaan niya ng tingin si Chona. Hindi niya alam kung nagpapatawa ba ito o ano. Alam naman nitong hindi niya nga type si Makmak. Paulit-ulit na lang.

"Tempest, tapos ka na ba r'yan?" Dumungaw ang nanay niya sa pinto ng kusina.

Napalingon siya dito. "Kumot na lang ho, Nay. Bakit po?"

"Pumunta ka muna sa labas at mamili ng toyo at suka. Paubos na pala itong nandito sa bahay. 'Di man lang nagsabi ang tatay mo."

Tumango siya. "Sunod na ho ako, Nay."

"Pakidalian para maluto ko na itong paborito mong adobo."

Nang pumasok sa loob ang kanyang nanay ay binalingan naman niya si Chona. "Hindi ko nga type iyong si Makmak. Di kami bagay ano!" Itinirik niya ang mata bago isinampay ang huling kumot na nilabhan niya.

Araw ngayon ng sabado at imbis na magpahinga galing trabaho, naglaba na lang siya ng mga hinubaran. Hindi naman pwedeng ang nanay niya pa ang maglaba samantalang ang tanda na nito.

"No choice ka, Friend. Kaylangan mong pagtyagaan ang makipag-chat. Don't worry, irereto kita sa kaibigan o kapatid nitong boyfriend ko. Baka meron pang gwapo na papasa sa standards mo," pilyang ani Chona at tinaas baba pa ang kanyang magkabilang kilay.

"Bahala ka. Labas muna ako. Sundin ko muna utos ni Nanay."

***

PALABAS pa lamang si Tempest mula sa eskinita galing sa bahay nila ay naririnig na niya ang maingay na sigawawan sa unahan.

Malamang ay may nagkakagulo na naman. Baka may snatcher na nahuli at binugbog. Sanay naman na si Tempest na itong lugar nila ay madami ang halang ang sikmura. Mabuti na lang at hindi siya ginagalaw ng bastos na lalake sa unahan kapag nadaan siya. Takot siguro sa mga nanlilisik niyang mata.

MY ASMR BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon