Part 2

116 3 0
                                    

hello there, XydeRicChua my first reader and commenter. Ur wish is granted (UD). mwah.

#offer accepted

        Hindi ko alam kong paano ako nakarating sa Krypton building na dati pinagtatrabahuan ni daddy at kinaroonan din ng opisina ng devil.

        Sa aking kinatatayuan ay kitang-kita ko ang tayog ng gusali, puno ito ng mga ilaw at sa unang tingin palang ay masasabi ng worldclass ang structure.

    Its already past eleven in the evening, at hindi ko maalala kong paano ako nakarating dito. Wala ako sa sarili kanina na lumabas ng hospital matapos akong kausapin ng doktor tungkol sa kalagayan ni mommy.

"I will tell you straight, Miss Sandoval malubha ang kalagayan ng iyong ina. She needs to undergo the operation as soon as possible dahil kong hindi baka sa susunod na atake niya ay baka iyun na ang huli."

       Nanghihina ang buo kong katawan ng maalala ko ang  sinabi sa akin ng doktor.Kumapit ako sa railings dahil pakiramdam ko anytime babagsak ako. Hinayaan ko nalang ang mga luha kong hindi ko alam kong kailan titigil.

    Ilang minuto  akong nanatili sa posisyong iyun at ng masiguro kong ok na ako ay umalis na ako. Dahil unang-una hindi ko alam kong bakit ako pumunta sa lugar na ito.

       Ngunit nakailang hakbang pa lang ako ng marinig kong may nagsalita sa aking likuran.

"You came so soon than I expected, Miss Sandoval." hindi ko na kailangan pang lumingon para sinuhin ang nagsalita. Ang pagtayo pa lang ng mga balahibo ko sa balat ay sigurado na ako kong kanino ang tinig.

      Siya lang naman ang nagmamay-ari ng boses na nakakapanayo ng balahibo ninuman, voice with authority and emotionless. A kind of voice that could make anyone shiver the moment he speaks. Even his voice speaks how ruthless and devil he can be.

      But wait, paanong nangyari na nandito pa siya sa Krypton building gayung kanina pa nagsiuwian ang mga empleyado. Oo nga naman his the boss, the devil boss of his own company kaya walang magdidikta kong kailan at anong oras ito uuwi. Damn with his overflowing confidence.

         Walang emosyon ko siyang hinarap.

"How can you be so sure that I came here because of your offer, Mr. Krypton?"

       Tumawa ito ng pagak at halatang nang-iinsulto. Then I saw him smirk on me.

"Really huh, Miss Sandoval? Cuz I cant find any reason for you to be here in front of my building at this late hour in the evening." puno ng yabang nitong wika bago ako iniwang hindi kaagad nakahanap ng isasagot. Dahil ako mismo sa sarili ko hindi ko alam ang dahilan ng pagpunta ko dito.

      Muntik naman akong mapatalon sa sobrang pagkagulat ng marinig ko ang malakas na bosena ng kotse sa aking likuran.

    'Shit' kailangan ba talagang sa kinatatayuan ko pa dadaan ang menamaneho nitong kotse sa laki ba naman ng space.

       Napansin ko ang paghinto ng sasakyan sa mismong harapan ko at ang dahan-dahang pagbaba ng bintana.

"I'll expect you in my pad tommorrow night." nanatili pa rin sa daan ang tingin nito habang nagsasalita ng walang emosyon.

"Wha--?!" bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay mabilis na nitong pinaharurot ang sasakyan palayo.

       Wait, what does he mean that he's expecting me to be in his pad tommorrow night? Wait again, I don't remember myself accepting his unhumanitarian offer.

A Deal with the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon