SIMULA

5 0 0
                                    

"Oh, sht" napangiwi ako ng makita ko ang dugong nagmumula sa kamay ko.

Kakaalis lang ng guro namin sa filipino nang may nakita akong blade na may bahagyang pintura. Sinubukan kong tanggalin ang pintura dahilan para masugatan ako.

"Ganito pala talaga siguro no? kung sino pa yung tinutulungan mo, siya pang dahilan para saktan ka." mahinang sabi ko nang biglang may umagaw nung blade sakin.

"Let me do it." sabi ni Ian.

Maingat na tinanggal nya ang natirang pintura sa blade. Hindi ko mapigilang mapatitig sa seryosong mukha nya na unti-unti akong dinadala sa nakaraan.

(The day I met him)
First day of school, nahirapan akong hanapin ang room ko kasi freshman pa lang ako noon and the school was quite big. Naglalakad ako sa may hallway nang may bumangga sa akin.

"Sorry." nahihiyang sabi niya.

He was wearing a short-sleeved white tshirt partnered with jogger pants. He looked so clean kasi maputi siya.

"No it's okay. Pwede ba kitang matanong kung saan ang room 43b? freshman kasi ako kaya di ako masyadong pamilyar sa lugar." tanong ko.

"Ian's the name. Doon din sana ako papunta. Freshman din ako, sorry pero I guess we both have the same problem." sagot nya.

I guess it all started there. He was with me when I was lost. We were both strangers that day but we believe that for some reason, we need each other.

---
"Your hand." napabalik ako sa kasalukuyan nang magsalita si Ian.

Bago pa man ako makakilos kinuha na nya ang kamay ko, napangiwi ako nang nilinisan nya sugat ko at nilagyan ng band-aid.

"Kung gusto mo saktan sarili mo, gawin mo pag wala ako." huling sabi nya with those plain eyes and he left.

He's really good at making me feel uncomfortable. It's been three years since the last time he talked to me. Hindi ko mapigilang malungkot nang maalala ang huling pag uusap namin.

(A week before high school graduation)

"Ian, can we talk?" pakiusap ko sa kanya pero imbis pakinggan ako, ipinasak nya sa kanyang tainga ang earphones. I didn't expect him to be this rude kaya nagalit na ako.

"Ano ba? ganito nalang ba talaga? that was just a rumor, okay? pwede naman nating baliwalain yun diba? mas importante pa ba yung sasabihin nila kaysa sa pagkakaibigan natin? Ian naman eh, alam mo namang ikaw lang kaibigan ko dito eh." naririnig ko na ang boses ko na nababasag kaya kinagat ko ang labi ko at napatingin ako sa taas kasi alam kong anytime maiiyak na ako.

He stayed silent. Listening to music, I guess. Tuluyan nang nahulog ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Marahas na tinanggal ko ang earphones na nakapasak sa tainga nya. He stared at me and for the first time, It feels like he's a total stranger.

"Okay, so ganoon lang pala ka babaw friendship natin. Fine, gusto ko lang marinig to galing sayo kaya at least sagutin mo man lang ako," naiiyak na sabi ko, "ayaw mo na ba talaga sakin?" tanong ko.

For a split second, I witnessed how his eyes switched from cold to sad to hurt.

"What if sabihin ko sa iyong hindi yun rumor lang? paano kung sabihin ko sa iyo na talagang nagugustuhan na kita? paano kung malaman mo na hindi na kita gustong maging kaibigan kasi I want us to be more than that? everytime lumalapit ka sakin di ko maintindihan sarili ko. Your eyes, your smile .. everything about you makes me realize I don't want you to be just a friend to me. What if I want to cross the line, will you let me?" he asked.

That was a first. First time na may nag confess sa akin and I just don't know what to say.

"I knew it." mahinang sabi niya sabay tayo at umalis.

--
Hindi ako makagalaw. Walang napasok sa isip ko. Habang nakikita ko sya papalayo, dumaan sa isip ko ang masasayang alaala namin at gumuhit ang sakit saking puso.

Playing: "Close to you" by Carpenters.

You Were Once Mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon