Kapitulo Siyam

1.2K 75 16
                                    

DONATO

MAY pinuntahan kaming lugar kasama ang aking ama. Once a month nagpupunta ang deligado ng mga Royal Family sa mga lugar na mahihirap. Kagaya ng bansang Africa. Kenya ang pupuntahan namin.

Labas na ito ng bansang Monaco. Sumakay kami sa pribadong eroplano ng Royal family. Kasama ko si Adelaida dahil siya ang aking personal assistant.

Binulungan ako ni Adelaida na prenteng nakaupo sa tabi ko.

"Saan ba tayo pupunta?" Napalingon ako sa kanya at pabulong na nagsalita.

"Ayon kay ama sa Kenya Africa. May mga tulong na gustong ipahatid si ama sa isang lugar doon," sabi ko. Nagkamot ng ulo si Adelaida.

"Ang layo pala, akala ko sa Monaco lang. Africa pala ang pupuntahan natin. Hindi ba nakakatakot doon? Kasi madaming tiger at saka lion doon, eh. Baka ipalapa tayo doon!" Natawa ako sa sinabi niya.

"Hindi naman nila gagawin iyon. Hindi tayo pupunta sa may leon at tigre." Napaismid sa akin si bansot. Natahimik na lang ito.

Ilang oras din kami sa himpapawid. Nakatulugan ko na si Adelaida habang nagsasalita. Kung ano-ano ang sinasabi.

Nagising ako na may nakayakap sa akin. Napalingon ako sa katabi ko. Napangiti ako, pero nanlaki ang mata ko nang makita ang isang kamay ni Adelaida nasa ibabaw ng ano ko.

Napakislot ako nang pisilin ni Adelaida iyon. Napalunok ako ng laway. Napapangiti pa siya habang nakapikit. Baka nanaginip siya habang nilalapirot ang ano ko.

Mas lalong dumoble ang kaba ko nang makita ko ang mga bodyguard ni ama palapit sa kinauupuan ko. Aalisin ko na sana ang kamay ni Adelaida na nasa ibabaw ng ano ko nang mas lalo niya itong hinawakan ng mahigpit. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hinablot ko ang jacket na nasa tabi ko. Pinangtakip sa ibabaw ko.

Dumaan sila sa akin at dumiretso kay ama. Nakahinga ako nang maluwag.

Kailangan gisingin ko na ang bansot na ito. Baka malamog ang ano ko. Baka mawasak ang  tamod ko. Niyugyog ko siya. Ungol lang ang tugon ni bansot. Niyugyog kong muli ng mas malakas. Nagmulat ito ng mata.

"Ano ka ba inaantok pa ako, e?" Reklamo nito.

"Alisin mo!" Nginuso ko ang bandang ano ko. Napakunot ang noo ni Adelaida. 

"Ang alin ba?" Tanong nito nang hindi nito naintindihan ang sinabi ko. Nginuso ko ulit at napasunod ang tingin niya doon. Nanlaki ang mata ni Adelaida. Bigla niyang inalis ang kamay nitong nakahawak sa ano ko. Napa-peace sign ito sa akin.

"Sorry, masakit ba?" Umiling ako kahit sa totoo ay masakit. Nalamog ang ano ko. 

Nag-anunsyo ang piloto na nasa Africa na kami. Nauna kami ni Adelaida na bumaba. Nakasunod lang siya sa akin. May bodyguard ako na nasa magkabila kong tagiliran. Pagkababa namin nakita ko ang madrasta at mga kapatid ko. Kasama din pala sila.

Ang sama ng tingin nila sa akin habang padaan ako sa harapan nila. Hindi ko na lamang pinansin. Ano naman ang mapapala ko sa kanila kung patulan ko sila.

May naghihintay na sasakyan para sa royal family. Sumakay kami sa isang magarang sasakyan. Si ama at ang pamilya nito sa kabilang sasakyan. May mga nakasunod sa aming mga security.

Napatingin ako sa labas ng sasakyan. Maganda ang tanawin sa labas. Para kaming nasa probinsya. Naalala ko na naman ang Nanay at mga kaibigan ko. Kumusta na kaya sila? Bigla akong nalungkot.

"Donato, bakit malungkot ka?" Tanong sa akin ni Adelaida nang mapansin ang katahimikan ko.

"Naalala ko ang Nanay at mga kaibigan ko. Nasasabik na akong makita sila. Alam mo naman hindi pa ako maaring makauwi ng Pilipinas. Baka matagalan pa ako dito. Kailangan kong gampanan ang pagiging Prinsipe ko." Malungkot na saad ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Prince (Probinsyano Series 2) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon