Ang bilis ng panahon tapos na agad ang finals namin at nabigay na yung report card at enrollment nanaman ngayon para sa second year. Bagsak ako sa dalawang subject ko major subject pa naman so need ko iretake.. Sobrang nafru2strate na ako dahil sa pagaaral ko gusto ko nalang tumigil ayoko na ipagpatuloy pa tong pagaaral ko.
Ano ba naman tong buhay na to Haaaay!!
"Miss nakapila ka ba?" nagulat ako sa nagtanong.. napalalim pala ang iniisip ko... tinignan ko yung lalaking nagtanong
"obvious ba?" mataray kong sagot
"e kasi miss ayun na yung pila oh? anlayo mo na baka pwede ka ng umusog o gusto mo mauna na kaming nasa likod mo?" parang naiinis nitong salita
Duon ko napagtanto na kinain na pala ako ng iniisip ko my gosh! kakahiya naman sa mga nasa likod ko pati dito kay kuyang masungit! nahihiya nalang akong umusog...
Infairnes may itsura si koya ahh! kaso masungit tsskkk!
"Nasan na ba yung mga kaibigan ko kaloka sila ah di manlang ako samahan dito sa pila porket tapos na sila!" pabulong ko lang na sabi
maaga kasi silang pumunta dito sa school para daw matapos sila agad at mauna sa pila.. dahil nagdadalawang isip ako kung ipagpapatuloy ko pa ba to o hindi kaya tinamad ako umalis ng maaga. Ang ending is pumunta parin ako kahit napipilitan nalang talaga hay nako!
After ko magenrol pinuntahan ko sila sa garden andun lang naman pala sila..
"o teh tapos ka na pala.. daming tao ano tagal mo kasi ee" banat sakin ni Haney
"tss kakainis nga may masungit na lalaki pa akong nakasabay duon"
"weeh? ano pogi ba?" langyang tanong ni Jenny
"wow ha? yun talaga itatanong mo? sana tanungin mo muna if okay lang ako dba?" naiinis kong sagot
"haha eto naman masyado HB ee! chill ka lang teh" natatawa niyang sabi
"punta nalang daw tayo kila Paula" aba himala nagsalita tong si Bea
"cgue tara na guyz movie marathon nalang us" yaya nadin ni Jane "sama ka ba Karla?"
"pass muna guys may gora kami ng jowaers ko" sabi nya
"ah okay teh ingat nalang kayo" saad ni Paula " o ano ba panuorin natin sa bahay?"
"kahit ano nalang" sagot ko
Nagpunta na kami kila Paula nagbyahe kami galing school dahil sa Cainta pa ang bahay nila.
Napakalaki talaga ng bahay nila kaya dito namin trip lagi tumambay at mag overnight ee... busog pa lagi kami sa luto ng mama nya wahaha
oo na sige na matakaw na kami! haha mahilig kami magfoodtrip at movie marathon.. mas tipid daw kasi kapag andto lang kami kesa mamasyal sa mall..
Late na nung umuwi kami hindi kami ngayon nagovernight dahil hindi nakapagpaalam sa mga kanya kanyang magulang.
Pagdating ko sa bahay nahiga na ako at nagpahinga.... habang nagmumuni muni biglang sumagi nanaman sa isip ko si koyang masungit... napangiti nalang ako kasi ang cute niya..
"Ano kayang section niya? kasabay namin siya magenroll ang ibig sabhin marketing din siya"
Habang iniisip si guy hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako ng may ngiti sa labi 😊

BINABASA MO ANG
Loving Two Dela Cruz
RomanceSi Cesil ay isang babaeng hindi alam ang gustong marating sa buhay.. Sa napili niyang kurso sa isang University ay nakilala niya at naging kasintahan si Andy Dela Cruz . Hindi na alintana sa kanya kung ayaw niya sa kursong nakuha niya o kahit na nag...