Chapter 1

1 1 0
                                    

"Anong course kukunin nyo?" tanong ko sa mga highschool friends ko, Andto kami ngayon sa University of Pasig para magenroll.

"BSBA Entrep kami ni Jesica" sabi ni Princess

"Marketing Management ako, ikaw ba Cecil anong gusto mo kunin?" tanong ni Jenny pinakaclose ko sa kanila

"diko nga alam ee, hangang ngayon di ko alam anong gusto ko"

"Hala! tayo na sunod oh dapat alam mo na kukunin mo" nagaalalang sabi ni Jesica

"Next!!" sigaw ng dean secretary

Tama yung nabasa ninyo mag college na kami at enrollment na ngayon pero hindi ko talaga alam kung anong gusto kong kuhain.. Ako kasi yung babaeng magulo ang buhay... Chareng! sadyang di ko lang talaga kaya magisip ng gusto ko... Jusko Lord!

Nga pala ako si Cecil Agustin, 16 years old, magandang nilalang na nasa lupa haha kidding aside maganda naman kasi talaga ako! sabi kaya un ng nanay ko.. haha 5'3 ang height.

"Next!!."

"I said next!!!" malakas na sigaw nung secretary

"Hui! Ikaw na!" sabi nila hindi ko namalayan tapos na pala silang tatlo at ako na ang sunod..

Waaaaaaaaaaaaaaaah! I hate this!

I have no choice kundi pumasok sa room ng Dean

"So why did you choose to enroll here in this school?" first question ni Dean

"Convenient po kasi sa akin taga Pasig lang din po ako"

"okay, so what course will you take?"

Langyang dean to english ng english kinakabahan na nga ako lalo pa dinadagdagan.. Kaloka ah!

"uhmm dean, Marketing po?" hindi siguradong sabi ko

"Can you tell me why you want to take Marketing Mgt?"

Bowset bakit nga ba yun yung napili ko? hindi ko naman kasi alam pipiliin ko.. dun nalang ako kung nasaan si Jenny atleast magkasama kami.. Uhmm ano kaya masabi ko? kailangan ko ng rason help guys! hindi ko naman pwede sabihin na gusto ko lang gayahin si Jenny haizt!!

Wag nalang kaya ako magaral? atras na ba ako?

"ehem ms. Cecil? are you with me?"parang naiirita nang tanong ni dean

" sorry Dean, gusto ko po makapagmanage someday ng isang kumpanya" panghuhula kong dahilan

"Okay submit your requirements to the registar"

Nagthank you lang ako at lumabas na lumulutang utak ko dahil sa interview na to.

"So ano na kinuha mo Cecil?" sabay sabay nilang tanong

"same tayo Jenny.. no choice na me ee"

"nako sure ka ba jan sa pinili mo?"

Nagkibit balikat nalang ako at nagsimula ng maglakad papunta sa registrar need namin submit mga requirements and referal ni Dean.

After namin magenroll namasyal pa kami sa Megamall para masulit naman namin yung araw namin... Kumain kami sa Jollibee and naglaro sa World of Fun.. oo sa WOF at Jollibee lang kasi hindi naman kami mayaman.. Nagwowork sa ibang bansa ang papa ko mama ko naman bahay lang.. tapos nagaaral din ate ko sa private University kaya tag tipid kami ngayon.

Kung ngtatanong kayo kung bakit si ate sa private at ako sa public well hindi na kaya ng parents ko dalawa kaming private.. anyway okay lang sakin yun.

"let go na guys uwi na tayo baka hinahanap na ako ni mama" sabi ni Jenny

Umagree naman kaming lahat at umuwi na sa kanya kanya naming bahay.

Author Note: Waah first story ko lang to sorry na agad..  sorry kung di gnun kaganda pagdeliver ng lines and kung may mga typo.. keep reading po sana kayo thanks 😊

Loving Two Dela CruzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon