Part 1

160 1 3
                                    

#theoffer

"Sleep with me, and I'll deal your problems."

Bigla akong nag-angat ng ulo dahil sa narinig. Ang mata kong mugto dahil sa buong magdamag na pag-iyak ay napalitan ng sukdulang poot at galit.

Nasa loob ako ngayon ng mini chapel ng hospital kong saan nakaratay si mommy at taimtim na nagdadasal, patawarin ako ng diyos pero napopoot ako sa taong nasa harapan ko ngayon.

"Anong ginagawa mo dito?!" galit kong tanong sa mayabang na nakapamulsa sa harapan ko.

"I will only offer this once for you, Miss Sandoval take it or let your dumbass father live the prison forever and let your mother die without undergoing an operation. "

"Napakasama mo talaga, Mr. Krypton!"

Napuno ng halakhak nito ang loob ng chapel. Tumulo ang luha ko sa galit at poot. 'He's a devil, and I hate him like hell'.

"Kahit kailan hindi ko papatulan ang isang katulad mo, hinding-hindi ko kailanman hingin ang tulong ng katulad mong kampon ng demonyo!" galit kong bulalas sa kanya.

Nakita ko ang pagtiim ng bagang niya at ang pagngisi ng mala-demonyo.

"Let see then." pagkasabi nito ay umalis na.

Pagkaalis niya ay sumalampak ako ng upo sa sahig. Unti-unting nawawalan ako ng lakas para lumaban sa lahat ng pinagdaanan ko ngayon.

"Lord, tulungan niyo po ako hindi ko na alam ang gagawin."

_____

"Paging, Miss Anika Sandoval please proceed to Intencive Care Unit." tumakbo ako kaagad matapos marinig ang pagtawag sa akin ng operator ng hospital.

'God, please huwag naman sana. Huwag niyo munang kukunin si mama'

Malayo pa ako sa ICU ay sinalubong na ako ni Amy, ang kasambahay namin na siyang pinabantay ko muna kay mama bago ako pumunta sa chapel.

"Ate, si maam. huhu." bungad kaagad sa akin ni Amy.

"Anong nangyari kay mama, Amy?" hindi ko na hinintay na sumagot si Amy at patakbo ko ng nilapitan ang salaming pintuan ng ICU.

Hindi ko napigilang hindi humagulgol ng makita kong pinagkakaguluhan ng mga doktor sa loob si mommy.

Hindi ko kinayang manood ng matagal, awang-awa ako kay mommy at galit ako sa sarili ko dahil wala akong magawa.

Pinag-uuntog ko ang sarili kong ulo sa sementong pader ng hospital habang patuloy na tumutulo ang luha sa aking mga mata. I can't let my mother die, I can't let my father rot in prison and I can't let our house to be taken away from us. But what should do? Isang libo nalang ang laman ng wallet ko, iyun nalang ang natira sa ibenenta kong kotse ni daddy. Ni bukas hindi ko alam kong saan kukuha ng pambili ng gamot ni mommy.

Wala na akong pwedeng ibenta, wala na kaming ari-arian na natira. Ang restaurant namin at ang mga naipundar na lupain ng aking magulang sa probinsiya ay parehong kinuha ng bankong pagmamay-ari ng demonyo, na si Benedict Krypton.

Pangalan pa lang ay kinamumuhian ko na siya. He's a devil. Siya ang dahilan ng lahat ng kamalasan na nangyayari sa buhay namin ngayon.

He is filthy rich, he owns chains of banks at malalaking kompanya dito sa Pilipinas. At iyun ang dahilan kong bakit ko siya kinamumuhian ngayon, hindi dahil kinuha niya ang mga ari-arian namin kung hindi dahil sa pagsilaw niya ng pera sa daddy ko.

My dad used to work with Mr. Krypton ang amerikanong ama ng demonyo. Kung demonyo si Benedict kabaligtaran naman ito na mala-anghel sa kabaitan.

Nang magretire si Mr.Krypton ay ipinasa nito ang pamamahala sa kompanya kay Benedict na siyang nagpabago sa buhay namin.

My dad changed and its because of him. Sinasama niya si dad sa casino hanggang sa natuto na ring magsugal si daddy at noong nakaraang buwan lang ay ipinakulong ni Benedict si daddy ng madiskobre nitong nakadispalko ng pera ang aking ama sa kompanya niya.

Noong una hindi ako makapaniwala na kayang gawin iyun ni daddy pero siya na mismo ang umamin ng katotohanan. At ang mas masakit hindi lang libo-libo ang ninakaw sa kompanya ni daddy para sa pagsusugal kundi nakakahimatay na 20 million. Saang baol naman kami kukuha ng pambayad nun.

At ang mas masaklap hindi kinaya ng puso ni mommy ang katotohanan na nagawa iyun ni daddy sa amin. Ilang linggo siyang palaging umiiyak at malungkot pagkatapos damputin ng mga pulis si daddy, hanggang noong isang araw ay bigla nalang siyang inatake sa puso matapos basahin ang notice mula sa banko na pagmamay-ari ni Benedict na nagsasabing kailangan na naming lisanin ang bahay na tinitirhan namin.

Siguro maiintindihan naman ako ng diyos kong bakit ko kinamumuhian si Benedict. Somehow I know that I have no right to feel so dahil choice iyun ni daddy na malulong sa sugal, but wala akong ibang masisi. I need someone to blame para maibsan ang pait at bigat sa dibdib ko ngayon.

The fact is, I hated Benedict since the day we've meet...

A Deal with the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon