Trent:
Tangina pare, anong nangyari? Bakit ganoon ang post niya sa Instagram?! Bakit si Gaustav ang nagbigay?Noviel:
Pare, iba iyang nabigay mo sa bigay niya. Nadoble tuloy bulaklak niya.Trent:
🤦Noviel:
Sa school guard ko pinaabot iyong sunflowers na bigay mo. Si Noriel rin ang pinababa ko para gawin iyon. Isa pa, hindi niya malalaman na ikaw iyon dahil iniba ko initials mo.Trent:
Ang hirap! Dapat hindi ko na ginawa. May balak pala iyong si Gaustav, lintek!Noviel:
Sabi ko naman sa iyo, iba tingin ni Gaustav kay Aeva noon pa.Trent:
Baka naman ikaw may gusto ka sa Aeva ko?! Subukan mo, uuwi talaga akong Pilipinas!Noviel:
Hala. Alam mo naman na si Crisanta lang ang mahal ko. Kapag natapos na ang gulong ito, pakakasalan ko na siya.
.Trent:
Pakakakasalan mo? Eh hindi ka nga pumasa sa panliligaw. Umabot ka na sa sampung beses, paalala ko lang!
BINABASA MO ANG
Closure (Completed)
RomanceI wanted closure but ayaw niyang ibigay sa akin! Ano ba naman iyong sabihin niya harap-harapan na ayaw niya na hindi ba?! Bwisit ka talaga Trenton James Regore! Why do you do this to me?! (Trenton & Aevolet's Story) (Epistolary Novel) Book Cover by:...