HE'S GONE

1 0 0
                                    

12:03 am. I know dapat natutulog na ako pero these past few days, nahihirapan akong matulog. Matapos ang insidenteng yun hindi nya na ulit ako pinansin.

How did we end up like this?

(Few days before high school graduation)

Break time. Busy ang lahat sa kanya-kanyang practice. May nagpapractice na ng speech nila. May nag eensayo para sa intermission number nila pero ako nakatulala. Ilang araw lang matapos umamin sakin si Ian pero magmula noon hindi ko na siya nakita pa. Hindi ko rin binalak na i-kontak siya kasi di ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko. Hanggang ngayon hindi ko parin alam ano dapat mararamdaman ko. I know I was shocked but for some reasons I know I felt something. Something foreign and I have no idea what is it.

"Hindi na daw babalik si Ian." napalingon ako sa mga babaeng nag-uusap.
"talaga? bakit naman, ga-graduate na tayo ah." sagot nang isang babaeng napuno ng kolorete ang mukha.
"di ko alam, narinig ko lang din naman." kibit-balikat na sabi ng babae.

Kahit anong gawin ko, hindi ko maiwasang mag-alala kaya sinubukan ko siyang tawagan ngunit walang sumasagot. Sinubukan ko siyang bisitahin sa bahay nila pero sabi ng mommy niya may pinuntahan daw.

Lumipas ang ilan pang araw at hindi parin siya nagpapakita. Sobrang bigat sa dibdib kasi pakiramdam ko kasalanan ko lahat. Nasaktan ko siya.

"Ian!" narinig kong sigaw ng isang lalaki na sa tingin ko ay kasamahan nya sa chess department.

Dumating siya. Sabik akong tumakbo papunta sa kinatatayuan nya ngunit ako'y napatigil nang makita kong humahakbang siya papalayo. Papunta kay Kaye. Ang babaeng matagal nang may gusto sa kanya. Nakita kong ngumisi si Ian sa harap ni Kaye at doon ko lang na realize sa sarili ko na deserve ni Ian sumaya. Kung tatakbo ako papunta sa kanya, paniguradong wala rin akong masasabi sa kanya dahil hindi pa ako sigurado sa sarili kong nararamdaman.

"Tama na sigurong nakikita kitang ngumiti. Tama na sigurong malaman kong sabay tayong ga-graduate sa paaralang ito kung saan tayo nagkakilala." sabi ko sa sarili habang pinipigilan ang luhang gusto nang umalpas.

Ang sakit pala talaga mawalan ng kaibigan. Lalo pa't sa kagaya ko na hindi palakaibigan. Napaisip tuloy ako kung tama ba na hinayaan ko ang sarili ko na papasukin siya sa buhay ko.

(Graduation Ball)
I was just sitting. Looking at everyone having a good time.

"Anak, why don't you join them?" tanong sa akin ni mama.
"I'm not into this stuff, ma. You know that. Hihintayin ko lang matapos tong araw nato. Kahit naman nakaupo lang ako rito, busog naman ako." sagot ko.
"As much as I want to stay with you anak but I have some appointments so .."
"It's okay ma. I'm having a good time here." Hindi ko na pinatapos si mama kasi alam ko naman na kahit pigilan ko siya, di rin nya ako pipiliin over work.
"you should be home by 11 o'clock, okay?" kinintalan nya ng halik ang noo ko and I just smiled.

Sweet music filled the air. Everyone was grabbing their boyfriend's/girlfriend's hands and they danced. May iilan din namang nagyaya sa akin pero nanatili ako sa upuan ko. I know I was looking for someone. I know I was waiting for someone but when I saw what I was looking for, he was in the crowd dancing ...

with Kaye.

Bakit parang may hapdi akong nararamdaman? Bakit parang may dumaklot sa puso ko at piniga-piga ito? Am I starting to like him back? Is it too late? Should I confess?

I found myself walking towards him. Habang papalapit napatigil ako.

They kissed.

Pakiramdam ko nawawalan ako ng lakas. Nanlambot ang mga tuhod ko. Buti nalang at may dumaan kaya napakapit ako. I wanna cry.

"what? do you want a dance?" napatingin ako sa lalaking kinapitan ko. He was smiling at me pero di ko maaninag mukha nya dahil sa mga ilaw.
"Yes, please." nagulat ako ng masabi ko yun.

Then we danced. I cried silently because I know he won't notice it because of the lightings pero nilapit nya ang mukha nya sakin and then he whispered, "Shhh a beautiful lady shouldn't cry. I know you need this." then he hugged me.

I know I should shoo him away but that was exactly I need. I need a shoulder to cry on. Even just for today. I lost someone I should've kept. Now even though he is just within reach, I know I've lost him. I know he's gone and I know I could never bring him back.

You Were Once Mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon